Chapter 8

13 0 0
                                        

Gale Jackson's Point of View

   Okay, kung tinatanong niyo kami kung nasan kami ngayon ni Charlse ay nandito pa rin sa kotse at na-stuck na kami dito sa traffic.

   Halos tatlong tao na ang nabasa niyong point of view bago ang chapter na ito ay nandito pa rin kami. Forever na ba kami dito? Katulad ng traffic dito sa main road ng Clarkson?

   Napangiwi na lang ako at sumandal sa upuan ko kasabay ng pagcross ko ng mga braso ko sa harap ng dibdib.

   Arghh! This is so boring! Like, OMG lang talaga! Nakamove on na ako sa scene kanina pero ito atang si Charlse ay hanggang ngayon ay hindi pa! Nako ha? Paano pa kaya kung dumampi na ang mga labi namin? Hindi na siya makatulog nun ganern?

   Muli akong napabuntong hininga at binaba na lang ang bintana at sunandal roon.

   Mamaya-maya pa ay kasabay ng pag-ulan ng malakas ay ang pagtugtog ng radio na kung suswertihin ka nga naman ay tamang-tama pa ang kanta ngunit magkaiba naman.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go I see the lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

   Kung doon ay totally 'Her hair blowing in the open window of my car' dahil sa hangin na nanggagaling sa labas ng sasakyan ay dito sa kinauupuan ko hindi dahil hibahangin lang ang buhok ko dahil sa malamig na hangin ng ulan.

   At kung doon sa kanta ay 'In the darkness of the evening' ay hindi naman gabi dahil madilim pero madilim lang ngayon dahil sa maitim na ulap na nasa itaas.

   Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa bintana ng sasakyan ng binuksan ko ng konti ang bintana.

   I hate this ride! I don't like this ride! Like, OMG lang talaga! Hindi ganito ang imeexpect kong ride! Aghh!

   But I guess, expectation virsus reality hit me so hard. Tss.

   "And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"

   Napalingon na lang ako kay Charlse ng bigla niyang sinabay ang kanta! Kasabay nun ang pag-andar ng sasakyan at hindi nagtagal ay naging tuloy-tuloy na yun.

   Nanatiling sa kaniya lang nakatitig ang gulat kong mga mata habang palihim na hinahangaan siya dahil may taglay siyang kagandahan ng boses!

   "Oh and I know
That this love grows

Oh I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"

   Nagulat na lang ako at halos mapatalon sa kinatatayuan ko na lumingon siya sa akin kaya agad naman akong nag-iwas ng tingin at lumingon na lang sa labas ng mapagtanto ko na tumigil na pala ang ulan.

   "We're here" sabi niya kaya tumango naman ako at binuksan ang pinto. Pagkalabas namin ay nangunot na lang ang noo ko ng makita ang isang malawak na parke at may dalawang punong nasa gitna nun. Ang isa ay may malaking tree house sa tuktok niya at ang isa ay may dalawang duyan na nakasabit doon.

   "What are we doing here?" Tanong ko kay Charlse at lumingon sa kaniya an dapat hindi ko na lang ginawa dahil nakatingin na pala siya sa akin.

The Silvenia'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon