Chapter 5

15 7 2
                                    

"A-ah, H-hyra i-i-ikaw na baha---lang a-ano, mag-order" Binaling ni Yurenzo ang tingin niya sa labas pagkatapos niyang sinabi yun. Napalingon ako kay Moe at nginitian ito.

"Yung specialty mo na lang, Moe. Para kay Yurenzo. Tapos yung specialty niyo ngayong araw. Thanks!!!" Sabi ko rito.

"Masusunod mahal kong pinsan!" Nagbow ito samin at tumalikod na.
Tinignan ko si Yurenzo na mukhang di komportable ngayon. Namamawis siya kahit na naka-aircon naman ang café. Tapos namumula yung buong mukha niya pati tenga at leeg. Pansin ko rin ang panginginig ng kamay niya. Grabe, ganito ba talaga ang epekto ni Moe sakanya? Nakakatakot. Parang anytime sasabog na lang siya bigla dahil sa kapulahan niya.

"Umayos ka na. Wala na siya" agad siyang napalingon sa pwesto ni Moe kanina at agad itong napahinga ng malalim. Humalumbaba ako at pinakatitigan siya ng mariin. Agad naman siyang lumingon sakin nang maramdaman niya ang biglang pagtitig sakanya. Tumaas ang kilay niya..

"What?" Naiilang niyang tanong. Di ko pinansin ang tanong niya at nag-focus sa pagtitig sakanya. Muli ay nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"Stop looking at me" mariin nitong sabi sakin. Nginisian ko lang siya at inilapit ang mukha ko sakanya.

"Wh-what are y-you doing?" Nauutal niyang tanong sakin. Nangunot ang noo ko. Ganito ba talaga siya sa mga babae? Inilayo ko na ang mukha ko sakanya at sa reaksyon niya ngayon ay para siyang nabunutan ng tinik. Ngayon ko lang din napansin na namumula ulit siya.

"Ganyan ka ba talaga sa mga babae, Yurenzo?" Tanong ko sakanya. Di niya ako pinansin at nagpunas siya ng pawis.

"Naku iwasan mo yang pagiging utal utal mo pag andiyan si Moe, mahahalata ka nun" asar ko sakanya. Saglit niya akong tinapunan ng tingin.

"I'm not" napailing na lang ako. Ano ba naman itong lalaking ito. Ganda niya kausap =.=

"Sige bahala ka" nasabi ko na lang..


"Heto na po ang order niyo ma'am and sir!!! Enjoy your date and have a nice day!" Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Moe. Bago pa kami makapagsalita ni Yurenzo ay umalis na siya, at bago yun ay kinindatan niya muna ako. What the heck?


"She thinks that we're on a date?" Mahinang tanong niya. Ngumiwi ako at tinignan si Yurenzo na nakangiwi rin sakin. Yung para bang may nakakadiri sa mukha namin.

"No way/Kadiri" halos sabay lang naming sabi sa isa't isa. Napailing na lang ulit ako at sinipsip na ang frappé ko. Ganun din siya. Teka, ano nga bang plano? Ah! Alam ko na! Hehe..

Tumayo ako at pumunta ako sa pwesto ni Moe na ngayon ay nagpapahinga na.

"Hey Moe, you want to take turns?" Tanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya at binalingan ng tingin si Yurenzo na ngayon ay sinisipsip ang frappé niya.

"Huh? Seryoso ka? Diba date mo yan?" Nandidiri naman akong napailing. Hindi si Yurenzo ang tipo kong lalaki. Ang gusto ko, yung kayang sabayan lahat ng trip ko. Kahit na nakakahiya pa man yan. Eh kasi siya, tahimik. Yung parang di niya alam ang salitang 'fun'. Pero sa totoo lang ang cute niya mamula.


"Sige na. Para naman makilala mo yung mga nagiging kaibigan ko diba?" Nagpacute pa ako ng husto bago ko siya napapayag. Ibinigay niya ang apron niya sakin at inayos ang sarili. Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit sa pwesto ni Yurenzo. Bahagya pang nagulat si Yurenzo ng makita si Moe sa harap niya pero ng makabawi ito sa pagkakagulat ay tinignan niya ako. Nag-thumbs up ako sakanya at nginitian siya.

