Problemado ang lahat sa paghahanap ng donor para kay Ansherina. Isang linggo nalang ang natitira at kailangan na siyang isailalim sa transplant surgery. Halos lahat ay walang tulog para lang makahanap ng puwedeng maging donor.
Si Kuya Andrei at Nathaniel ay lumuwas na ng Visayas upang magtanong sa mga naglalakihang hospital doon para sa mga pasyenteng nabawian ng buhay na puwedeng magdonate ng utak. Ang kaso nga lang ay ayaw ng pamilya ng mga namatay. Nasa Visayas pa din sila ngayon at nagba-baka sakali na may mahanap.
Kami naman dito ay naghahanap din sa mga hospital. Kasama ko si Caliber sa paghahanap ng donor dito sa may Ilocos Region, pangalawang araw na din namin dito at pitong hospital palang ang napupuntahan namin simula kahapon.
"One of the patient in the ICU is dying. Puwede niyong kausapin ang pamilya niya tungkol rito, sa tingin ko ay compatible naman siya sa patient niyo dahil nasa late twenties din siya."
Nagtinginan kami ni Caliber nang dahil sa sinabi ng doctor sa amin. Muli kaming nabuhayaan ng loob, sana naman ay may pumayag nang pamilya ngayon.
"Maraming salamat po, Doc." Pagpapasalamat ko.
Isang nurse ang tumulong sa amin papunta sa may ICU Lounge, nandoon daw kasi ang pamilya ng pasyente.
Pagkapasok namin ni Caliber sa loob ng ICU Lounge ay agad na nagtinginan ang mga tao na nandoon. Tinawag ng nurse ang isang babaeng sa tingin ko'y nasa edad lang din namin. Maganda siya at mestiza.
"What? Hindi pa nga patay ang asawa ko pero pinakikiusapan niyo na ako para sa utak niya? Gano'n na ba kayo kasigurado na hindi na siya mabubuhay, huh?" Galit na tanong ng babae pagkatapos sabihin ng nurse ang gusto naming mangyari.
Napayuko na lamang ako.
"We're sorry for that," paghihingi ng tawad ni Caliber.
"Kamukha niyo din ako! Umaasa din ako na sana mabuhay ang asawa ko katulad ng pagaasa niyo na mabuhay ang kaibigan niyo! Alam ko na alam niyo kung ano ang pakiramdam ng pinagdadaanan ko ngayon."
Hindi ako nakaimik dahil may mali din naman kasi kami. Tama nga naman siya, hindi pa nga patay ang asawa niya pero nakikiusap na kami sa kanya para sa utak ng asawa niya.
"Maghanap nalang tayo ng iba," bulong ko kay Caliber. Tumango ito sa akin.
"Again, we're really sorry. I'm hoping for the recovery if your husband," paghihingi ulit ng paumanhin ni Caliber.
Hindi na umimik pa ang babae at tinitigan nalang kaming dalawa. Tumalikod na kami at nagumpisa nang maglakad palabas ng ICU Lounge.
"Wait," sabay kaming lumingon ni Caliber nang magsalita ang babae. "G-give me your phone number."
Namuo ang saya sa aking pagkatao. Kahit hindi pa naman kami sigurado ay masaya na ako. Binigay ni Caliber ang kanyang number doon sa babae.
"I'm Kriscel Serrano," pagpapakilala niya.
Pagkatapos no'n ay umalis na kami ni Caliber. Medyo napanatag naman ang puso't isipan ko dahil sa nangyari.
Gabi na nang makabalik kami sa Pampanga. Dumiretso kami sa hospital upang makumusta ang lagay ni Ansherina roon.
Nakalabas na rin ito ng ICU at nalipat na siya sa isang private room.
Nadatnan namin doon si Hunter na natutulog sa may single sofa. Siya lang ang magisang nagbabantay ngayon dahil lahat kami ay lumuwas sa mga karatig siyudad at probinsiya upang maghanap ng donor.
Sa ayos palang ngayon ni Hunter ay mukhang pagod na pagod siya. Kung sa bagay ay siya lang ang mag-isang nagbabantay kay Ansherina ngayon. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, hindi na rin niya naaasikaso ang kanyang sariling propesyon nang dahil kay Ansherina.
BINABASA MO ANG
Love Duology 2: Taste of Love
Teen FictionA sobbing woman walks up and down the highway with a soaking white dress. -- SEASON 2 OF HELPLESS LOVE. Read the book one first before reading this.