Unang araw ng pasukan. Nakakailang.
Joke.
"Hyra unnie! Dito! Dali!!!!" Lumapit ako sa kanila at inayos ang pagkakagusot ng toga ko. Ngumiti ako sakanila.
"Oyyyyy!!!!! Haha! Ang dadaya niyo ah! Pagkain ko!" Bago pa nila maitago ang mga hawak nilang pagkain ay nakakuha na ako. Isa isa naman nila akong sinimangutan. Tumawa lang ako.
"Haha! Peace!!! Hahaha---acck!!! T-tubig!" Ako naman ang tinawanan nila. Inabutan naman ako ng tumatawang si Charix ng tubig na agad kong ininum
"Yan kasi, katakawan" naiiling na sabi ni Kin habang may hawak na pagkain. Nangunot ang noo ko.
"Hiyang hiya ako sayo, ah, baby Kin" binelatan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Katatapos lang ng graduation namin as senior high. Sa wakas. Graduated na kami.
"Yung plano natin ah!" Paalala ko sakanila. Ngumiti naman sila except kay Kin. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Baby Kin? Bakit?" Nilingon niya ako at umiling.
"Wala. Kala ko kasi natatae ako, gutom lang pala, Hehe" kakamot kamot niyang paliwanag. Nginiwian ko lang kayo atsaka hinawakan ang kamay niya.
"Mauuna na ako ah! Babye!!!!!!" Paalam ni Cha. Agad naman akong nagreact. Eh kasi! Katatapos lang ng graduation, aalis siya kaagad. Di ba dapat, magbonding bonding muna kami?
"Hey! Cha! Mamaya ka na umuwi!" Reklamo ko. Ngumiti naman siya ng may pag-aalinlangan kaya napasimangot na lang ako.
"Di na kita bati!" Sigaw ko sakanya. Tumatawa naman siyang kinurot ang pisngi ko.
"Yieeh! Sinasabi mo lang yan" sabi niya at tumalikod. Di ko naman namalayan na wala na pala si Kin sa tabi ko. Lumingon lingon ako sa paligid, at yun! Nakita ko siya! Naman oh! Isa isa na silang nagsisi-alisan!
"Baby Kin!!!!!!" Sigaw ko. Pero di siya lumingon o kahit tumigil man lang. Di ba niya narinig?
Nilapitan ko na lang siya at inakbayan. Pero mukhang occupied yung isip niya.
"Huuuuy!!!!" Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya. Hinarap naman niya ako ng nakangiti. Anyare dito?
"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya.
"Sorry unnie ah? Mauuna ako na ako" sabi niya at mabilis na tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin at lumapit siya sa isang kulay white na kotse at bumaba naman dun ang daddy niya. Hmm, kaya naman pala.
"Huy! Unnie! Ano na? Di ka sasama samin?" Tanong ni Heily. Napabalik naman ako sa reyalidad atsaka sumama na sakanila.
NAPAHIGA ako sa kama ko sa sobrang pagod. Bukas na kami titingin ng apartment sa Sta. Maria.
"Tulog ka na. Maaga pa kayo bukas" sabi ni mama. Nagtooth brush muna ako bago nahiga sa kama. Ready na akong matulog ng mag pop out ang chat head ng messenger ko.
Power puff girls
Heily: Bukas ah? 9:00 am sa hangouts ulit
Charix: Sige sige
Kinji: saktong 9 ba? Baka bukas 10 na yan😂
Jeeohara: yeah yeah... Di na nasanay
Heily: basta hintayan na lang muna tayo sa plaza
Kinji: mga regalo ah!
Charix: oo pala😅
Inooff ko na ang cellphone ko at binalingan ng tingin ang regalo ko sakanila.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...