Kabanata 11

392 8 7
                                    

"I bought some foods."

Inilapag ni Xandra ang mga pinamili niyang pagkain sa itaas ng center table.

Nasa ward kami ngayon ni Ansherina. Tatlong araw na simulang nang mangyari ang insidenteng 'yon sa Keukenhof Garden. Laking pasalamat namin dahil nagising na siya kahapon. Ngunit, halata sa kanya ang panghihina ng kanyang katawan. Madalang lang siya kung magsalita, hindi rin siya gumagalaw sa kanyang higaan. Nakahiga lang siya sa loob ng tatlong araw.

"Walang bagong tumor ang tumubo sa kanya, ang hindi ko alam ay kung bakit biglaan ang pagbagsak ng immune system niya." Wika ni Joaquin habang chinecheck ang mga vital signs ni Ansherina.

"Baka nasa gamot na ipinapainom mo sa kanya?" Patanong na sabi ko. Mukhang nagulat naman ito sa naging tanong ko.

"I am a doctor, Ella. Alam ko ang mga gamot na kailangan kong ipainom sa kanya." Paliwanag ni Joaquin. Kung sa bagay, pero bakit biglaan ang pagbagsak ng immune system niya? Bago pa kami makapunta sa Netherlands ay malakas-lakas pa siya.

"I bought you milk, Ansherina. It will help you to boost your immune system." Nilingon ko si Xandra na ngayon ay papalapit kay Ansherina habang hawak-hawak ang isang baso ng gatas.

Nginitian lang siya ni Ansherina.

"Ako na ang magpapainom niyan sa kanya." Ani Joaquin at kinuha ang baso ng gatas mula sa kamay ni Xandra. Natigilan si Xandra sa biglaang aksyon ni Joaquin pero agad din itong nakabawi.

"O-okay." Tugon ni Xandra at pilit na ngumiti kay Joaquin. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa sofa.

Ibinalik ko ang mga tingin ko kay Joaquin. Inalalayan niya si Ansherina na sumandal ng kaunti para makainom ito ng gatas.

Ipapainom na sana niya ang gatas kay Ansherina nang biglang hawakan ni Hunter ang baso ng gatas.

What the?

"Ako na." Si Hunter at kinuha na ang baso kay Joaquin. Wala nang nagawa si Joaquin at ibinigay nalang ang baso.

Ayan, 'di ka naman kasi boyfriend kaya huwag mong painumin ng gatas. Suyuin mo nalang ang asawa mong nagtatampo.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalakeng hindi gaanong pamilyar sa akin. May magandang hubog ng katawan at may katangkaran. Ang makakapal nitong kilay ay nakataas na tila ba'y isang gangster sa mga pelikula. Napakaperpekto ng kanyang jaw line at mapupula din ang kanyang labi. May matangos itong ilong at medyo singkit na mata. Ang buhok nito'y tumama na sa kanyang mata dahil medyo may kahabaan.

"Caliber."

Hinarap ko si Hunter na papalapit ngayon sa lalakeng kakapasok.

"How's Ansherina?" Tanong ng lalaki. Pinagmasdan ko silang dalawa ni Hunter, magkamukha sila! Magkapatid ba sila?

Naglakad siya papalapit sa kama ni Ansherina. Ngumiti si Ansherina ng makita niya ito.

"You're here in The Netherlands?" Tanong sa kanya ni Ansherina. Mayabang naman na tumango ito at ginulo ang buhok ni Ansherina.

"Yeah, silly. I told you to take care of yourself. What was this all about?"

"Don't pressure her." Ani Hunter at tinitigan ng masama itong si Caliber.

"Well. By the way, I'll stay here in The Netherland."

"Really? You can stay in our resthouse. There's a lot of empty rooms for you." Anyaya ni Ansherina sa kanya. Sino ba talaga 'tong lalake na 'to?

Maya-maya pa ay umikot ang tingin nito sa kabuuan ng silid. Nagtama ng bahagya ang mga paningin namin pagkatapos ay mabilis din itong umiwas.

"You didn't inform me that there's a lot of pretty girls in here, bro." Nakangising wika ni Caliber habang papalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Xandra.

Love Duology 2: Taste of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon