Panibagong araw na naman para sa cute na katulad ko. Bumangon na ako at agad na naghilamos. Paglabas ko ng kwarto ko ay lumabas na ako para mag-agahan. Nadatnan ko naman ang mga aswang kong kapatid na kumakain na.
"Yuck ate! Ang pangit mo! Dun ka nga!" Sabi ng kapatid kong si Hania. At ano daw? Pangit? Aba! Aba! Ako nga ang pinakacute samin tapos tatawagin niya akong pangit?!
"Makasabi ka ah! Ako pangit? Mas lalo ka naman!" Umupo ako sa katapat niyang upuan. Bwisit! Gandang pambungad sa umaga ko ah? Stress na stress na ako na ako tapos dadagdag pa 'tong kapatid ko na mukhang tiyanak?
"Palibhasa kasi, ampon ka lang" pang-aasar niya sakin
"Ay, kaya pala ako lang cute sating magkakapatid, hahaha" sabi ko saka humalakhak. Nagsitayuan silang lahat at kinuha ang pinggan nila.
"Tara sa labas tayo kumain" sabi ng kapatid kong si Wafi at umalis nga sila. Iniwan nila akong mag-isa sa dining table. Mga bwisit, tsk. Pag sila nagkasakit, bahala na sila!
"Oh? Nasan mga kapatid mo?" Takang tanong ni mama ng makita niyang ako na lang natira sa hapag.
"Sa labas po sila kumain" sabi ko at niligpit na ang mga pinagkainan ko.
"Hoy panget, mga kaibigan mo nasa labas" sabi ni Hania kaya naman dali dali akong lumabas ng bahay. And there, I saw them. Si Jee na may hawak na walis tingting, si Kin na may hawak na dustpan. Si Cha at Heily na may hawak na stick at si Rhiel na may hawak na walis tambo. Bago pa man sila makalapit sakin ay tumakbo na ako papasok sa bahay.
"Waaaaah!!! Sorry! Soryy!!!!" Sabi ko habang tumatakbo.
"Wag kang tumakbo! Halika rito!" Sigaw ni Heily pero mas binilisan ko pa ang pagtatakbo ko hanggang sa makapasok ako sa kwarto.
"Sorry na kasi!!!" iyak ko sakanila. Nakakatakot! Para silang papatay!
"Wag kayong lalapit sakanya!" Sigaw ni kuya Cali at kuya Jancen na ngayon ay nasa harapan ko na. Pansin ko na parang natigilan si Kin at diretsong nakatingin kay kuya Jancen. Problema niya?
"Mga kaibigan ko sila, kuya" sabi ko kaya tumabi naman silang dalawa sa gilid. Tinignan nilang dalawang ang mga kaibigan ko.
"Sa baba lang kami" paalam nila sakin. Bago ko pa man sila mapigilan ay nahila na ako ni Cha saka nila ako niwrestling sa kama ko.
"Walang hiya ka! Bakit di ka nagpaalam samin, ha!?" Pagalit na tanong ni Cha habang pinipingot ang tenga ko.
"Kung di pa namin nakonsensya si Baby Kin, di namin alam kung nasan ka ngayon!" Sabi ni Heily at kiniliti ako sa tagiliran. Napatawa naman ako ng malakas dahil dun.
"Sabi mo magchachat ka pero ano!? Wala kahit ni isang hi man lang!" Sabi naman ni Kin at kiniliti ako sa paa ko. Sheeeps di ko na kayaaaaaa
"Di mo man lang sinabi samin! Nag-alala kami sayo!" sabi ni Rhiel at kiniliti ako sa batok ko. Halos maiyak-iyak na ako sa kakatawa dahil sa kiliting nararamdaman ko.
"Kala namin may nangyari ng masama sa inyong dalawa ni Yurenzo!" Sabi naman ni Jee na nakatayo lang sa isang tabi. Tumigil na sila sa kakakiliti sakin kaya naman naka ginhawa na ako. Buti naman!
"Alam mo bang nowhere to be found din si Yurenzo? Simula nung umalis ka" sabi ni Kin in a serious tone. Oh? Nowhere to be found? Pake ko? Hehe joke lang. Pero san naman kaya nagpunta yun? Maybe naguilty siya sa ginawa niya sakin kaya di na siya nagpapakita. Tama tama. Guilty lang siya.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...