"Oh, anyare sayo?" Bungad na tanong ni Kin sakin na kumakain.
"Wala" maikling sabi ko at nagdirediretso papunta sa kwarto namin. Humiga ako at pumikit. Bwisit talaga. Di ko namalayan na nakasunod sakin si Kin pero di ko na lang pinansin.
"Oh? Anyare diyan?" Rinig kong tanong ni Jee kay Kin na mukhang kakarating lang rin.
"Ewan ko" tipid na sagot ni Kin. Huminga ako ng malalim at inalala ang ginagawa ng dalawa kanina. Ang saya saya nilang kumakain. Kaya pala bihis na bihis rin si Yurenzo kanina kasi mag magbabakasyon din siya kasama si Aerich. Oo, silang dalawa ang magkasama. At naiinis ako dahil dun. Ganun na ba sila kaclose na kahit pati pag bakasyon ay magkasama pa sila? Putek talaga!
"Unnie, okay lang naman na sabihin mo samin na nagseselos ka eh, di ka naman namin tatawanan" idinilat ko ang mata ko dahil sa sinabi ni Kin, kami na lang dalawa ang naririto ngayon. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngumisi siya at nagkibit balikat.
"Next time kasi, try mo ring lumingon sa likod mo para makasigurado ka na walang sumusunod sayo" pagkasabi niya nun ay umalis na siya. So, kanina niya pa ako sinusundan!?
~•~
Nagyaya silang magswimming dahil palubog na ang araw. Talagang hinintay nilang maghapon para iwas itim daw. Pfft.
"Ano unnie??? Hanggang diyan ka na lang ba?" Tanong nila sakin dahil nasa pampang pa lang ako. Tumango lang ako atsaka muling tinapunan ng tingin ang dalawang tao na masayang nagtatampisaw sa mababaw na parte ng dagat. Napairap na lang ako at padabog na tumayo saka tumakbo palapit sa mga kaibigan ko na naglalaro ng taya-tayaan. Nakisali ako sakanila at di na binigyang pansin ang dalawang tao na kinaiinisan ko. Mag-eenjoy kaya ako sa bakasyong ito?
~•~
"Tara! Kain na tayo!" Sigaw ko sakanila at nag-umpisa ng kumuha ng pagkain ko. Pansin ko na para bang nagsiwalaan ang mga bodyguards namin. Luminga linga ako sa paligid dahil baka binabantayan nila kami ng patago. Hmm, siguro nga.
"Sino hinahanap mo unnie?" Takang tanong ni Cha sakin. Tinigil ko ang paglilikot ng mata ko at kumain na lang.
"Yieee!!!! Hinahanap mo si as----hmmmmp!!!!!" Kunot ang noo ko habang tinitignan sila Jee, Rhiel, at Heily na pinagtutulungang takpan ang bibig ni Kin. Ano daw? Wala akong naintindihan.
"Kin. Matulog ka na lang please" sabi ni Jee. Tumawa naman silang lahat. Pfft. Hanggang dito ba naman? Talagang di mawawala ang asaran eh.
Masaya kaming kumakain ng may marinig kaming tili. Galing yun sa dagat malapit sa cottage namin. Ewan ko kung bakit pero bigla akong kinabahan. Di ko na namalayan na dinala na ako ng paa ko palapit sa dagat. May lalaking nalulunod. At sa dalampasigan, andun ang naka-two piece na si Aerich, umiiyak at nakapalibot sakanya ang maraming lalaki. Uminit ang ulo ko dahil sa nakikita. Bulag ba sila!? Di ba nila nakita yung nalulunod!?
Sa inis ko ay binangga ko silang lahat na nakapalibot kay Aerich saka sila sinamaan ng tingin. Humihingal akong lumangoy palapit sa lalaking nalulunod.
Nanginig ang buong katawan ko dahil lumubog na siya. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sisirin ang dagat at hilahin siya pataas. At labis akong nagulantang ng makita ko ang nakapikit na si Yurenzo.
~•~
Nanghihina ko siyang hinila palapit sa dalampasigan. Di ko na pinunasan ang luha ko na kanina pa tumutulo. Sa panginginig ng tuhod ko ay napaupo na ako sa buhangin at mahinang tinapik siya sa pisngi.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Fiksi Remaja"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...