Nakatulog ako dahil na din siguro sa sakit na nararamdaman ko. Pagkagising ko ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Dahan-dahan akong umupo at hinilot ang aking sentido. Tinignan ko naman ang oras, maghahapunan na pala.
Kahit na masakit ang pakiramdam ko ay tumayo ako upang makapagayos na ng aking sarili at para makapagluto na din ng pwedeng kainin mamayang hapunan.
Sinuot ko ang jacket na nasa itaas ng study table bago lumabas. Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa sala, nakita ko doon si Xandra na nanonood ng TV. Mabilis naman itong lumingon sa akin, hindi ko siya pinansin at nagtungo na ng kusina. Wala ako sa mood para makipagtalastasan sa kanya. Baka masabunot ko pa siya ng wala sa oras.
Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko si Joaquin na naghihiwa ng mga gulay, nakataas hanggang sa kanyang siko ang jacket na suot niya.
"Oh? Wala ka ata sa mood?" Tanong niya nang makita ako. Umiling ako at umupo sa may counter. Nagpalumbaba ako at nagpakawala ng malakas na hininga.
"Nandito pala si Shania." Mahinang sabi ko. Tumigil naman ito sa paghihiwa at tinignan ako.
"Oo, dito siya nakatira. Bakit mo natanong?"
Umiling ako.
"W-wala, natanong ko lang." Sagot ko sa kanya. Hindi siya umimik at tinuloy na muli ang paghihiwa ng mga gulay.
Natauhan ako nang marealize ko na hindi pa pala nakakauwi si Nathaniel. Ang sabi niya ang sandali lang siya pero umabot na ito ng ilang oras. Hindi ko maiwasan isipin na kung ano kaya ang ginagawa niya ngayon. Magkasama pa din ba sila ni Shania? At kung masaya ba siya dahil kasama niya si Shania?
Napailing ako. Tinatadtad na ako ng katanungan ng sarili ko. Bigla kong naala ang huling sinabi ni Shania kanina kay Nathaniel.
"Nah, i'm single. Why? Do you want to marry me?"
Hindi ba niya alam na kasal na si Nathaniel kaya niya natanong 'yon? Kung sa bagay, kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Nathaniel na pinagmalaki niya ako.
"Masyadong malalim 'yang iniisip mo. Spill it, makikinig ako." Ani Joaquin, kita ko sa mga mata niya ang pagaalala.
Bumuntong hininga ako. Walang mangyayari kung sasarilihin ko ang mga problema ko. Kailangan ko din ng taong makakatulong sa akin. Hindi naman iba sa akin si Joaquin kaya hindi ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang problema ko.
"Cinderella and I went out earlier. Then, I accidentally saw Nathaniel. He's with Shania." Panimula ko. Tumango-tango si Joaquin na tila ba'y pinapakinggan talaga ang mga sinasabi ko.
"Then?" He asked.
"Narinig ko ang mga pinagusapan nila. Mukhang hindi ata alam ni Shania na asawa na ako ni Nathaniel. Tinanong pa nga siya ni Shania kung gusto ba siyang pakasalan ni Nathaniel." Tuloy ko. Ngayong nasabi ko na sakanya ang mga iilang nasa saloobin ko ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Anong sinagot ni Nathaniel?"
"Ayon nga lang, hindi ko na narinig dahil nagmadali na akong umalis. Mukhang hindi ako handa sa isasagot ni Nathaniel. Ano ba naman ang laban ko kay Shania, eh first love niya 'yon." Parang binibiyak ang puso ko dahil sa mga huling salita na sinabi ko.
I smiled bitterly.
"Don't worry. Kita ko naman na mahal ka ni Nathaniel." Pangungumbinsi sa akin ni Joaquin at tinapik pa ang balikat ko. Ngumiti nalang ako sa kanya.
Tinuloy na niya ang pagluluto kaya pinanuod ko nalang siya kahit na ang utak ko ngayon ay parang nakalutang dahil na din sa lalim ng iniisip ko.
Isa pang problema ko ay kung paano ko aalamin kung sino ang taong kumakalaban kay Hunter at bakit kailangan si Ansherina ang puntiryahin nila.
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Teen FictionA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.