"SAAN NA namang lupalop ng mundo tayo nito pupunta?"
"Sa langit," nakangiting wika ni Waki saka siya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan nito. "After you, my lady."
Subalit nanatiling lang siyang nakatayo at nakatingin dito. "Kaya kong magbukas ng pinto ng mag-isa."
"Alam ko. Pero hindi ko hahayaang magmukha na naman akong tanga sa harap ng ibang tao gaya noong nakaraang araw. Kunsabagay, tama naman sina Buwi at Kelly. You maybe my bodyguard but you're still a woman. I should treat you properly the way I treat the other women around me."
"Oh. Please. Don't. The last thing I wanted was for you to treat me like your women." Inagaw na niya rito ang pinto. "I can take care of myself."
Pumasok na siya ng sasakyan. Ilang sandali pa ay sumunod na rin si Waki. Umurong siya sa pinakadulo ng backseat. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang mga nangyayari sa kanya sa loob lang ng mga nakalipas na oras. Ni wala pa ngang isang buong araw silang magkasama pero kung ano-ano na ang mga natuklasan niyang kaguluhan sa kanyang nararamdaman sa tuwing magtatama ang mga mata nila nito.
"Jazzy, wala akong sakit. Bakit ang layo mo sa akin?"
"Ayoko lang kitang katabi."
"Paano kung may biglang kumidnap sa akin? Masasagip mo ba ako kung ilang milya ang layo mo sa akin?"
"Ang OA mo."
"Well, what if nga?"
She sighed. "Waki, we're inside your car. If you could just shut up and let us both rest for a while."
Hindi na ito sumagot. Sa wakas ay natahimik na rin ang daigdig nila. Isang beses pa siyang napabuntunghininga. Ngayon lang siya nagkaroon ng kliyenteng ganito kadaldal. Kung ito ang paraan nito ng pagganti sa kanya, well, he was succeeding. Sa loob lang kasi ng isang araw, nagawa na nitong painitin nang husto ang kanyang ulo at guluhin ang kanyang isipan. She looked outside the tinted window and watched the establishments and the people they passed by.
"I have a feeling things will get even worse tomorrow," sambit niya. "Or the next day. Waki, this can't be..."
Isang tulog na tulog na Waki na ang nalingunan niya. Nakayuko na ang ulo nito at mukhang hindi na nito nagawa pang ilagay sa tenga nito ang headphone ng Ipod nito. Napagod yata ito nang husto kanina dahil pagkatapos ng shooting ng commercial nito ay dumiretso agad sila sa photoshoot naman nito para sa nalalapit na pagbubukas ng bago nitong pelikula. At habang pinagmamasdan ang payapa nitong pagtulog, may kung anong kumawala sa puso niya. Natagpuan na lang niya ang kanyang sariling nilalapitan ito.
Napangiti na lang siya. "You looked like a tamed angel when you're sleeping like that, Joaquin Antonio."
Dinampot niya ang earphone nito at maingat sana iyong ilalagay sa tenga nito upang hindi ito maistorbo ng anomang ingay nang lumiko ang sasakyan nila. Nawala tuloy sa pagkakasandal nito ang binata at napasandal sa balikat niya. She had no choice but to support his body with her arms. Dahil kung hindi, baka sa sahig na ito ng sasakyan damputin. Her heart raced as she felt his hot breath against the side of her neck. Pakiramdam niya ay lalagnatin na siya nang mga sandaling iyon. Lalo na nang kumilos ito. Naramdaman kasi niyang mas lumapit pa ang mga labi nito sa kanyang leeg.
Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Her mind refused to work. Her whole body felt numb. Dumagdag pa sa kaguluhang iyon nang maalala niyang bigla ang sandaling halikan siya nito.
"Jazzy?"
Saka lang siya tila naalimpungatan nang marinig ang boses na iyon ni Waki. When she turned to him, she was greeted with the most handsome face she had ever seen in her entire life.
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...