Chapter 6

5 0 0
                                    

Tiffania Williamson's Point of View

   Agad akong dumeretso sa ground floor kung nasan ang mga faculties ng school at dumeretso sa Dean's Office. Pagkapunta ko doon ay kumatok ako ng tatlong beses at pumasok sa loob.

   Agad naman akong sinalubong ng isang babae.

   "Goodmorning, are you Ms. Williamson?" Tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.

   "Hi, I'm Ms. Stacey, dean's assistant. Just wait fot them in the couch" sabi niya na kinakunot ng noo ko.

   Them? So it means na marami sila? Hindi ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng kaba matapos kong umupo sa couch.

   Hindi naman todo ang aircon pero linalamig ang kamay ko at pinagpapawisan ako ng matindi. Ano ka ba, Tiff? Umayos ka nga! Kakausapin ka lang ng dean, okay?

   Napalingon na lang ako sa isang pintuan na bumukas at ang nakalagay doon ay Private Room.

   Nanlaki na lang ang mata ko ng makita na hindi lang isa ang lumabas kundi lima ang lumabas.

   "G-Goodmorning po" bati ko at mabilis na yumuko sa kanila.

   "Goodmorning" bati nila at agad naman akong umupo na sumenyas ito. Nangunot naman ang noo ko ng makita ang mga staff dito na kinukurtinahan nila ang buong salamin.

   Okay? Kinakabahan na ako...

   "What's your name?" Tanong ng matandang lalaki at napakurap na lang ako ng ilang beses.

   "Oh, I forgot. My name is Hernando Silvenia, 90 year's old" sabi nito at napatango naman ako bilang sagot.

   Shit, lang. Ito na pala ang sinasabi nilang si Hernando Silvenia? Yung pinakakinatatakutan nila?

   "This is my wife. Salvacion Silvenia, 89 year's old" pakilala niya sa asawa niya at halos hindi naman ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa matalim niyang mga titig sa akin.

   May ginawa ba akong mali?

   "This is our son and the dean on this school. Alfonzo Silvenia, 67 year's old" pakilala niya sa dean namin at tumango naman ako bilang sagot at tulad ng ama niya ay seryoso ito.

   "And this is my son. Alonzo Silvenia... your dad" pakilala ni dean dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kanila at agad na tumingin sa lalaking walang emosyong nakatingin sa akin.

   "And I'M his wife, Eliza Salvador" napalingon naman ako sa babae at hindi ko itatanggi na may taglay itong kagandahan.

   "Ahm e-excuse me lang ho. Pero ano po ulit ang sinabi niyo kanina? Ama ko ho si Mr. Alonzo? Nako ho nagkakamali ho kayo kasi po--"

  "Can you just shut the hell up?!" Natigilan na lang ako sa pagsasalita ng nagsalita si Ma'am Eliza kaya agad naman akong napayuko.

   "What's your name again?" Tanong ni Mam Eliza at napakagat na lang ako ng labi ko dahil sa kaba!

   "T-Tiffania Williamson---"

   "How old are you?" Tanong niya muli.

   "S-Seventeen, ma'am" sagot ko na kinataas ng kilay niya.

   "When is your birthday?" Tanong niya at hindi ko alam pero bigla na lang nagflashback ang nangyari nung nag-usap kami ng mga apo ng Silvenia.

   "March 24, 2001" sagot ko at nagulat na lang ako ng biglang sinampal ni Ma'am Eliza si Sir Alonzo!

   "Kita mo na?! Hayop ka, Alonzo!" Sigaw nito habang pinaghahampas ang asawa niya.

The Silvenia'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon