"In love ka na" biglang sabi ni Jee sakin. Andito sila ngayon sa condo ko at kinuwento ang strange feeling ko towards Yurenzo. At yun ang sinagot sakin ni Jee, na in love na ako sakanya.
"Hindi naman ah, baka gusto mo pa lang?" Tanong naman sakin ni Kin.
"Dun din lang naman pupunta yun diba? Maiinlove din siya kay Yurenzo" sabi ni Jee. Napahalumbaba naman ako. Love? Nahulog ako kay Yurenzo na walang ibang gawin kundi ang snobin at titigan ako ng masama? Pero bakit sakanya pa? Ayaw ko sa ugali niya.
"Magugustuhan ko yun? Ayaw ko nga sa ugali niya eh" sabi ko. Nagtinginan naman silang lima sa sinabi ko.
"Baka naman unti-unti mo ng nagugustuhan ang ugali niya" sabi ni Rhiel kaya Natahimik ulit ako. Di ko rin alam pero parang? Aish! Ang gulo!
"Unnie, why don't you observe yourself while you're with him? Ilagay mo sa memo po tapos ipatingin mo samin after one week, okay? Para naman di ka masyadong maguluhan" suhestiyon ni Kin na sinang-ayunan naman nila.
Umuwi na sila pero tulala pa rin ako. Ano bang gagawin ko? Ang boring eh. Tawagin ko si Yurenzo? Bati naman siguro kami eh.
Naligo na ako at nagbihis. Palabas na sana ako ng unit ko ng sakto ding bubuksan pa lang sana ni Yurenzo ang pinto. Pareho kaming nagulat.
"Uh.." I can't find a word to say. That's why I remained silent.
"Lunch?" Tanong niya. Ngumiti ako at lumabas na ng unit ko. Sumabay ako sakanya sa paglakad na nakatikom ang bibig. Wala akong masabi eh.
"Hey, you okay?" Hahawakan na niya sana ang noo ko ng agad akong umiwas sakanya dala ng gulat.
•umiwas ng tangkain niya akong hawakan
"You're weird" nakangiwing sabi niya. May kakaiba sakanya. Di na lang isang expression ang pinapakita niya ngayon.
•May napansin na kakaiba sakanya
"No, you are. Nagsawa ka na ba sa 'blank expression' mo?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya. Sabi na eh
"Moe said I should smile often, that's why" sabi niya at sumilay na naman sa labi niya ang isang ngiti na talaga namang nakaka-inlove.
•Sinabi sa isip na nakakainlove siya ngumiti
"Natulala ka diyan?" Umiling ako at muling nagtipa sa cellphone ko
•Natulala sa ngiti niya
Nang makarating na kami sa unit nila ay agad akong dumiretso sa kusina nila dahil may naamoy akong sinangag. Waaaaa my favorite!
"Maghugas ka muna ng kamay" sinunod ko ang utos niya at naghugas na. Habang kumakain ay bigla akong nailang. Nang tumingin ako sa harapan ay nakatingin si Yurenzo sakin. Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain
•Na conscious nang tumingin siya sakin.
"Are you sure you're okay?" Tango lang ang isinagot ko sakanya dahil may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.
•Di makapagsalita ng maayos
"Nga pala, Ravie texted me, he wants us to stroll around, you okay with that?" Again, tumango lang ako. Natapos kaming kumain na walang lumalabas na salita mula sa bibig ko.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...