Noimie Miles' Point of View
Mga teh gurl! Hala! Ito na talaga! Ito na talaga ang eksena na magmomodel ako for the first time in my entire life!
Nakangiting naglalakad ako papuntang school dahil sa excitement na nararamdaman ko ng dahan-dahang nawala iyon ng makita ko si Spade.
Yes, si Spade ang ex ko na naging partner ko pa dito sa show! Arghh!
And ow! May frenny na din ako! Si Daniela and Walter! Grabe talaga! Ang ganda niya and she's cool! Bagay sila ni Walter!
"Sabay na tayo" sabi niya at napairap na lang ako at naunang maglakad sa kaniya. Agad naman siyang sumunod sa akin.
Marami-rami na ding mga istudyante dito at pagkapunta namin sa backstage ay inaayusan na pala si Daniela kaya agad akong umupo sa tabing upuan niya habang si Spade naman ay dumeretso sa mens room.
"Ms. Miles, mabuti na lang at nakapunta kayo ng maaga dahil mahaba-habang oras ang kailangan para ayusan kayo" sabi ng nag-aayos sa akin at napanguso na lang ako.
"Sorry, nalate kasi ako ng gising" sagot ko at ngumiti naman siya sa akin at sinimulan na akong ayusin.
Mamaya-maya pa ay napalingon na lang ako sa pinto ng pumasok si Casandra.
Ow, I remember. Siya nga pala ang designer namin at siya din ang magiging emcee sa show na ito.
"Ms. Miles and Ms. Watson, go to the changing room. The show will start in 20 minutes!" Anunsyo niya at mabilis na lumabas ng kwarto.
Agad naman akong tunayo at ganun din si Daniela at mabilis kaming nagpalit.
Yes! I'm so excited!
Tiffania Williamson's Point of View
Twenty minutes na lang daw at magsisimula na ang show at halos ang dami ng mga istudyante sa labas! Soot-soot ang mga summer outfit nila.
Napabuntong hininga na lang ako at napalingon kay Darious na ngayon ay inaayusan. Kanina pa lang ng pagkita namin ay gusto niya akong lapitan pero lumalayo lang ako dahil hindi ko alam kung paanong haharap sa kaniya kasi binigay ko na eh! Binigay ko na ang yaman ko!
Napansin ko naman kay Quin at Xander na may pag-iilangan pa sila sa isat-isa, naging tahimik din si Quin habang si Xander naman ay panay lang ang tingin kay Quin at parang gustong kausapin ito pero wala siyang magawa.
Yung kila Gale at Charlse naman ay kung ako ay umiiwas ako kay Darious ay sa kanila naman ay si Gale naman ang lumalapit habang si Charlse naman ang umiiwas.
Napangiti na lang ako ng mapait at napatingin sa mga soot namin. Tama nga si Gale, magaling si Casandra sa pagdedesign.
"Okay! Get ready models! The show will start now!" Anunsyo ng production manager kaya agad na lumabas si Casandra sa stage at isang nakakabinging hiyawan ang pumuno ng buong pool area.
"Goodevening! University of Marchessa! Tonight is the waiting part for this week! Bukod sa pagboto sa bago nating SSG president ay ngayon ay gaganapin na ngayon ang pinakahihintay nating SUMMER BALL FESTIVAL 2018!" Sabi niya at agad namang nagsihiyawan ang mga istudyante.
"Kung sila ay tapos na ang summer ay sa UM ay hindi pa! May pahabol ang UM kaya simulan na natin ang pinakahihintay nating FASHION SHOW!" Sabi niya at muling nagsihiyawan ang mga istudyante.
Agad naman kaming pumwesto. Ganito ang arangement namin. Labing-limang pares kami ngayon nandito at ang Magic Five daw ay kaming limang nahuhuli.

BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Teen FictionMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...