Kaizen's Pov
Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan sya.
Pagkatapos ng scene na yon. Hinigit ako ni Lime sa kwarto.
Anong binabalak nya? Dito na ba nya ako gagahasain? Haha biro lang.
" Bakit mo ginawa yon?!" -- Lime
" Niligtas ko lang naman ikaw sa labi ng isang bakulaw. Nagustuhan mo naman diba?"
Tinulak nya ako palayo sa kanya. Tinulak nya ulit ako at buong pwersa na yon kaya medyo malakas.
" Nakakainis ka na talaga Kai! Paano kung mapahamak ka sa ginawa mo?! Paano kung bigla nalang may magtangang masama sayo?! Hindi ko kayang mawala ka Kai!"-- Lime
Umiiyak sya habang dahan dahang umuupo.
" Kai. You made me like you. Please dont make me feel the pain...please."
Naiinis ako. Umiiyak sya ng dahil sakin. Niyapos ko sya.
" wag kang mag a-lala habang kaya ko pang tumayo. Safe ka sa mga bisig ko. Im not gonna let anyone hurt you. Understand?"
" Wag kang papayag sa gusto ni Yuki."
" Stupid. Syempre. Di kita iiwan. "
" Kai.i trust you...that you ment evry word you said."We make up. Paglabas namin sa room unti unti ng nauubos ang mga tao sa harap ng stage. Ang iba siguro bumalik ba sa mga rooms nila dahil may klase pa.
" Care to share?"--Clyde
Napalingon kame ni Lime sa left side. Naandun ang buong tropa.
" Hindi pa ba malinaw?" Pinakita ko sa kanila ang mag ka holding hands naming kamay ni Lime.
" So hindi talaga kayo magpinsan?"-- Zeke
" OBVIOUSLY."-- Ishii
" Tol. Kala ko ba kapatiran tayo. Bakit sinosolo mo ang problema? Bakit ka nagsinungaling? Wala ka bang tiwala sa mga kaibigan mo?" --Zeke
" Ayoko lang ng may mapahamak pa."
" Para san pa at nagtayo ka ng kapatiran? Iisa tayo dito. Wag mong saluhin lahat ng problema."--Sean
Nagwalk out sya.
" May point sya. Pero pare lahat ng kaguluhan damay kame. Wag kang maglihim. Handa kaming makipagpatayan para sayo." -- Zeke
"So. Asawa mo nga si Lime?" -- Gil
Nagkatinginan kame ni Lime. At tumango.
Nagalit saakin ang iba kong tropa. Ang natira nalang na kasama namin sa kwarto ay si Hiro, Princess, Zeke,Clyde, Luchie,Ishii, Mira at Brent
kinasama pa pala tong pagseselos ko. Sana mapatawad pa nila ako.
" Kai." --Clyde
" Ok lang pre. Kung galit kayong lahat sakin. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo na para protektahan kayo kelangan kong itago. Para rin kay Lime. "
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A GANGSTER
RomanceNanahimik ang buhay mo. Masaya ka. Pano nalang kung isang araw may sumulpot na isang tao at naka-kasundo na pakakasalanan mo.