Nakahalumbaba ako habang pinapanood ang likod niya. Napangiti ako ng maalala ang unang araw na sinabihan niya ako ng I love you. It's been four days, I think? And yeah, sinagot ko siya ng 'I love you too'. Dahil nga dun hinalikan niya ako eh. Namula naman ako ng isipin ang senaryong iyon.
"Ano naman ang iniisip ng wifey ko?" Tanong niya at umupo sa katapat kong upuan.
"N-naalala ko lang yung araw na sinabihan mo ako ng I love you" pag-amin ko. Ngumiti naman siya at hinaplos ang pisngi ko. Tinitigan niya ako sa mata.
"I love you" sabi niya ng nakangiti. Napayuko na lang ako dahil sa kilig. Bwisit ka Yurenzo, ano bang ginagawa mo sakin? Balak mo ba akong baliwin, ha?
"A-ang pangit mo, bwisit ka" sabi ko na lang sakanya. Tumawa naman siya dahil sa naging reaction ko kaya hinampas ko siya sa braso.
"T-tumigil ka na nga diyan! Yung niluluto mo oh! Baka masunog!" Bulyaw ko sakanya. Natatawa naman siyang tumayo at lumapit sa kitchen counter. Sa tatlong araw na halos kasama ko siya ay masasabi kong sobrang saya ko. Ibang iba na kasi siya Yurenzo na nakilala ko noon. Sobrang caring na niya. Lagi na rin siyang nakangiti. Dati iilang words lang ang sinasabi niya, ngayon halos talo na niya si Baekhyun sa sobrang kadaldalan. At sa three days na yun, di na niya ako hinahayaang umuwi sa condo ko. Tuwang tuwa nga si tita eh dahil bumibo daw si Yurenzo. Lagi na siyang nakatawa na kalimitan niyang ginagawa noon. Kaya ang laki ng pasasalamat sakin ni tita dahil binalik ko daw ang dating Yurenzo na masiyahin.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na siya sa niluluto niya kaya naman tumayo na ako at kumuha ng dalawang pinggan at kutsara na gagamitin naming pang-kain. Umupo na siya at ako naman ay ipinagsandok siya ng kanin at ulam. Nilagyan ko na rin ng tubig ang baso niya at baso ko saka ako kumuha ng sarili kong pagkain at umupo.
"I really like it when you're taking care of me" nakangiting sabi niya na nakapagpangiti rin sakin. Nag-umpisa na kaming kumain at halos maiyak ako sa sarap ng luto niya. Lord, kung siya man po ang mapapangasawa ko, ngayon pa lang sobra na ang pasasalamat ko. Bukod sa masarap siyang magluto, napaka-caring niya pa at medyo bumabait na rin siya. Dagdag points na lang po yung gwapo siya at magaling sa soccer.
"Oh? Natahimik ka?" Tanong niya sakin. Inangat ko ang tingin ko at nagsalubong ang tingin naming dalawa.
"Ang sarap kasi ng luto mo" nakangiti kong sabi. Sinilip ko ang malaking mangkok ng ulam at halos magningning ang mata ko dahil marami pa ito. Mukhang mapapalaban ako nito ah!
"Sus, mas masarap pa labi ko diyan" dinig kong bulong niya. Parang tanga lang eh, bubulong tapos yung maririnig pa.
"Anong konek?" Pambabara ko sakanya. Natawa ako sa isipan ko dahil mukhang nahaluan na yata ako ng dugo ni Jee.
"Ang sabihin mo, kinikilig ka lang" sabi niya. Binelatan ko lang siya at muling nagpatuloy sa pagkain. Muli ko siyang sinilip at nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya iniwas ko ang tingin ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at mabilis na tibok ng puso ko. Kalma lang heart, di ka pa bibitayin.
"Hyra, look at me" kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at lumunok ng laway saka ko siya tinignan.
"Bakit?" Tanong ko sakanya. Di siya nagsalita at tinitigan lang ako.
"Bat parang gumaganda ka sa paningin ko?" Seryosong tanong niya sakin. Sobra na siguro ang pamumula ko dahil sa tanong niya. Ano ba, Yurenzo?
"K-kung ano ano sinasabi mo diyan" sabi ko at nag-iwas ng tingin. Muli kong hinawakan ang kutsara ko pero nahulog yun sa sahig dahil sa panginginig ng kamay ko. Yumuko ako para kunin yun at ng mag-angat na ako ng tingin ay para siyang di makagalaw at pulang pula ang buo niyang mukha.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...