"Nagseselos ka" inilapag ni Ravie ang mga libro niya sa harap ko at umupo sa katapat kong upuan. Tinignan ko siya binalik sa libro ang tingin ko.
"Don't deny it, Hyra. Halatado eh" inilipat ko na ang pahina at di na siya tinignan.
"Wala akong sinasabing dinideny ko" mahina kong sabi.
"Mahal mo talaga siya no?" Sabi niya at tinignan ako ng mariin. Nang tignan ko siya ay nakangisi na ito sakin. Ano bang iniisip niya?
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sakin. Ngumiti siya sakin at inayos ang mga hibla ng buhok ko na nasa mukha ko at iniipit sa likod ng tenga ko.
"May gusto lang akong patunayan kaya ko gagawin ito..." Halos pabulong niyang sabi at hinaplos ang pisngi ko. Siguro kung may gusto pa ako kay Ravie ngayon, baka sobra na ang kilig ko ngayon. Pero hindi eh, gusto ko na siyang ibalibag pero pinili ko na lang ang tumahimik. Di ko alam kung bakit pero unti-unting pumikit ang mga mata ko.
"No flirting here. You two should go out"
Nang idilat ko ang mga mata ko ay mukha agad ni Yurenzo ang nakita ko. Salubong ang mga kilay niya pero blangko at malamig ang pagkakatingin niya sakin. Tinignan ko si Ravie na umiiling-iling
"Easy bro, di kami naglalandian" nakangiting saad ni Ravie saka ako tinignan
"Let's go Yra, hahatid na kita sa next class mo" hinawakan niya ang kamay ko at kinindatan ako. Siya na ang kumuha ng mga gamit ko.
"Yra?" Tanong ni Yurenzo na nagpatigil sakin.
"Yeah bro. No offense but..." Bigla niya akong inakbayan kaya halos di na ako mapakali. Ano bang trip ni Ravie!??
"Ako lang ang tatawag ng Yra sakanya, got that?" Tinapik niya pa ito sa balikat saka kami umalis. Nang medyo makalayo na kami ay tinanggal ko na ang kamay niya sa balikat ko.
"What was that?" Tanong ko sakanya. Nag-lean siya sa pader saka pumamulsa
"Wala ka bang napansin sakanya?" Nakangiti niyang sabi. Nangunot ang noo ko.
"Kala niya hahalikan kita kaya ganun yung reaksyon niya" natatawa niyang sabi.
"You mean--" tumango tango siya kaya di ko na naituloy ang sasabihin ko.
"Nagseselos siya" sabi niya. Natulala ako. Nagseselos siya? Bakit? Sa anong dahilan naman? May nararamdaman na ba siya sakin?
"Pero di pa yun sapat para mapatunayan na gusto ka niya. Kailangan pa natin siyang pagselosin" sabi niya at inakbayan ako. Napangiti naman ako dahil dun. Tutulungan niya akong mapaamin si Yurenzo.
~•~
Umuulan. Malakas. Sobrang lakas. Sinabayan pa ng malakas na hangin. Andito ako ngayon sa labas ng classroom, yakap yakap ang sarili dahil wala akong payong. Ano bang gagawin ko? Medyo madilim na din dahil 5:30 natapos ang last subject ko. Iilan na lang din kaming tao dito sa labas ng classroom. Buti at nasa first floor lang.
"Hyra wala pa rin bang susundo sayo? Mauuna na kami" sabi ng kaklase ko. Ngumiti ako at tumango saka sila umalis. Ngayon, ako na lang ang nandito. Nababasa na rin ako ng ulan kaya pumasok muna ako sa classroom. Buti at may kuryente pa kahit na malakas ang ulan at hangin.
"Di ka rin makauwi?" Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
YOU ARE READING
Complete Opposite✔
Teen Fiction"I'm a silent person, I hate noises, but why my heart beats so loud whenever you are around?"- Yurenzo Ryuuji "I have a loud voice that can ruin your eardrums, but here I am, can't find a voice to say that I'm silently falling for you"- Hyra Sy Mika...