"Mom? Nanay mo siya???" Di makapaniwalang tanong ko sakanya nang sunduin niya ako.
"Yeah" matamlay na sagot niya. Nang pumasok na kami sa loob ng condo unit niya ay bigla akong niyakap ng mommy niya.
"Ang cute cute mo naman! Aampunin na talaga kita!" Grabe di na ako mahinga sa higpit ng yakap niya sakin.
"Mom she can't breathe" suway ni Yurenzo sakanya. Tumawa ang mommy niya at hinila si Yurenzo, nasa likod ko siya.
"Yuren, group hug!" Masayang sabi nito kay Yurenzo. Wala namang magawa siguro si Yurenzo kaya yumakap na lang siya. Nagulat na lang ako nang niyakap niya ang likod ko. Nasa harap ko kasi ang mommy niya kaya sa likod ko siya pumwesto. Naiipit na ako. Hinihigpitan niya ang yakap niya sakin--- samin ng mommy niya. Tumagal pa ng ilang minuto ang pagyayakapan naming tatlo nang magsalita si Yurenzo
"Is this enough?" Tanong niya. Nag-giggle lang ang mommy niya at tumango. Tinanggal na ni Yurenzo ang mga bisig niya sakin at naglakad paalis. Yung mommy naman niya ay nakayakap pa rin sakin.
"Sana ganito din kacute ang magiging apo ko" sabi ng mommy niya at ikinulong ang pisngi ko sa dalawang palad niya.
"Mom!" tawag ni Yurenzo kay tita (wao tita agad, Hyra?)
"Haha, narinig niya, oh well. Let's eat na!" Hinila niya ako papunta sa kusina nila. Naglalagay na ng plato si Yurenzo nang makarating kami sa kusina. Ipinaghila niya ng upuan ang mommy niya bago siya umupo. Siguro ay napansin ni tita na nakatingin ako sa ginawa ni Yurenzo
"Hihi, he's always like that" sabi niya at umupo na. Umupo na rin ako sa tapat ni Yurenzo at kumuha na ng pagkain.
"MAG-IINGAT kayooooo" sabi ng mommy niya nang palabas na kami ng condo nila. Ihahatid kasi ako ulit ni Yurenzo eh. Sabi niya, "Mas maganda ng nasiguro kong ligtas ka kesa sa hayaan kang umuwi mag-isa" pfft. Owkaaaaaaaay sabi niya eh.
"Mom, ilang hakbang lang po lalakarin namin" sabi niya sa mommy niya. Napatawa naman ito at isinara na ang pintuan. Nilingon ko si Yurenzo
"Bat kaya di ka nagmana sa mommy mo?" Tanong ko sakanya. Nilingon niya ako.
"Gwapo ako" sagot niya.
Okay? Change topic.
"Agahan mo pagpunta sa unit ko bukas ah? Byeee" nginitian ko siya at tumakbo na papasok ng building. Di ko na siya nilingon at nagtuloy tuloy na papuntang unit ko. Pagpasok ay humilata agad ako sa kama at sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
~•~
"YOU'RE KIDDING, RIGHT!?????" halos pasigaw na tanong sakin ni Yurenzo nang sabihin ko sakanya ang plano ko para kausapin siya ni Moe.
"Yun na okay!? Wag ng maarte please di ka ganun kagwapo para mag-inarte ng ganyan" sabi ko sakanya. He just shot me a death glare.
"Oh c'mon! Mahirap bang kumanta? Moe likes a guy who's good at singing kaya trust me with this one!" Pangungumbinsi ko sakanya.
"You really are bad at planning" sabi niya at nagface palm. Aist! Kaartehan ng lalaking ito!
"Ge naaaaa! Favorite song niya yung Tonight! Kaya yun na kantahin mo! Paniguradong mapapatawad ka na niya" sabi ko ulit. Bumuntong hininga lang siya at tumayo na.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Fiksi Remaja"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...