Part 1

19.3K 324 30
                                    


"ANG GALING-GALING ng Kuya mo, Jazzy! Kaya dapat ikaw, lagi mo siyang gagayahin, ha?"

"Opo, Mommy."

"Dapat gaya ng Kuya Borromeo mo, magaling ka rin. Ang Kuya mo, laging nasa top one ng klase nila. Lagi rin siyang inilalaban sa mga martial arts competition sa loob at labas ng school nila. Ikaw, Jazzy, mag-uumpisa ka na ring mag-training sa tae kwon do kaya dapat galingan mo." Inayos ng ina ni Jazzy ang suot niyang dobok, o uniform sa tae kwon do. Pati na rin ang kanyang white belt na karaniwan na sa mga nag-uumpisa pa lang sa naturang form of martial arts. "Ang kuya mo noon, isang beses ko lang siyang tinuruan kung paano mag-suot ng belt niya. Siya na ang nagsusuot ng belt niya pagkatapos."

Pinanood niyang mabuti ang ginagawa ng ina sa belt niya. Bawat detalye niyon ay hindi pinapalagpas ng malinaw niyang mga mata. Para sa susunod, gaya ng Kuya Bucho niya, kayang-kaya na rin niyang isuot iyon nang hindi na niya kakailanganin pa ng tulong ng ina. O ng kahit na sino.

Napansin nilang nagkanya-kanya na ng puwesto ang mga tao sa gym na iyon kung saan ginaganap ang annual tae kwon do competition ng mga martial arts school sa bansa. Mag-uumpisa na ang unang bahagi ng event na iyon, ang individual demo o demonstration training. Isa sa mga kasali roon ang kanyang Kuya Bucho. Excited na siya. Tutok na tutok ang mga mata niya sa mga unipormadong estudyante na pumuwesto na sa gitna ng malawak na gym na iyon.

"Mommy, si Kuya Bucho, o!" turo niya sa nakatatandang kapatid. "Mommy, si Kuya!"

"O, Jazzy, look closely and watch your Kuya, ha? Gusto ko, maging kasing galing ka rin niya balang araw."

"I will, Mommy!"

Hindi na siya kumurap habang pinapanood ang pagde-demonstrate ng iba't ibang galaw ng naturang martial arts ang kuya niya. Pulido ang mga galaw nito at napakagandang panoorin. Maganda ang porma ng kuya niya kaya hindi na kataka-takang sa martial arts school na kabilang ito ay itinanghal itong pinakamagaling. Kung hindi man pinakamagaling sa buong bansa dahil sa susunod na buwan ay magiging opisyal na miyembro na ito ng Philippine Taekwondo Team sa ASEAN Games.

"Napakahusay ng batang iyan. Hindi na ako magtataka kung balang araw, siya ang maging pinakamagaling na martial artist sa ating bansa."

Napalingon siya sa dalawang lalaki na nag-uusap di kalayuan sa kanila. Naka-uniform din ang mga ito ng dobok kaya siguradong kasali ang mga ito sa mga officiating members ng naturang event.

"Narinig mo na rin pala ang tungkol sa kanya."

"Of course. Sino ang hindi maku-curious sa isang batang red belt pa lang ay natalo na ang apat na black belters ng Philippine Taekwondo Team?"

"Hmm. Sana magpatuloy siya. His skills could be a great asset to the police and military force of the country."

"That is, kung hindi siya masisilaw ng malaking offer ng mga taga-ibang bansa. I heard na maraming scouts ang nandito ngayon para kumuha ng mga bagong talent na ihahasa nila sa kani-kanilang bansa."

"Oh, yeah. Well, sana nga hindi siya mabuyong na mangibang bansa. But then again, kung iyon ang makakapagbigay sa kanya ng mas magandang training, he could just come back to the country later."

Nagtawanan lang ang mga ito. Siya man ay hindi mapigilan ang mapangiti nang muling balingan ang kanyang kuya na nagde-demo pa rin.

Kuya, magiging katulad mo rin ako. Gagalingan ko rin. Ayokong masira ang pangalan mo ng dahil sa akin.

Iyon ang pangako ng kanyang musmos na puso. Ang pangarap niyang maging katulad ng kanyang kuya ang naging tanging motivation niya para galingan ang lahat ng gawain niya.

CALLE POGI #3: WAKI (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon