MAHIGPIT ANG kapit ni Jazzy sa braso ni Waki habang naglalakad. Panay din ang hawi niya sa mahaba niyang buhok na nakalugay na ngayon.
"Kapit ka lang nang mabuti diyan," wika ni Waki na mahahalata ang pagpipigil na matawa. "O, liliko tayo sa kanan."
"Alam mo, Waki, hindi lang ako sanay maglakad ng nakatakong. Pero kayang-kaya pa rin kitang saktan."
Tatawa-tawa lang nitong tinapik ang kanyang kamay. "Bakit kasi nag-insist ka pang isuot ang sapatos na iyan? Puwede namang 'yung flat shoes na lang para hindi ka na nahihirapan ng ganyan."
"Ito ang bagay sa damit ko sabi nung sales lady."
"Siyempre, mahal iyan kaya iyan ang sasabihin nilang bagay sa suot mo."
"Bakit, mali ba iyon?"
"Hay. Wala ka talagang alam sa mundo, ano? Kailan ka ba kasi huling beses na lumabas sa lungga mo?"
"Noon."
"Kailan naman iyang noon na iyan?"
"Basta noon. Malayo pa ba tay—ay kambing!" Naglambitin siya sa braso ni Waki nang mawalan siya ng balanse. "Waki, kapag binitiwan mo ako, talagang mapapatay na kita."
"Kambing?"
"Walang pakialamanan! Sa gusto ko ng kambing, eh! Bakit ba?" Lumingon-lingon siya sa paligid malawak na hallway ng hotel na iyon patungong pinagdarausan ng fashion show. "Itayo mo na ako, bilis! Bago pa may makakita sa atin. Nakakahiya!"
But he was already laughing his ass off. Kaya nahihirapan tuloy siyang makatayo agad dahil hindi rin ito makatulong nang husto sa kakatawa.
"Waki! Ano ba!"
Sa wakas ay tila natauhan na ito kaya nagawa na rin nitong hapitin siya sa kanyang baywang upang maitayo siya nang maayos. Natigilan siya nang ma-realize kung gaano na lang kalapit ang mukha nila sa isa't isa. Unti-unti na ring tumitigil sa pagtawa nito ang binata at napapatitig na lang sa kanya. Her heart started doing its crazy thumpings. Gusto niyang makawala rito ngunit wala siyang magawa dahil dito nakasalalay ang kanyang balanse.
"Hindi ko pa yata nasasabi sa iyo, Jazzy," he said in a whispered voice. "You're beautiful."
"Hah..." Pinilit niyang tumawa subalit walang mamutawi sa kanyang bibig. Pesteng pakiramdam ito! Ang gulo-gulo!
"No matter what clothes you wear," patuloy nito. "Yes, even in those gloomy outfit you love so much, you're still beautiful in my eyes."
"Bakit ba...bakit mo ba sinasabi iyan? Wala iyan sa—"
"Tapos na ang kliyente-bodyguard contract natin, Jazzy. We're now girlfriend-boyfriend, remember? Kaya kung ako sa iyo..." He touched the tip of his nose with his finger. "You better get used to my praises."
Hindi siya sanay sa mga ganitong eksena. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin. All she could do was stare at his handsome face and let her heart screamed out of her chest. Dahil doon, sa wakas ay narinig niya ang sigaw ng kanyang puso. Wala siyang alam sa usaping pampuso pero sigurado siya kung para saan ang mga kaguluhang nararamdaman niya sa tuwing nasa malapit lang si Waki.
He had caught her heart off-guard.
"Waki, come on. Masyado mo na kaming sinasaktan niyan, eh."
Laking pasasalamat niya sa distraction na iyon. O dapat nga ba siyang magpasalamat? Tatlong babae ang lumapit sa kanila ngunit nakatutok lang sa binata ang pansin ng mga ito.
"Ikaw, ha? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob. Ang boring ng mga lalaki roon."
"Yeah, kaya nga kami lumabas na ng venue. Those men were worthless."
"Oo nga naman, Waki. Bakit kasi ngayon ka lang dumating?"
"Nagkaroon pa kasi kami ng aberya kaya ngayon lang kami dumating. By the way, Jazzy, ito nga pala sina Cel, Katie and Corrine. Kasamahan ko sa modelling agency. Girls, this is Jazzy." Maingat siya nitong inakbayan. "My girlfriend."
She felt that mushy feeling inside her heart once again. It felt good. My girlfriend, he said. Parang proud na proud ito na ipakilala siyang kasintahan nito. At hindi niya maiwasang mapangiti.
"Oh, come on, Waki. Kailan ka pa nag-announce na may girlfriend ka na sa mga tao?" tanong ni Corrine. "That's the reason why women love you. Dahil walang nagmamay-ari sa iyo. Why changed it so suddenly? Naipit ka ba? Sabihin mo lang." Binigyan siya nito ng mapang-uring tingin. "Tutulungan kitang makawala sa kinasangkutan mong problema."
Obviously, this one hates her. Well, tough luck. She doesn't care. Kung gusto nito si Waki, e di—
"Corrine, this is why I never announced my commitment to a woman before." Hinawakan na uli ni Waki ang kanyang kamay. "Dahil gusto kong kapag ipinakilala ko na ang babaeng iyon sa inyo, alam kong sigurado na akong siya na ang babaeng pakakasalan ko."
Gulat siyang napalingon dito. Kinindatan lang siya nito bago sila dahan-dahang naglakad papasok ng venue ng fashion show.
"Bakit mo sinabi iyon sa kanila?"
"Ang alin?"
"'Yung babaeng ipapakilala mo sa lahat ay ang babaeng pakakasalan mo na. I'm not your real girlfriend. I'm not even the woman you would want...to..."
"Kalimutan mo na iyon. Let's just enjoy the party."
Somehow, she did find herself enjoying the event. Sa bawat taong nakikipag-usap kay Waki ay hindi nito nakakalimutang ipakilala siya sa mga iyon. At gaya ng naging reaksyon ng tatlong babaeng una niyang nakita sa hallway ang reaksyon ng karamihan sa mga ito. Pero hindi tulad ni Corrine, agad tinanggap ng mga tao roon ang papel niya sa buhay ng binata.
Ito ang unang pagkakataon na lumabas siya sa kanyang lungga at nakisali sa inog ng mundo. Ayos naman pala na paminsan-minsan ay nakikihalubilo siya sa ibang tao. And felt really good about herself. Dahil karamihan sa mga babae roon ay pinupuri ang kanyang damit. Kaya nang saglit siyang iwan ni Waki upang kumuha ng maiinom nila ay hindi na siya nailang. Hanggang sa mangyari ang isang trahedya. Isang babae ang natalisod at nadapa ngunit bago ito tuluyang bumagsak sa sahig ay nahawakan pa nito ang kanyang palda. At dahil wrap-around lang iyon ay madaling natanggal. Nalantad sa lahat ang boxer shorts niyang may malalaking prints ng cartoon characters. Halos lumubog siya sa kahihiyan nang marinig niya agn malakas na tawanan na iyon ng mga tao. Hindi kasi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kaya nanatili lang siyang nakatayo roon.
"What's wrong with you, people?" malakas na sigaw ni Waki mula kung saan. Ilang sandali pa ay heto na nga sa harap niya ang binata at ibinalot sa mga hita niya ang hinubad nitong coat. "Its okay, Jazzy. I'm here."
Pagkatapos ay pinangko siya nito palabas ng venue. Naririnig pa niya ang palakpakan ng mga tao roon.
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...