Pinilit ko na lamang na huwag isipin ang mga sinabi sa akin kanina ni Magenta. Natutulog pa rin si Joaquin kaya napagpasyahan ko na magluto nalang muna ng almusal.
I can't deny the fact that I was really bothered about what Magenta said to me earlier. What did Joaquin do in her condo unit? Kaya ba late na siya umuwi kagabi dahil may ginawa siya roon sa condo unit ni Magenta? Napailing-iling na lamang ako habang hinihiwa ang sibuyas na ilalagay ko sa itlog. I don't want to think unecessary things, alam ko naman na hindi magagawa ni Joaquin ang magsinungaling sa akin.
Pinagpatuloy ko na ang pagluluto at hindi na lamang inisip ang mga bagay na nagpapagulo sa isipan ko. Nang patapos na ako sa pagluluto ay sakto naman na lumabas si Joaquin mula sa kuwarto. Mukhang kakaligo lang niya at nakabihis na rin ito. He's a wearing a dark maong pants and a gray v-neck tee shirt. Umupo ito sa may sofa at sinuot ang kanyang mga combat boots.
Kumunot ang noo ko. This is not his usual outfit. Where is he going?
"Aren't you going to work today?" I asked. Inayos ko ang mga plato sa mesa habang ang mga tingin ko'y na sakanya pa rin.
"Hindi," he answered. Nang masuot niya ang kanyang mga sapatos ay naglakad ito papunta sa akin at tinulungan ako sa paghahanda ng aming makakain sa mesa.
Ang tahimik niya ngayon.
"Where are you going, then? Can I come too? I'm bored here." tanong ko sa kanya. Bigla itong huminto sa pagsasalin ng mainit na tubig sa tasa. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"You'll stay here and wait for me till I come back." napanguso na lamang ako, what's with him? Anong gagawin ko rito sa bahay? I have nothing to do anyway.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ko ulit sa kanya dahil hindi namn niya ito sinagot kanina. Nagulat ako nang pabigla niyang ibinagsak ang tasa sa itaas ng mesa, nagsitapon tuloy ang kape na naroon.
"Tagaytay," he said coldly.
"What are you doing in Tagaytay?"
"A trip with Magenta." napaawang ang labi ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Mabilis kong binago ang naging ekspresyo ko, marahan akong ngumiti sa kanya.
"Ohhhh, ingat kayo." nakangiting sabi ko. Nanginginig ang gilid ng aking mga labi habang nakangiti ako, hindi ko alam kung bakit.
"Let's eat," aniya at umupo na.
Umupo na rin ako sa harapan niya. Pinagmasdan ko siya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. He has time to be with Magenta, huh?
"What are you thinking? Eat." masungit na sabi nito, tumango na lamang ako at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa aking plato.
Kaunti lamang ang kinain ko dahil bigla akong nawalan ng gana. Nang matapos ako ay agad na akong tumayo at inilagay na sa sink ang aking plato.
"Ligo lang ako," paalam ko kay Joaquin at dumiretso na sa kuwarto nang hindi siya tinitignan.
Mabilis kong sinarado ang pinto at sumandal roon. Napahawak ako sa dibdib ko na naninikip ngayon. I shouldn't feel this, hindi pa pwede. Hindi pa ako pwedeng masaktan.
Damn life. I hope Hunter was here beside me.
Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto. Gulat na gulat akong humarap kay Joaquin at mukhang nagulat din siya sa presensiya ko.
"Anong ginagawa mo sa likuran ng pinto?" nagtatakang tanong niya bago isarado ang pintuan ng kuwarto.
"I rested a bit," nagmamadaling sabi ko at dumiretso na sa loob ng banyo.
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Teen FictionA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.