Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niya yun. Napalunok ako ng ilang beses at di nakapagsalita. I heard him chuckles.
"Ikaw ah, pasimple mo akong hinahalikan" nang-aasar niyang sabi saka kumalas mula sa pagkakayakap sakin. Namumula ko siyang hinarap.
"Shut up!" Nahihiya kong sabi at muli siyang tinalikuran. Humalakhak siya kaya naman di ko na siya pinansin. Nakakainis! Dapat pala di ko na lang ginawa yun! Argh! Nakakahiya!
Nang matapos na ako sa pagluluto ay hinanda ko na ang pagkain namin. Naglagay ako ng dalawang mangkok at kutsara sa lamesa at nilagyan iyon ng noodles. Nagtimpla na rin ako ng kape naming dalawa saka siya tinawag na nanunuod sa sala. Agad naman siyang sumunod sakin na may malaking ngiti na nakapaskil sa sa kanyang labi. Inaasar niya talaga ako, bwisit.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa siya na mismo ang nagbukas ng topic
"Saan ka sa next sembreak?" Tanong niya.
"Uuwi na muna ako samin sa Pangasinan, ikaw saan?"
"Uuwi kaming lahat nila Heily sa Cebu" sagot niya. Napatango tango naman ako.
"Akala ko nga sasama ka samin kasi sabi sakin ni Diyo kasama raw nilang pupunta sila Jee at Cha doon" nagulat ako sa sinabi niya. Ano? Sila Cha at Jee?
"Huh? Bakit daw?" Pang-uusisa ko.
"Ewan ko rin. Baka ipapasyal lang sila ng mga boyfriend nila" sabi niya ulit. Boyfriend? Si Jee? Magboboyfriend na naman? Maniwala. Atsaka ang alam ko, boyfriend ni Cha si Arden. Imposible namang papayag na sumama si Arden kela Diyo eh sobra nga ang selos nun sakanya.
"Sama ka na rin, para maipakilala kita sa buong angkan ko" sabi niya na ikinatigil ko sa pagkain.
"T-tignan ko na lang" sabi ko at yumuko. Ang hirap talagang magpigil ng kilig, kainis.
"Hyra?" Tawag niya sakin kaya naman nag-angat ako ng tingin. He's serious like hell kaya naman napalunok ako. What is it this time, Yurenzo?
"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"
After he said that. Naibaon ko na lang ang mukha ko sa dalawang palad ko. This is insane!!!!!
"OH, san ka pupunta?" Tanong niya ng akma akong lalabas ng unit niya.
"Maglilinis lang ako sa condo ko, ilang araw ko na ring di inuuwian yun eh" sabi ko.
"Teka, sasama ako sayo. Tutulungan na lang kita" sabi niya at agad na pinatay ang TV. Pagkarating namin sa condo ko ay kinuha ko kaagad ang walis at winalisan ang bawat sulok ng unit ko. Si Yurenzo naman ay pinupunasan ang mga dumi sa mga gamit sa sala.
I imagine my future with him. Damn, napakaswerte ko pag nangyari yun. Akala ko, magiging cold siya buong buhay niya. But I was wrong. Kailangan pa niya talagang mainlove bago lumabas ang totoo niyang ugali. And I'm proud to say na ako ang nakapagpabago sakanya. I hope my days with him never ends. Masyado na akong na-attach sakanya to the point na ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Di ko lang sinasabi sakanya kasi alam kong magdamag niya akong aasarin. At ayoko mangyari yun. Grabe siya mang-asar eh, sarap tuloy niyang tirisin.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Tanong niya at lumapit sakin. Kinuha ko naman ang bimpo na nakasampay sa balikat ko at ipinampunas iyon sa mukha niya. Ramdam ko ang pagtitig niya sakin pero pilit kong iniiwasan yun dahil baka matulala na naman ako. Kaya naman itinuon ko ang atensyon ko sa pagpupunas sakanya. Medyo nahirapan pa ako dahil kailangan ko pang tumingkayad para mapunasan ang noo niya, matangkad siya eh.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Dla nastolatków"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...