"Yurenzo, ano ba!?" Pinagtitinginan na kami ng tao pero parang wala lang sakanya yun. Pagkatapos kasi naming kumain ay agad niya akong kinaladkad papunta sa parking lot.
"Bat ang tahimik mo?" Tanong niya pero iniwasan ko ang tanong niyang yun.
"Balik na tayo sa loob, Yurenzo. Ang init dito" sabi ko at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa loob ng mall. Napairap naman ako ng hilain niya ang kamay ko pabalik sakanya.
"May date tayo, remember?" Nakangiti niyang sabi. Naalala ko yung kahapon kaya tumango na lang ako. Tahimik akong sumunod sakanya. Habang siya ay nagsasalita, patingin tingin lang ako sa mga shops na dinadaanan namin. Biglang may umakbay sakin. At di ko na sasabihin kung sino yun dahil alam naman nating lahat kung sino lang ang lalaking may permisyo na hawakan ako.
"Nakikinig ka ba?" Tanong niya. Diretso lang ang tingin ko sa daan. Kahit pa kinakabahan ako dahil sobrang lapit niya sakin, kunyare wala akong pake. Nagtatampo talaga ako sakanila.
"Hindi" sagot ko at pumasok sa candy shop.
"Bibili ka?" Tanong niya pero di ako sumagot. Kumuha ako ng iba't ibang klase ng candy at pumunta sa cashier para bayaran ang tatlong plastic ng candy na kinuha ko. Muli akong naglakad at ramdam ko ang pagsunod niya sakin.
"Galit ka ba?" Umiling ako. Wala ako sa mood kausapin siya-- pati ang mga kaibigan ko. Ewan ko rin kung bakit nagkakaganito ako. Di ko na maintindihan ang sarili ko
"Magsalita ka naman" parang nagmamakaawang sabi niya sakin.
"Wala akong masabi" sabi ko in a matter of fact. Wala naman talaga. Bakit? May dapat ba akong sabihin? Wala naman ah. Siya lang itong pumipilit sakin na magsalita.
"Di ako sanay na ganyan ka katahimik" nilingon ko siya at ngumisi ako.
"At mas lalong di ako sanay na ganyan ka kadaldal" nagulat siya sa sinabi ko.
"So anong gusto mong gawin ko?" Tanong niya. Muli akong naglakad
"Wala"
~•~
"Ano bang nangyayari sayo, ha?" Tanong ni Jee sakin. Nakatambay kaming lahat sa Quantum. Nagrent kami ng videoke room pero wala ni isa samin ang kumakanta. Nasa akin lahat ng atensyon nila.
"Parang nagkapalit kayo ng kaluluwa ni Yuren" sabi ng isang lalaki. Wala akong imik.
"Kung nagtatampo ka, sabihin mo samin kung ano yang kinakatampo mo. Di kami nakakabasa ng isip para malaman kung bakit ka nagkakaganyan" mariin akong tinignan ni Kin pagkatapos niyang sabihin yun.
"Ang ayaw ko lang kasi, yung pinagmumukha niyo akong tanga. Yung may alam kayong lahat, ako wala" sabi ko sa malamig na tono.
"Ah, yun ba?" tamad na sabi ni Heily kaya tumango ako.
"Enzo, sasabihin ko na?" Tanong ni Heily kay Yuren. Pero wait, Enzo daw?
"Yurenzo is Enzo, Enzo is Yurenzo. In short, iisa lang silang dalawa" sabi ni Heily. Nanlamig ako. Agad akong napatayo sa gulat. Di ko na rin napigilan ang sarili ko na sigawan sila.
"At ako lang ang di nakakaalam!?" Pasigaw na tanong ko sakanila. Halata sa mukha nila ang pagkagulat dahil sa sigaw ko. Bakit? Ano sa tingin nila ang mararamdaman ko? Matutuwa ako? Hindi! Dahil sa umpisa pa lang, nagsinungaling na sila sakin. Ang akala ko, sa dalawang tao na ako nagkagusto, yun pala, iisa lang siya.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...