Epilogue

3 4 0
                                    

"Yurenzo tama na yan! You're drunk already!" Sita ko sakanya but he just laugh at me. Birthday ng lolo nila ngayon at andito kaming lahat sa MC island. At ang mga lalaki ay napagpasyahang uminom ng alak.

"Hyra, sheshorahdefags-- hehehe" sabi niya at medyo pumupungay na ang mata niya. Di ko na pinansin kung ano man ang sinabi niya at tinulungan na siyang makatayo.

"M-mga baboy! Sh-sherejhskasfgkl hahahahahaha" nakurot ko na lang siya sa tagiliran niya dahil sa kung ano ano ang pinagsasasabi niya. Imbes na dumaing siya ay mas lalo pa siyang tumawa. Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil para silang mga nakawalang baliw sa mental.

"Hatid mo na yan sa kwarto niya" sabi ni Heily na tinanguan ko na lang. Iniakbay ko si Yurenzo sakin at pinagtiisan ko ang bigat niya marating lang ang kwarto niya. Kasi! Nag-iinom inom tapos di rin pala kakayanin!

"Hyra, Hyra" tawag niya sakin kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya pero di yung tipong maiinlove ka, para siyang special child.


"Oh?" Tanong ko sakanya. Tumawa siya ng malakas kaya naman napapoker face na lang ako. Konti na lang ihuhulog ko na siya sa hagdan!

"Di ka ba nagtataka? Ang liit liit mo tapos nakakaya mo ako? Galing no? Hahahahahaha" di ko na lang siya inimik. Kung di lang talaga ito lasing, nahampas ko na 'to.

"Teka nga, s-shino ka ba?" Tanong niya at tinuro ako. Watda? Kinakausap niya lang ako kanina ah?

"Dun ka! Ma-magagalit ashawa ko! Alish!!!!!!!" sabi niya at tinulak pa ako palayo sakanya. Maglalakad pa lang sana siya ng bigla siyang natumba kaya naman agad akong lumapit sakanya. Pero iwinakli niya lang yung kamay ko.

"Dun ka shabi eh! Pag tayo nakita nun, h-humanda ka! Nakuuuu wag mong gagalitin ashawa ko!" Napangiti na lang ako sa inaasta niya. Mukhang bata, hahaha. Di ko alam na may ganito palang side si Yurenzo.

"Bakit? Sino ba yang asawa mong yan?" Pigil ang tawa ko ng tanungin yun. Nagseryoso naman ang mukha niya at tumingin sakin.

"Siya shi Hyra Shy. Ang pinakacuuuuuuuute na babaeng nakilala ko! Alam mo ba? Ang liit nun! Hahaha. Tsaka ang ingay ingay niya rin pero o-okay lang yun!" Sabi niya at ngumiti ng malawak. So it's me, huh?

"Dalawang beshesh ko na siyang nashaktan p-pero minamahal n-niya pa rin ako. A-ang bait ng babaeng mahal ko diba?" tumango tango na lang ako at muling ngumiti sakanya. Nagpatuloy naman siya sa pagkuwento.


"Alam mo ba? Nung umalish siya natakot ako. Para akong mamamatay nun nung nakita ko yung van na papaalish. Hinabol ko pa nga eh! Odiba? Ang ashtig ko? Pero di ko naabutan. Shinubukan kong shundan kaso naligaw ako eh" di ko na napigilan ang pagtawa ko at napatawa na ako ng malakas. Ano daw? Naligaw siya? Pfft!


"Ilang weeksh nakalipash bago ko siya nahanap. Natakot akong lapitan siya kashi baka galit pa siya shakin" sabi niya at unti-unti niyang ipinikit ang mata niya. Inakbayan ko siyang muli at pinatayo na saka ko siya dinala sa kwarto niya at dun inihiga.

"Di ko pinagsisisihan na binigyan kita ng second chance" nakangiting sabi ko sakanya at hinalikan siya sa labi. Lumabas na ako at pumunta sa kwarto na pagtutulugan ko.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now