Kabanata 1
"Tangin-" Natawa ako ng mahina ng hindi maituloy ni Ken 'yung dapat niyang sabihin. Hindi naman mapigilan ni Joanna at Nathaniel na tumawa ng malakas.
"Hoy Ken! Soon to be daddy kana pero ireponsable ka pa din!" Bulyaw ni Megan sa kanya. Napairap naman itong si Ken sa kanya. Isipin mo nga naman na magkaka-anak na ang abnormal na si Ken, time really flies so fast nga naman.
"KENNNNNN!"Agad na nagayos ng upo si Ken ng marinig niya ang sigaw ng asawa niya at mga yabag ng paa na papalapit sa kanya. Kami naman ay hindi mapigilan na matawa sa kilos ngayon ni Ken.
Paano ba naman ay pingalilihian siya ni Andrea."Y-yes, d-darling?" Mautal-utal na tanong niya ng biglang sumulpot sa harapan niya si Andrea nan aka-pamaywang. Medyo Malaki-laki na din ang tiyan ni Andrea dahil apat na buwan na din ang dinadala niya.
"Wala na tayong bigas." Masungit na wika ni Andrea sa kanya. Nagtinginan kami ni Nathaniel at hindi mapigilang matawa sa dalawa.
"Ah, eh bibili ako darling-"
"Bibili? Sinong nagsabing bibili ka?" Para tuloy kaming baliw dito dahil sa pagpipigil ng tawa. Mukhang alam na kasi namin kung anong ipapagawa nitong si Andrea kay Ken.
"Hays! Oo na, oo na. Hihingi na po ng bigas sa kapitbahay." Naka-busangot na wika ni Ken at kinuha ang kaldero na bitbit kanina ni Andrea. Nanlulumo itong lumabas ng bahay.
"HAHAHAHAHAHA 'DI KO NA KAYA!" Bulaslas ni Megan pagkalabas na pagkalabas ni Ken sa bahay. Nagpaluan pa sila ni Joanna dahil sa sobrang pagtawa nila.
"Hahahaha sana forever mo nalang pinaglilihian si Ken, sis." Napailing na lamang ako. Minsan talaga wala sa matinong pagiisip ang mga kaibigan ko.
"Joanna! Wala ata hubby mo ngayon?" Tanong ko dito kay Joanna kaya natigil siya sa pagtawa niya.
"Pinasyal si Zenon, father and son day out daw pssh." Wika nito. Halata sa mukha niya ang pagkainis haha. Hindi ko tuloy mapigilan ngumiti dahil sa hitsura niya ngayon.
"Aww. So, naiwan si momshie? Hahaha!" Singit naman ni Andrea. Pinanlinsikan naman siya ng mata ni Joanna.
"Panalangin ko na sana lalake 'yang anak mo para mas close siya kay Ken at hindi sa'yo!" Sagot naman ni Joanna kay Andrea. Para tuloy silang mga bata na nagaasaran sa harapan naming ngayon.
"Ehem! May virgin pa tayong kasama dito." Nakangising wika ni Megan kaya halos silang lahat ay lumingon sa akin. Agad naman akong napayuko dahil sa tingin ko ay namumula na ang mukha ko sa sobrang hiya.
"Hay, naku. Nathaniel, kalian mo ba aanakan 'yang si Ella?" Narinig ko naman ang pagubo ni Nathaniel sa tanong ni Joanna. Lumingon ako sa kanya ngayon na may hawak na isang baso ng tubig.
Bigla niyang ipinatong ang baso sa itaas ng mesa at humarap sa akin. Mabilis naman akong napaiwas ng tingin. Hindi na ako teenager pero bakit ramdam ko pa din 'yung kilig effects tuwing tinititigan niya 'ko? Huhuhu!
"Baka kapag naayos na ang paglipat namin sa Barcelona. Balak kasi naman na doon nalang siya manganak para agad ng citizen doon ang bata." Paliwanag ni Nathaniel.
"Ohhh, speaking of Barcelona. Balita ko doon na nagtra-trabaho si Joaquin." Megan.
"Ah, oo. Kinuha kasi siya ng Hospital de Barcelona dahil nangangailangan sila ng neuropsychologists. May isang pasyente daw doon na halos limang taon ng naninirahan sa hospital pero hindi pa din magamot-gamot kaya kumuha ng puwersa ang Hospital de Barcelona sa American Hospital of Paris para sa pagasang magamot 'yung pasyente na 'yon." Pagpapaliwanag ni Joanna. Napatango-tango naman kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Roman pour AdolescentsA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.