Simula

2.5K 69 14
                                    

Nakatulala ang dalaga habang nakatingin sa puting pader ng kuwarto niya. Napabuntong hininga ito at dahan-dahan na tumingin sa oxygen na nasa tabi ng kama niya, yumuko siya at hindi na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. Kasabay ng pagpatak ng luha niya ay ang muling pagsakit ng ulo niya, napahawak tuloy siya sa ulo niyang naka balot ng benda. Kakatapos palang kasi ng operasyon niya noong nakaraang linggo kaya medyo masakit pa din ito.

"Ansherina..." Isang lalake ang pumasok sa kuwarto niya at may hawak-hawak na isang boquet ng rosas. Tumingala ang dalaga upang malaman kung sino ba 'yong pumasok. Agad siyang napapunas ng kanyang luha at mabilis na binuo ang isang pekeng ngiti sa mga labi niya.

"L-love." Tugon ni Ansherina. Nilapitan siya ng binata at umupo sa tabi niya.

"Did you cry, darling?" Mahinahon na tanong ng binata sa kanya. Mabilis na napaiwas ng tingin si Ansherina at hindi na naman mapigilan ang pagpatak ng luha niya. Niyakap siya ng binata at marahan na hinagod ang likuran niya.

"I'm sorry, Hunter. But I want to die, i'm tired of being sick. Limang taon na akong naninirahan dito sa hospital. Pagod na pagod na 'ko, love. I just want to die right now." Wika ng dalaga sa pagitan ng pagiyak niya. Inalis ni Hunter ang pagkakayakap niya dito at mabilis na hinarap sa kanya. Hinalikan niya ang luha sa mukha ng dalaga.

"Napagusapan na natin 'to diba? We will fight for it, darling. Lalaban ka diba? Your brain tumor is not yet severe. We can fight for it, just trust him darling." Napailing-iling na lamang si Ansherina sa sinabi ng binata, hindi pa rin niya maiwasan ang pagiyak.

"No, Hunter! I want to die. Kill me now! Kille me! Kill me! I want to die, Hunter! I badly want..."  Hindi kumibo ang binata habang pinaghahampas ni Ansherina ang dibdib niya. Sa totoo lang ay nasasaktan siya sa sinasabi ng kasintahan niya. Mahal niya ito at kahit alam niyang wala ng pagasa ng mabuhay pa siya ay mas pinili pa din na palakasin ang loob ng dalaga at pati na din ang sarili niya.

"No, darling. Stop. Pinapagod mo lang sarili mo. Just have a rest, I will be leaving. Babalik ako mamayang madaling araw. Don't do something, i'll warn you." Pagkatapos sabihin 'yon ng binata at hinalikan niya ng mariin sa labi ang dalaga. Tumango naman ang dalaga at mabilis na humiga sa kanyang kama. Nakaramdam na naman siya ng pagkirot  sa ulo niya kaya napapikit ito ng mariin.

Kinabukasan ay nagising siya na nasa tabi na niya si Hunter. Halata sa mukha ng binata ang pagod kahit na natutulog siya, nakaramdam naman ang awa ang dalaga sa kanya. Alam kasi niya na pagod ito sa trabaho tapos nakakaragdag pa siya sa kanya. Kaya tuloy mas lalo niyang gustong tapusin ang buhay niya.

"I love you, Hunter." Bulong niya habang pinagmamasdan ang natutulog na binata. Pitong taon na din ang nakalipas simula ng manirahan sila sa Espanya at simula noon ay hindi pa sila nakauwi ng Pilipinas dahil na din sa pananatili ni Ansherina sa hospital.

Kinuha naman ng dalaga ang kanyang tsinelas sa ilalim ng kanyang kama at mabilis na inalis ang nakatusok na karayom sa kanyang kamay. Agad itong tumakbo sa rooftop, halos lahat nga ng tao sa loob ng hospital ay nakatingin sa kanya dahil sa suot niya at isa pa ay tumatakbo siya.

Nagtungo siya sa rooftop at agad na humampas sa mukha niya ang malakas na hangin doon. Nakaramdam naman siya ng luwag sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang tinahak ang dulo ng rooftop at tumingin sa ilalim, napangiti ito. Kahit labag sa kalooban niya ang gagawin niya ngayon pero alam naman niya na 'yon ang ikabubuti ng lahat. Nanginginig ang mga binti niya habang paakyat sa pasamano ng roof top, pumikit ito habang sumasalubong sa mukha niya ang malamig na ihip ng hangin.

"Ganito mo lang ba na tatapusin ang buhay mo?" Lumingon ito sa taong nagsalita sa likuran niya. Isang doctor. Naka-lagay ang dalawang kamay nito sa bulsa ng suot niya. Hindi umimik ang dalaga, maya maya ay may mga luha na kumawala mula sa mga mata niya.

Love Duology 2: Taste of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon