Part 6

7.8K 200 8
                                    

"OH, YOU'RE early. I like that." Waki opened the door wider for Jazzy. "Magbibihis lang ako sandali at aalis na tayo."

Nabitin ang paghakbang ni Jazzy papasok sana ng bahay nito nang makita na nakapantalong maong lang ito at walang damit pang-itaas. Halatang kagagaling lang nito sa shower dahil basa pa ang buhok nito. At hindi niya maiwasang mapatingin sa malapad nitong dibdib.

"Like it?" Waki was giving her that sexy smile of his again.

Bumuwelta siya patalikod. "Dito na lang kita sa labas hihintayin."

"Paano kung may stalker pala akong papatay sa akin sa loob? You're neglecting your work this early? Siguradong magagalit nito si Bucho kapag nalaman niyang nagpapabaya ka. Todo puri pa naman siya sa kakayahan mo bilang bodyguard."

"Kaya kong maging bodyguard mo kahit nandito ako sa labas."

"Paano nga kung nasa loob ng bahay ang papatay sa akin?"

May katwiran ito. Although malinaw pa sa sikat ng araw na gumagawa lang ito ng kuwento. Pero dahil lumaki siyang responsable sa lahat bagay, kahit na gaano pa iyon ka-walang kuwenta, napilitan na rin siyang pumasok ng bahay. The mixed scent of his bathsoap and aftershave cologne reached her nostrils as she passed by him. At masyado siyang naging aware sa presensiya nito nang bahagyang mapadikit ang braso niya sa matigas nitong abdomen. Napatingin pa siya rito. Doon lang niya na-realize kung gaano na kalapit ang kanilang mukha sa isa't isa. Blood rushed through her veins and she bailed out.

Mabilis siyang lumayo rito, palabas. But he had caught her arm.

"Where do you think you're doing, Miss? Sinabi ko ng—"

"Oo na!" Marahas niyang binawi ang kanyang braso, itinulak ito palayo sa daraanan niya naupo sa sofa sa sala. "Bilisan mo na ang pagbibihis at baka mapulmunya ka."

"Ano naman ang palagay mo sa akin? Sakitin?" Hinarap siya nito. He had put his hands on his taut hips. And once again, that sexy smile retured to his even sexier lips. "Concerned ka yata sa akin."

"Kliyente kita kaya natural lang na maging concerned ako sa iyo," wika niya sa pormal na boses. "Kung hindi ko gagawin iyon, hindi ko rin magagawa nang maayos ang trabaho kong pangalagaan ka."

"Para ka palang voice prompt, ano? Kabisadong-kabisado mo na ang isasagot mo sa lahat ng tanong sa iyo."

Tumayo na lang uli siya. "May sasakyan ka ba? Ihahanda ko na iyon habang dumi-display ka pa rito."

"I have a driver. At ikaw, dito ka lang. Wala kang ibang gagawin kundi bantayan ako, malinawag?"

"Okay." Bumalik na lang uli siya sa sofa. Bumukas ang telebisyon. Waki had turned on the television for her.

"Manood ka muna. Para naman ma-relax ka ng kaunti."

She turned it off. "Madi-distract lang ako."

"You're too stiff. Huhulaan ko, wala kang boyfriend, ano?"

Masamang tingin lang ang ibinigay niya rito. "Huwag mong pakialaman ang pribado kong buhay."

Nagkibit lang ito ng balikat at nagtungo na sa silid nito. Pinakiramdaman niya kung nasa likuran pa niya ito. Wala na. See took a deep breath—Deep breath? Kailan pa niya pinipigilan ang kanyang paghinga? Kahit nakatutok na sa kanya ang baril sa mga naging assignment niya, ni minsan ay hindi pa siya kinabahan o nagpigil ng hininga. Tapos, sa lalaking ito lang...

She pinched her temple. "Ano ba naman iyang iniisip mo, Jazzy? Magtino ka nga. Kahit isang malaking kalokohan lang lahat ng ito, utos pa rin ito ni Kuya Bucho kaya seryosohin mo ang lahat. Hindi puwedeng ma-disappoint si Kuya."

CALLE POGI #3: WAKI (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon