Chapter 37

6 4 0
                                    

Last Chapter

Tinitigan ko lang siya. At ganun din siya sakin, nagpapakiramdaman lang kami. Siguro iniisip niya kung bakit di pa ako lumalabas sa kotse niya. Pero kailangan kong tanungin sakanya yun. Unang una, sino ba siya? Pangalawa, bakit alam niya kung saan ako nakatira? Pangatlo, bakit hinayaan niya akong utusan siya?

"Sino ka?" Tanong ko sakanya. Di niya ako pinansin at nag-iwas ng tingin.

"Sabihin mo kung sino ka" pagpupumilit ko sakanya. Ewan ko ba kung bakit pero desperado akong malaman kung sino ba siya. Pero iling lang ang nakuha kong sagot mula sakanya. Nawawalan na ako ng pasensya pero pinilit kong habaan ang pasensya ko.

"Just tell me who the sheeeps are you" mariin kong tanong sakanya. Pero umiling siya ulit. Sa inis ko ay hinablot ko ang sunglasses at mask niya at tinanggal iyon.

"S-sheeeps"

Di ko alam kung ano ang sasabihin. Nanginginig ang buo kong katawan ay di man lang gumana ang nga nerves ko. Di ko namalayan na dumadaloy na sa pisngi ko ang mga luha ko. Nabitawan ko na rin ang hawak hawak kong sunglasses at mask saka natutop ko ang bibig ko. Ngayon nagsisisi na naman ako dahil sa ginawa ko.

"Y-you...." Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may kumawalang hikbi sa bibig ko.

"H-hyra... Sorry. P-patawarin mo ako" nagsusumamo niyang sabi habang pinipigilan ang mga luhang kumawalang mula sa mga mata niya. Umiling ako at iniiwas ko ang kamay ko ng akma niya itong hahawakan. Walang pasabing binuksan ko ang pinto at lumabas. Gamit ang likod ng palad ko ay pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko. Hindi, tama na. Hindi ko na siya iiyakan. Hinding hindi na. Pagbukas ko sa gate ay awtomatikong napalingon ako sa kotse niya. Nakabukas pa rin iyon at kitang kita ko kung pano niya punasan punasan ang mukha niyang puno ng luha gamit ang neckline ng damit niya. Di ko man aminin sa sarili ko ay alam kong nasasaktan ako dahil nasasaktan din siya at ako ang dahilan nun. Pumasok na ako at padabog na isinara ang gate.

"Oy panget, bat ka umiiyak?" Bungad sakin ni Hania. Wala akong balak pakipagpikunan sakanya ngayon.

"Tumahimik ka" malamig kong sinabi atsaka pumasok sa kwarto ko. Nahiga agad ako at niyakap ang unan ko. Sana, sana di na lang siya nagpakita. Sana bukas, di ko na siya maalala. Sana bukas pag-gising ko, umalis na siya.

~•~

"ARAAAAAAY!!!!!" Daing ko at hinimas braso kong kinurot ni kuya Cali. Kinuwento ko kasi sakanila yung nangyari kagabi.

"Alam mo? Ang tanga mo! Dapat hinayaan mo siyang mag-explain!" Bulyaw niya sakin. Napalapit naman ako kay kuya Jancen at niyakap ito sa braso.

"Kuya Jancen oh!" Sumbong ko pero tinampal naman niya ang noo ko. Napalayo ako sakanya.

"Saka mo na lang kami kausapin pag nasa tamang katinuan ka na" sabi niya at umalis na lang sila bigla ni kuya Cali. Nagtataka ako sa inasta nilang dalawa. Mga kaibigan ko ba talaga yun!? Pasalamat nga sila at tinanggap ko ang offer nilang friendship eh! Alam naman nila na mailap ako sa mga lalaki pero makulit sila eh kaya sige, no choice. Tapos gaganituhin nila ako!? Hello! Kuya Jancen? Diba sabi mo susuntukin mo siya pag nakita mo siya? It's your chance na pero bat parang sila pa ang galit sakin? Haist. Ang hirap talaga basahin ng mga lalaki.

"Hyra..." Napalingon ako sa tumawag sakin. Bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko kagabi. Ayoko. Ayoko ng masaktan ulit. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko sa round table at nagmadaling umalis. Pero putik! Sumunod siya!

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now