ATTENTION!
Hello. I just want to say that the 2nd Generation of the characters in LOVE DUOLOGY has their OWN story. I already published the Series #1 which is the WHISPERS OF SUMMER, it is the story of Zadkiel, the son of Megan and Andrei. :)
---------------------
"Hey, be careful."
Hindi ko pinansin si Caliber at pinagpatuloy ko na ang pag-akyat ko ng hagdan. Hindi ko na mahintay pa ang pagbaba ng elevator kaya naghagdan nalang kaming dalawa.
Nang makarating kami sa ikatlong palapag ng hospital ay tinakbo ko na ang napakahabang pasilyo. Kailangan kong maabutan ang nurse na naka-assign kay Ansherina ngayon.
Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto ni Ansherina ay madali akong pumasok sa loob. Mukhang gulat na gulat naman sila nang makita nila ang hitsura ko ngayon. Hindi na kasi ako nakapagayos ng aking buhok kaninang nagsabunutan kami ni Xandra.
"Where's the nurse?" Tanong ko sa kanila. Nasa may pintuan pa din ako at inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto.
"Nurse?" Nagtatakang tanong ni Joaquin.
"Wala pa bang pumasok na nurse dito?"
"Wala pa. What happened?"
Hindi ko siya sinagot at pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa may sofa. Napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
So, hindi pa pumapasok 'yung nurse? Baka naman ay tinawagan siya ni Xandra upang hindi na ituloy ang kanilang binabalak.
Lumingon ako nang biglang bumakas ang pinto. Pumasok ang isang babaeng nurse na may bitbit na tray ng mga gamot at isang syringe.
Siya ba ang nurse?
Lumingon ako kay Caliber na prenteng naka-upo sa may single sofa habang nakatingin din sa kakapasok lang na nurse. Mukhang kaming dalawa lang ang may alam tungkol sa nurse.
Binati siya ni Joaquin at dumiretso na ang nurse malapit sa kama ni Ansherina. Hindi ako makapagsalita, parang nanunuyo ang lalamunan ko. Tanging pagkatulala lang ang nagawa ko.
Pinaliwanag niya kay Joaquin ang mga iinumin na gamot ni Ansherina. Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang syringe sa tray, may kung ano siyang binuksan na isang maliit na bote ng gamot sa dinala niya.
"Wait," rinig kong pagpigil sa kanya ni Caliber nang itutusok na sana ang syringe sa may dextrose na Ansherina. "What's that?" Tanong niya sa nurse.
Mukhang nagulat ang nurse sa tanong ni Hunter. Unti-unti niyang ibinaba ang syringe at simpleng ngumiti kay Caliber.
"It's a Vitamin, sir." Sagot ng babaeng nurse na may british accent.
"What kind of vitamin, then?"
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Teen FictionA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.