It's been a week. At sa isang linggong iyon ay wala akong ibang inatupag kundi ang magfocus sa pag-aaral.
"Ang aga mo ata ngayon?" Tanong ni mama ng makita niya akong naka-uniform at dala dala ang mga gamit ko sa pag-aaral.
"Mag-rereview pa po ako eh, may test po kami mamaya" sagot ko at nag-almusal. Isang linggo ko na rin di binubuksan ang cellphone ko. Okay na rin yun para walang disturbance sa pag-aaral ko.
"Tumawag pala mga kaibigan mo sakin, hinahanap ka nila" sabi ni mama dahilan para mapatigil ako sa pagkain. Hindi sinabi ni Kin. Pero okay na rin yun. Alam ko naman na kukulitin ng mga lalaki sila Jee para malaman kung nasan ako. Well, bahala na sila basta ako? Mag-aaral muna.
"Mauuna na po ako" paalam ko kay mama at lumabas na. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa UM.
"Hey, ang aga natin ngayon ah?" Umakbay sakin si Jancen at si Cali naman ay kinuha ang mga librong dala ko. Naging kaibigan ko sila dito sa UM kasi walang gustong lumapit sakin kaya sila na nag-approach sakin. Magkapatid sila at gusto nilang magkaroon ng kapatid na babae. Kaya ako ang napagdiskitahan nilang maging prinsesa raw nila.
"May test kami mamaya eh. Kailangan kong imaintain ang grades ko" sabi ko at ngumiti sakanila.
"Naks! Maaral ang prinsesa namin ah!" sabi ni Jancen at saka ginulo ang buhok ko.
"Buhok ko Jancen!" Sita ko sakanya pero tinampal niya lang ang bibig ko. Sinimangutan ko naman siya.
"Kuya! Call me kuya! Ikaw ah! Porke tumatangkad ka na di mo na tatawaging kuya?" Napatawa naman kami ni Cali dahil sa reaksyon ni Jancen. Lumayo na ako sakanya at sumabay kay Cali na maglakad.
"Musta? Pasok ka ba sa Lux Hospital?" Tanong ko sakanya. Unti-unti namang lumawak ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako.
"Oo, magtitraining na ako next yeaaaaar!!!!" Sigaw niya. Napapalakpak naman ako sa sinabi niya. Dahil sa wakas, maaabot na niya ang pangarap niya. Magaling kasi siya. At di na ako magtataka kung magiging tanyag siyang cardiologist someday.
"Manlibre ka naman kuya Cal!" Biro ko sakanya.
"Sige ba. Punta ka na lang mamaya sa bahay" tumango na lang ako at muling naglakad. Nang makarating kami sa classroom ko ay nagpaalam na ako sakanila. Sinabihan din nila ako na sabay sabay kaming kakain ng lunch mamaya. Pagpasok ko ay nagreview agad ako pero walang pumapasok sa isip ko.
Kamusta na kaya si Yurenzo?
Thamaki's POV
"It's been a week, guys. Still, wala pa rin tayong lead kung nasan silang dalawa" depressed kong sabi sakanila. Bumuntong hininga naman silang lahat.
"How many times do I have to tell you guys that they are not missing?" Sabi ni Kin kaya nalipat ang atensyon naming lahat sakanya. Isa pa 'to eh. Lagi niyang sinasabi na hindi sila nawawala pero ayaw niyang sabihin kung nasan sila. This girl is weird and creepy!
"Then tell me where the hell are they!" Di ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko sakanya, pero ang ikinagulat ko ay ang pagdapo ng palad ni Jee sa pisngi ko.
"Alam kong nag-aalala ka rin sakanila pero di mo kailangang sumigaw!" Pagalit na sabi ni Jee sakin. Dahil dun ay medyo kumalma naman ako. But I cannot deny the fact that I'm worried for them. Its been a week. Pero di pa rin namin sila nahahanap. Pumunta kami sa condo ni Yuren, pero nakalock iyon. Sinubukan naming hingiin ang susi nun pero pinalabas lang kami. Same as Hyra's unit. Di rin namin makontak ang cellphones nila and Cha tried to trace their phones but it was a big fail. Maybe nakapatay daw yung phone nila. Di namin alam kung ano ng nangyari sakanila. Kung okay lang ba sila or not. Magkasama kaya sila o hindi? Hirap mag-isip!
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...