Kabanata 10

401 9 12
                                    

Nagdaan ang mga araw namin dito sa Netherlands at nakita ko na din ang pagbabago sa kalagayan ni Ansherina. Naging malakas siya kumpara sa kalagayan niya noon, siguro nga ay dahil nakakalabas na siya at nakikita na niya ang mga bagay na ikakasaya niya.

Kapag nagpatuloy ang paglakas niya sa mga susunod na linggo ay uuwi na kami ng Pilipinas. Hindi din ako mapanatag ngayon na nandito kami sa Netherlands dahil nandito si Shania. Naging madalas din ang pagalis ni Nathaniel, ngunit hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta.

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Joaquin na kakapasok lang ng pinto, pinaglalaruan niya sa kanyang kamay ang susi ng kotse na gagamitin namin papuntang Keukenhof Garden.

"Hindi pa lumalabas sina Ansherina at Hunter." Sagot ko sa kanya, tumango naman ito at nagiwas na nang tingin.

Kinuha ko ang coat ko na nasa sofa at isinuot ito bago nagtungo sa harap ng salamin. Inilagay ko ang aking takas na buhok sa gilid ng aking mga tainga.

Nakaupo sa sofa sina Xandra, Cinderella, at Nathaniel na busy sa kanilang mga cellphone. Napairap na lamang ako nang makita ko kung ano ang ginagawa ni Xadra mula dito sa salamin. Pose siya nang pose sa harapan ng kanyang cellphone, nakakairita.

Maya-maya pa ay lumabas na sina Ansherina at Hunter. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kaganda si Ansherina ngayon. She's wearing a surplice plain maxi dress. Halos nasa kanya ang tingin namin ngayon habang inaalalayan siya ni Hunter.

She's so beautiful.

I secretly glanced at Joaquin, he didn't even dare to look at Ansherina. Bitter?

"Okay! Let's go!" Rinig kong sigaw ni Joaquin at lumabas na nang resthouse. Hindi ko nalang pinansin ang ampalayang walang magawa sa buhay at dumiretso na ako sa kinaroroonan ni Ansherina.

"You're so beautiful." Nakangiting papuri ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"You're more beautiful, Ella." Tugon niya. Hinayaan ako ni Hunter na alalayan si Ansherina.

Nakakapit si Ansherina sa aking kaliwang braso habang naglalakad kami palabas ng resthouse. Nasa likuran naman namin ang iba.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Joaquin, hanggang ngayon ay hindi pa din ito tumitingin kay Ansherina. Napakaampalaya mo po, kuya.

Nang makasakay na ang lahat ay umalis na kami. Patungo kami ngayon sa Keukenhof Garden, kilala ito bilang hardin ng mga tulips. Doon kasi madalas magpunta si Ansherina noong wala pa siyang sakit kaya ngayon ay doon kami pupunta.

"Keukenhof is not far from here. We'll be there in 15 minutes." Wika ni Nathaniel na nasa front seat. Tinignan ko siya mula sa rear mirror, napakaseryoso ng kanyang mukha.

He didn't even try to talk to me earlier, I wonder if there's any problem between us. I can't help but to overthink. Baka gusto na niyang makipaghiwalay sa akin? Baka narealize niya na hindi talaga niya ako mahal? Baka si Shania pa din pala ang mahal niya?

Paano nalang ako?

Sa dami ng mga iniisip ko ay hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa Keukenhof. Bumalik lang ako sa aking pagkatao nang tawagin ako ni Cinderella.

"Are you okay, Ate Ella?" She asked. Tumango na lamang ako sa kanya at pilit na ngumiti.

Bumaba ako ng sasakyan at tinulungan sila sa pagbababa ng mga dala naming gamit mula sa compartment. Kinuha ko ang picnic mattress at ako na ang nagbitbit nito. Ang iba nama'y picnic basket at mga monoblock ang dala.

Mula rito sa kinaroroonan namin ay kita ko na ang mga naggagandahang bulaklak ng tulips. Nauna na sa amin sina Hunter at Ansherina sa loob dahil hindi na talaga makapagpigil si Ansherina na sulyapan ang mga paborito nitong bulaklak.

Love Duology 2: Taste of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon