Kabanata 3

530 13 1
                                    

MERRY CHRISTMAS!

Ella's Point of View

Nandito kami ngayon sa bahay nina Megan at Kuya Andrei dahil birthday ng kanilang unica hija na si Rosangel. She's turning 4. Magarbo ang selebrasyon para kay Rosangel, napangiti tuloy ako, sobrang spoiled talaga ng batang 'to sa mga magulang niya. Hindi na ako nagtaka dahil siya lang naman ang nagiisang anak na babae ni Kuya Andrei at Megan kaya halos lahat ng luho ay nasa kanya.

"Zenon! Aish! Ano ba naman yan, hindi pa naguumpisa ang party pero pawis na pawis kana!" Rinig kong sigaw ni Zane kay Zenon. Pinagmasdan ko naman silang mag-ama. Binuhat ni Zane si Zenon at pinunasan ang pawis nito sa likod.

"Daddy, It's okay! Just lay down there and be quiet!" Masungit na sabi ng bata. Natawa naman ako ng mahina. Kahit kailan talaga ay barado 'tong si Zane sa anak niya. Si Zenon kasi 'yung tipo ng bata na parang may sariling mundo, hindi siya mahilig na makipaglaro sa mga kapwa bata niya.

"Yah! I told you not to talk to me like that." Pagsuway sa kanya ni Zane. Hindi nalang siya sinagot ni Zenon at nagtuloy nalang ito sa pagtakbo sa bahay nina Megan.

Nakaramdam naman ako ng kilabot ng bigla ilagay ni Nathaniel ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko din ang pagsinghot niya dito.

"Hoy... tigilan mo nga 'yan!" Kunwaring inisi na sabi ko at itinaas ko pa ang isang balikat ko para maalis ang ulo nya sa may leeg ko.

Bigla naman itong tumawa ng mahina at tinignan ako.

"Why? You're not comfortable?" Nakangising tanong nya sakin. Hindi ko siya sinagot at umiwas nalang ng tingin. Wala ako sa mood para sagutin ang tanong nya.

Bigla naman niya ako niyakap sa tagiliran, hinayaan ko lang siyang gawin niya 'yon dahil wala pa naman na bisita dito sa bahay nina Megan at kami-kami lang ang nakakakita.

"You smell good." Bulong niya sakin na mas nagpatindi sa kilabot ko. Ewan ko ba, kahit na asawa ko na siya pero kakaiba pa din ang pakiramdam ko tuwing ganito siya sa akin.

"A-ahh, yeah..." Sagot ko.

Halos nagtagal din ng dalawang minuto ang pagkakayakap niya sa tagiliran ko bago ito kumalas.

"Joaquin called me last night." Wika niya. Tinignan ko siya sa mata at alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Tungkol na naman siguro kay Ansherina ang itinawag ni Joaquin sa kanya. Tuwing naiisip ko ang kalagayan ni Ansherina parang pinupunit ang puso ko. Hindi ko lubos na maisip na ganon ang sinapit niya.

"Ano sabi ni Joaquin sa'yo? Okay na daw ba si Ansherina?"

"Sa paglipas ng araw mas lalong lumalala ang kalagayan niya at ang nasabi pa ni Joaquin ay gusto niyang makita ang mga tulips sa Netherlands bago siya mamatay." Hindi ko maiwasan malungkot dahil sa sinabi ni Nathaniel. Pinilit kong hindi maging emosyonal dahil baka makita ako nina Andrea at kung ano pang itanong sa akin. Hindi pa din kasi nila alam ang totoong nangyari kay Ansherina kaya pinipilit kong hindi magpahalata na wala akong alam.

"I want to see her as soon as possible. I badly want to see my sister. She doesn't deserve on what's happening in her life right now. She deserves better." Mahinang sabi niya. Kita ko ang matinding lungkot sa mga mata niya. Naalala ko pa noong nasa high school pa kami ay madalas silang magaway, hindi mabubuo ang araw nila kung hindi sila magaaway. Pero ngayon, ibang iba na, nagiba na talaga ang ihip ng tadhana.

"Zenon!" Nabaling ang atensyon namin kay Joanna. Hingal na hingal ito habang hinahabol ang kanyang anak na ubod ng kulit.

"Chase me, Mommy!!" Pangaasar pa ng bata sa kanya at bumelat pa ito. Natawa na lamang ako sa inasta ni Zenon sa kanyang nanay. Hindi na ako magtataka, dahil nagmana ito sa kanyang ama na si Zane.

Love Duology 2: Taste of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon