NAGHIHINTAY NA si Jazzy sa gilid ng cinema house sa Gateway Mall. Late na ng dalawang minuto si Waki. Wala na ring tao sa labas ng mga sinehan kung saan magpi-premiere ang pelikulang panonoorin nila kaya wala na gaanong tao roon. And with a deep sigh, she started to walk away. Wala na siyang balak na maghintay pa roon ng isang minuto pa. Ngunit may humarang sa kanya.
"Going somewhere, Miss?"
Dumagundong ang tibok ng kanyang puso nang makita sa harapan niya ang napakakisig na si Waki. Hawak nito ang isang malaking paperbag ng popcorn. Pinigil niya ang sariling ma-distract ng mga ngiti nito.
"You're late. Kanina pa nag-umpisa—"
"Advance ng five minutes ang relo mo. My director friend just texted me the movie will start in about ten minutes."
"Mali-mali naman ang calculations mo."
"Ganon ba?" He grinned and pulled out something from behind him. A boquet of flowers. "Forgive me? Mahina kasi ako sa Math. Pero tanungin mo ako ng kahit na ano, ahm...sasagutin ko lahat iyon sa Spanish."
Napangiti siya pero agad din siyang pumormal. "Allergic ako sa mga bulaklak."
"Ganon ba?"
He looked so disappointed and it almost broke her heart. Marahas niyang kinuha rito ang mga bulaklak.
"Hahawakan ko na lang muna ang mga ito. Kapag nakahanap ako ng basura saka ko itatapon."
"Do as you like." Bumalik na ang sigla sa mga mata nito. "Basta ang importante, tinanggap mo. So...pumasok na tayo sa loob?"
Nauna na itong maglakad. Nagtaka pa siya na hindi siya nito hinawakan sa kamay gaya ng madalas nitong ginagawa kapag naglalakad silang magkasabay. Napansin yata nitong hindi siya sumusunod kaya binalikan siya nito.
"Is something wrong?"
Yes, there is something wrong! Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa iyo? Bakit hindi ko kayang iwasan ka? Bakit hindi ko kayang pigilan na...mahalin ka? At bakit hindi mo hinahawakan ang kamay ko?
"Jazzy."
"Nothing." Siya na tuloy ang nauna.
Subalit pagpasok na pagpasok niya sa may kadilimang movie theater ay naramdaman na niya ang pagbalot ng mainit na kamay nito sa kanyang kamay. He had held her hand again! And it just felt so good. Tiningnan niya ito ngunit may kung sino itong hinahanap. Marahil ay ang kaibigan nitong direktor. Hindi pa nga nagsisimula ang pelikula kaya bukas pa kahit paano ang mga ilaw doon. Napagmamasadan pa niya ito nang maigi. She really miss him.
Magdamag niyang pinag-isipan ang maaari niyang gawin para kalimutan ito. But the moment she saw him again, nakalimutan na niya ang mga gagawin niya. Ang naiwan ay ang damdamin niyang hindi na niya maikaila pa.
Mahal na niya ito.
"Waki, puwede ka ba naming ma-interview sandali?"
TV crew and photographers gathered around them. Pinagkaguluhan na sila ng mga reporters pati na rin ng ibang manonood doon na marahil ay fans ng binata dahil nag-umpisa ng magtilian ang mga ito.
"Teka lang, huwag ninyo kami masyadong siksikin. Baka tamaan ng camera si Jazzy." He had secured his arms around her. "Easy lang. Sasagutin ko ang mga tanong ninyo."
The moment na natapos si Waki sa sasabihin nito ay nagsunod-sunod na ang tanong dito.
"Is it true you're planning a wedding next month?"
"Buntis na raw ba ang girlfriend mo kaya kayo magpapakasal agad?"
"Ilang buwan na ang ipinagdadadalang tao niya?"
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...