"Miss Lim sa table 15" ibinigay nito sakin ang isang tray na may laman na dalawang slice ng blueberry pie. Nang maihatid ko na ang order nila ay muli kong tinignan ang table nila Yurenzo. Mukha siyang di mapakali habang si Moe ay tawa ng tawa.


"Miss, asan yung kutsara, sabi ko" kinalabit ako ng lalaki at nagtatanong akong tinignan.

"Ay, eto po" ibinigay ko ang kutsara sa lalaki at nginitian ito. Pero nang marealize ko kung sino siya ay napasimangot ako.

"Ay! Ikaw pala! Miss???" Sabi niya sakin. Tumalikod na ako at di siya pinansin. Bat ba lagi ko na lang nakikita ang lalaking yun? Una sa taxi, pangalawa seatmate ko siya tapos ngayon dito? Nuba naman yan.


Marami pa akong hinatidan ng orders nang lumapit si Moe sakin.


"Ako na diyan pinsan" sabi niya. Sumimangot ako. Medyo naeenjoy ko na kasi eh

"Eh ayaw! Uwi na kayo ako na munang bahala dito" sabi ko sakanya.

"Pero sabi ng kaibigan mo, uwi na kayo" umiling ako.


"No, kayo ang umuwi, sige may hahatiran pa ako ng orders, byeee ingat kayooo!!!" Iniwan ko na siya at pumuntang kusina upang kunin ang mga orders. Paglabas ko ay kita ko na pinagbuksan ni Yurenzo si Moe ng pintuan at lumabas na sila.


"Oh, Ineng, di lalapit sayo ang mga kostumer at kukunin sayo ang mga order nila" napalingon ako sa nagsalita at yun ay ang isa sa mga kasamahan ni Moe dito. Di ko ito pinansin at pumunta na sa mga tables na naka-assign sakin.


Natapos ang trabaho nang mga bandang 8 pm. Hooo, kapagod. Buti at nakakayanan ni Moe ang ganitong buhay. Pagtapos ng klase ay diretso siya agad sa trabaho, tapos pag-uwi niya sa bahay nila ay saka niya gagawin ang mga assignments at projects niya. Haaay, I guess I should be thankful then, dahil kahit papaano ay nakakaya kong mabuhay nang di nagtatrabaho, kundi---


"Hey, Hyra!" Natigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa pangalan ko. Paglabas ko ng café ay may humigit na sa braso ko.

"Hey it's me, Ravie" napahinga ako ng maluwag nang si Ravie pala yun

"Uh, hi. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Sumabay ito sa paglalakad ko.

"Renzo texted me. Sabi niya ihatid daw kita. I'm not busy so, yeah, I said yes" buti na lang at walang masyadong ilaw kundi kanina niya pa ako nakita na sobrang pula ang mukha.

"T-thanks" nasabi ko na lang. Pumara siya ng taxi at pinagbuksan ako ng pinto.


"R-ravie, s-salamat talaga. At sorry na rin kung naabala pa kita. Yaan mo, kakausapin ko si Yurenzo bukas na--" umiling ito at ngumiti sakin na talaga namang nakapagpatunaw sa puso ko. Ang mga ngiti niya, nakakamatay.


"No prob. Besides gusto ko rin naman. Atsaka gabi na rin kasi kaya di na ako nakatanggi kay Yurenzo. Babae ka pa" kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang pagngiti ko.

"Pansin ko na magkasama kayo kanina, matagal na ba kayong magkakilala?" Biglang tanong niya.

"H-hindi, ay oo pala. Actually ano, m-magkatabi lang yung condo building namin" tumango tango naman siya. Nang tumigil ang taxi ay agad siyang bumaba rito. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto nang maunahan na niya ako.


"Libre ko na kaya pumasok ka na. Good night Hyra" sabi niya nang tangkain kong magbayad sa driver. Sumakay na siya ulit sa taxi at kumaway sakin. Kinawayan ko rin siya at sinundan ng tingin ang taxi. Papasok na sana ako ng mamataan si Yurenzo na nakasandal sa pader na para bang may hinihintay. Iniangat niya ang tingin sakin.

"Glad that you came home safely" sabi nito at tumalikod sakin. Nang makapasok siya sa loob ng condo building niya ay saka lang din ako pumasok. Nakakapagod ang araw na 'to


Complete Opposite✔Where stories live. Discover now