Prologue

37 0 0
                                        

Sixteen Year's Ago...

   "Sige, Madam Eliza, kaya niyo yan. Iire niyo pa ho. Lalabas na" sabi ng pribadong doktor ng pamilya nila habang hinihilot ang tiyan at mga binti nito para bigay tulong na din sa paglabas ng bata.

   "Hindi ko na kayaaaaaa!!!!!" Sigaw ng magandang dilag habang mahigpit ang pagkakagat sa makapal na tela at mahigpit ang kapit sa kamay ng asawa.

   "Kaya mo iyan, mahal. Malapit ng lumabas ang bunso na'tin" bulong ng asawa nito habang hinihimas ang pinagpapawisang noo ng asawa.

   "Huling iri na lang, kamahalan. Lalabas na ang inyong prinsesa" sabi ng pribadong doktor nila at isang mahaba at malakas na sigaw ang pumuno sa kwarto ng mag-asawa.

   At makalipas lang ng ilang saglit isang maganda at matingis na iyak ng sanggol na babae ang pumuno sa buong kwarto.

   "A-ang anak ko..." bulong ng ina habang pagod na pagod sa paglabas ng kaniyang bunsong anak.

   "Lilinisin ko lang ho ang inyong prinsesa, kamahalan. Magpahinga na lang po muna kayo" sabi ng pribadong doktor nila at tumango naman ang mag-asawa at nagpahinga na.

   Pagkatapos linisin ang sanggol ay papasok na sana siya sa kwarto ng mag-asawa ng humarang sa kaniya ang mga anak ng mag-asawa.

   "Maaari ho ba naming masilayan ang bunso naming kapatid, doktora?" Sabay na sambit ng panganay na kambal ng mag-asawa.

   "Kakaunting minuto lang ang aming hihilingin, doktora. Gusto lang ho naming makasama saglit ang bunso" sabi ng sumunod sa kambal at bakas sa mukha niya ang seryoso at wala kang makikitang emosyon sa mukha ng batang babae.

   "Pasensya na ngunit---"

   "Huwag kayong mag-alala, doktora. Marunong magbuhat ng sanggol ang mga kuya at ate ko kaya wala ka dapat na ipabahala" sabi ng sumunod sa panganay na babae na may malaanghel na mukha sa sobrang kainosente nito at sa magandang ngiti.

   "Saglit lang po please?" Sabi naman ng pangalawa sa huli at napabuntong hininga na lang ang doktora at lumuhod upang magkapantay sila ng panganay na apo ng pamilya.

   "Sige papayagan ko kayo ngunit pakiusap lang, kargahan ng mabuti ang bunso niyong kapatid dahil kakalabas niya lang mula sa tiyan ng inyong ina" sabi ng doktora at sabay namang tumango ang magkakapatid.

   Maingat na linagay mg doktora ang sanggol sa panganay na magkakapatid at pagkakarga nito ay mabilis na tumalikod ang magkakapatid at pumasok sa isang kwarto. Agad namang pinaalam ng doktora na ang sanggol ay nasa magkakapatid.

   "Eza ako namang kakarga kay Allie" sabi ng kakambal nito habang hindi na mapakali ang mga kamay niya sa atat na pagkarga sa bunsong kapatid.

   "Ano ba ulit pangalan niya?" Sabi ni Eza at bumuntong hininga naman ang kakambal niya na si Ezi at kinuha ang bunso nilang kapatid.

The Silvenia'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon