Nagising ako ng may maamoy akong sinangag. Ang bango. Kaya kahit na inaantok pa ako ay bumangon na ako. Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito. Papikit pikit ang mata ko habang tinatahak ang daan papuntang kusina.
"Good morni---" bago pa man matapos ng kung sino man ang pagbating iyon ay naibato ko na sakanya ang unan na hawak ko. Agad kong kinuha ang kutsilyo at itinutok sakanya iyon.
"S-sino ka!?" Tanong ko rito. Tinanggal niya ang unan sa mukha niya at walang ekspresyon akong tinignan.
"Oh! My man! Yurenzo ikaw pala!" Ibinaba ko ang kutsilyo sa lamesa at lumapit sakanya upang ayusin ang uniporme niyang bahagyang kumusot
"Sorry pala, hehe. Nabigla lang ako kala ko kasi magnanakaw na--" di na niya ako pinatapos magsalita.
"Cut it. Just eat" kumuha siya ng Plato at ipinagsandok ako ng sinangag at fried fish fillet saka niya ibinigay sakin ang pinggan. Tumalikod na siya at lumabas ng kusina. Umupo na ako at nag-umpisang kumain. Baka kumain na yun kanina.
"Tinawag mo ba si Ravie kagabi?" Tanong ko sakanya nang papunta na kaming school. Isang tango lang ang nakuha kong sagot sakanya.
"Thank you ah?" nakangiti kong sabi sakanya. Tinapunan niya lang ako ng isang tingin saka ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Ayun oh Taxi" itinuro ko ang taxi na ngayon ay papalapit na sa pwesto namin. Kumaway kaway ako rito. Baka bigla kaming lagpasan hehe.
Pagkarating sa school ay meron na rin yung dalawa.
"Hyra!!!! Halika libre kita!" bungad sakin ni Moe. Di ko pa man naibababa ang bag ko nang hilain na niya ako.
"Teka lang Moe!" di niya ako pinatapos magsalita at agad na naglakad. Nang lumingon ako sa room ay nakatingin si Ravie samin atsaka ako kinawayan. Nginitian ko siya at naglakad na.
"Moe, San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Nginitian niya ako at tumigil kami sa cafeteria.
"Kuha ka lang ng gusto mo Insan, libre ko" sabi niya. Agad na nangningnig ang mata ko sa sinabi niya. Pero busog pa ako.
"Maya na lang insan, Busog pa kasi ako. Nagluto kasi si Yu--" kinagat ko ang labi ko dahil muntik ko nang masabi na pumupunta sa condo ko si Yurenzo. Di rin niya pwedeng malaman na close na kami. Baka kasi iba isipin niya. Tama, di ko sasabihin.
"Huh? Nagluto? Sino? Ikaw?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Ah, oo! Marunong na akong magluto nukaba" sabi ko sakanya. Parang nasurprise naman siya dun. Ganun ba ako di marunong magluto para masorpresa siya ng ganyan? Nakakainsulto ah.
"Balik na lang tayo mamaya, lika na" hinila ko siya pabalik ng classroom at pagdating namin ay meron na kaming prof.
Di rin siya nagtagal dahil may meeting pa daw siya. Maya-maya ay may nagpasa ng papel sakin, si Ravie. Tinuro niya ang katabi niyang si Yurenzo na naka-ub-ob sa lamesa niya.
Grocery store
After classes ~Yurenzo
Nilukot ko ang papel at nakinig na lang sa mga prof namin. Pagtapos ay kinuha ko na ang bag ko
"Insan! San ka pupunta?" Tanong ni Moe nang makalabas na ako sa classroom
"Uwi na ako. Tapos na klase diba?" sabi ko. Kinuha na rin niya ang bag niya, ganun din ang mga kaklase namin.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Novela Juvenil"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...