Nakatayo kami ngayon sa harapan ng hospital kung saan naka-admit si Ansherina. We are waiting for Joaquin. Ang sabi kasi niya ay susunduin niya kami dito.
"Wala talagang pinagbago si Joaquin. After how many years makupad pa din siya." Pagrereklamo ko dahil nga kanina pa kami nakatayo ni Nathaniel dito. Although, may mga bench naman pero punong-puno ito ng mga tao.
"We should wait for him. Busy 'yon lalo na't doctor na siya ngayon." Napasimangot na lamang ako sa sinabi ni Nathaniel. Kung sa bagay, hindi na nga pala kamukha ng dati ang takbo ng mga buhay namin.
Everything was changed.
"He's here." Bulong ni Nathaniel at lumingon sa direksyon kung saan siya nakatingin.
Naglalakad si Joaquin palabas ng hospital. Halos lahat ng mga nakakasalubong niya ay binabati siya. Sobrang laki ng pinagbago niya. Mas lalong lumaki ang pangangatawan niya at mas lalong nagmatured ang hitsura niya, naka eyeglasses na din siya ngayon.
He's wearing a white coat and a stethoscope on his shoulders.
Ngumiti ito nang makita kami.
"You look great, bro!" Masayang bati ni Nathaniel kay Joaquin. Napakamot ng ulo si Joaquin.
"Mukhang wala naman nagbago eh." Pangaasar ko kahit sa totoo ay sobrang laki ng pinagbago niya.
"Well, kaya pala kaninang makita mo ako'y nakanganga ka." Nakangising sabi nito. Hindi ako nakaimik dahil sa gulat. Gago talaga, walang pinagbago.
"Mamaya na tayo magkumustahan, gusto ko ng makita ang kapatid ko." Sabi ni Nathaniel. Tumango si Joaquin at inunahan na kaming maglakad, sumunod naman kami sa kanya.
Lahat ng mga nurse at pasyenteng dinadaanan namin ay nakatingin kay Joaquin pagkatapos ay susulyap sila sa asawa ko. Pati pala mga espanyol ay may tinatago ding kaharutan.
We stopped infront of a room. My heart beats so fast, parang gusto ng kumawala sa dibdib ko dahal sa mabilis na pagtibok nito.
Joaquin opened the door. Unang pumasok si Nathaniel at sumunod naman ako sa kanya, nasa likuran ko naman si Joaquin.
Malawak ang kwarto, may mga paintings na tulips sa pader. Dumako ang tingin ko sa kama na nasa sulok ng kwarto.
My heart broke into pieces when I saw Ansherina. She's unconcious, may benda sa ulo nito. Sobrang payat din niya at kitang kita na ang mga cheek bones niya.
"Kakatapos lang ng operasyon niya kagabi. Inalis namin ang isa pang tumor na tumubo sa utak niya, that's why she's unconcious right now."
I can help myself from crying. All these years ganito pala ang buhay ni Ansherina dito sa Spain. Habang kami doon ay galit n galit sa kanya kahit na hindi namin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit siya umalis. I hate myself from being judgemental.
Ni hindi ko man lang naisip na ganito pala kasakit ang pinagdadaanan niya habang nagsasaya kami doon sa Pilipinas.
I'm so sorry, Ansherina. I hope you'll forgive me, us.
Umiiyak din si Nathaniel habang hawak-hawak ang mukha ni Ansherina. Basag-basag ang namumutlang labi nito na tila wala na itong dugo. Si Joaquin naman ay nakatayo lang sa sulok at pinagmamasdan si Ansherina.
"Hindi ko sinabi sa kanya ito, pero sa tingin ko ay kailangan niyong malaman 'to." Biglang sumeryoso ang mukha ni Joaquin at mukhang nagdadalawang isip pa kung sasabihin ba niya ito o hindi.
"Spill it." May diin na utos ni Nathaniel. Hindi na lamang ako umimik. Dahil sa tingin ko ay wala akong karapatan na makialam sa pinaguusapan nila.
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Teen FictionA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.