NAGTAKA SI Jazzy nang maabutang nagkakagulo ang mga tauhan nila sa agency. Hindi magkandaugaga ang mga agents nila, office personnel pati na ang tatlong security guards sa pagdampot ng napakaraming pagkain sa mesa.
"Anong meron?" tanong niya.
"Ma'm! Kain kayo!"
"George?" Bakit naroon ang driver ni Waki? "Anong ginagawa mo rito? Nasaan si—"
"Hello, Miss."
Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib nang marinig mula sa likuran niya ang pamilyar na boses na iyon ni Waki. Lumayo muna siya rito nang lingunin niya ito. May hawak itong plato na punong-puno rin ng pagkain.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Naisip ko lang na i-treat ka dahil sa ginawa mo para sa akin kahapon. Kaya dinalhan kita ng pagkain dito sa opisina mo."
"Paano mong nalaman na nandito ang opisina ng Conan?"
"I asked your brother." He offered her a piece of lumpiang shanghai. "Masarap 'to."
"Oo nga, Ma'm!"
"Siyempre," pagmamalaki ni George. "Magaling talagang magluto ang boss ko."
Binalingan niya ang mga pagkain pagkatapos ay ang binata. "Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?"
"Hindi. 'Yung kanin lang."
"Maniwala kayo sa akin, Ma'm," singit uli ni George. "Kahapon pa naghahanda iyan si Sir Waki. Siya ang nagluto ng lahat ng ito."
"Akala ko ba may sakit ka kahapon?"
"Oo nga." He went to the table and picked up a piece of fried chicken. He offered it to her again. "Kaunting pahinga lang naman at nawawala na ang sakit ng ulo ko."
"Kaya nakapagluto ka."
"Medyo. Come on, let's eat. Baka maubusan ka na ng mga tauhan mo. Ang lalakas pa naman nilang kumain."
Nagtawanan lang ang mga tauhan niya. Relieved that Waki had recovered and feeling great that he had cooked these food for her, she joined in the little party.
"Subuan na kita, Jazzy," alok ni Waki na katabi niya sa upuan.
"Bakit?"
"Inalagaan mo ako kahapon. Ito na lang ang bawi ko sa iyo."
"Walang bayad ang tulong ko."
"Hindi naman ako nagbabayad. Tumatanaw lang ako ng utang na loob." He offered her his spoonful of rice and menudo. "Ah."
"Kumain ka na lang mag-isa riyan."
"Mas gusto kong pakainin ka. Ang payat mo kasi. Parang lagi kang kinukulang sa pagkain."
"Hindi ako payat. Fit ang tawag diyan."
"Payat iyan. O, eto na lang, fried chicken."
"Hindi ka rin makulit, ano?"
Tumawa lang ito. "Napaghahalataang hindi ka talaga sanay na binibigyan ng atensyon ng mga lalaki."
"None of your business."
"You have a rice here..." Waki had brushed the side of her lips with his thumb. "Meron din palang flaw si Miss Perfect."
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya hindi siya nakapag-react. And he was so close that she could almost breathed in his spicy masculine scent. He grinned. Nadale na naman ang tibok ng puso niya kaya lumayo na siya rito.
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...