Note: No human brain transplant has ever been conducted.
--
It's sunday morning. Maaga akong nagising dahil kailangan kong magluto ng makakain mamaya sa hospital. Nauna ng umalis si Nathaniel sa akin dahil walang magbabantay kay Ansherina ngayong umaga sa hospital.
Kanina ko pa sinimulan ang pagluluto at patapos na din ako ngayon. Puro filipino dishes lang na alam ko ang niluto ko, adobong manok at sinigang na baka.
Tumigil ako sa paghihiwa ng karne ng baboy ng marinig ko ang tunog ng doorbell. Maybe it's Nathaniel? Hmmm, kakaalis lang niya halos ah.
Kinuskos ko ang kamay ka sa apron na suot ko bago ako dumiretso sa pintuan at buksan ang pinto. Bumungad sa harapan ko ang napaka lawak na ngiti ng isang babaeng kinaiinisan ko kahit na wala namang ginagawang masama sa'kin.
"Hello, Mikaella! Good morning. I bring some pancakes hihi." Tumagilid ako at umirap. Ewan ko ba, parang sobrang OA niyang kumilos para sa akin. She acts so childish!
Kung sa bagay, ganito naman pala yung mga tipong babae ni Joaquin. Kaya nga niya nagustuhan si Ansherina noon dahil sa sobrang pagka-childish niya.
"I don't eat pancakes, girl." Medyo may pangiinsulto na sabi ko. Ayaw kong maging maldita sa harap niya pero hindi ko talaga kaya. May kung ano na pumipilit sa akin na malditahin siya.
"Then, bring it into the hospital. My husband told me that you'll be there too. If you don't mind, pwede kang sumabay sa akin mamaya. Pupunta din ako doon." Nakangiting sabi niya. Napaisip naman ako. Teka, paano nga ba ako pupunta sa hospital? Hindi ko alam sakayan ng bus dito at hindi ko din alam kung anong lugar ba 'yung hospital.
Napahilamos na lamang ako ng mukha.
"Okay, okay. Ikaw na magdala diyan sa mga pancakes mo at sasabay ako sa'yo."
"Okay, then. Magdodoorbell nalang ako mamayang aalis na tay--"
Hindi na natuloy ang sinasabi niya dahil sinarado ko na ang pinto.
Binalikan ko ang baboy na hinihiwa ko para sa adobong iluluto ko.
Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko ang pagkain sa mga tupperware. Gumawa din ako ng bento box para sa mga prutas na dadalhin ko sa hospital.
Simula kahapon ay wala na ako sa sarili ko. Magdamag kong iniisip ang sinabi ni Nathaniel, na siya ang magdodonate ng utak kung sakaling walang mahanap na donor sina Joaquin. Hindi naman sa nagiging makasarili ako, pero wala na ba talaga akong karapatan maging masaya? Iniisip ko din naman si Ansherina, gusto ko siyang gumaling pero hindi sa paraan na nais ng mga doktor.
Sumabay ako kay Xandra at may sarili pala itong kotse. Habang nasa biyahe ay puro siya kuwento kung paano sila nagkakilala ni Joaquin. Napailing na lamang ako. Mukhang mahal na mahal niya talaga si Joaquin, nakikita ko sa paraan ng pagkukuwento niya.
"We've met again in The Netherlands 5 years ago hihi. My daddy was also a doctor, isa si Joaquin sa mga medical student na tinuturuan ni daddy."
Ang ngiti niya ngayon ay abot hanggang tainga. Tila ba na hanggang ngayon ay sariwa pa din sa isipan niya ang unang araw na pagkikita nila ni Joaquin.
Really, Joaquin?
Para akong nabunutan ng tinik nang makarating na kami sa hospital. Buti naman at makakaiwas na ako sa napakadaldal na bunganga ng babaeng ito.
Binilisan ko ang paglalakad at hindi na siya nilingon pa. Dumiretso ako sa kuwarto ni Ansherina. Bumungad sa akin sina Hunter at Nathaniel na nagkukuwentuhan sa tabi ni Ansherina habang natutulog ito ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Teen FictionA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.