Part 2

8.3K 262 2
                                    


"SO THIS is Calle Pogi," sambit ni Jazzy habang pinagmamasdan ang isang mahabang street na iyon mula sa kanyang sasakyan. "Wala namang mukhang espesyal sa lugar na ito. Ano ba ang nakita rito ni Kuya Bucho?"

Akala pa naman niya, ginto ang kalsada roon, mansyon ang mga bahay at miyembro ng dugong bughaw ng Britanya ang mga residente? Pero sa nakikita niya nang mga sandaling iyon, ordinaryong barangay lang naman ang Calle Pogi. Pati na ang mga ganapan doon gaya ng mga batang naglalaro sa kalsada, mga nanay o katulong na nagwawalis sa labas ng gate, mga asong naghaharutan at mga pusang nagkakalmuta. But the place was livable enough.

Isang grupo ng mga bata ang nakakuha ng kanyang atensyon.

"Magaling ang Ninong ko. Nung Pasko, binigyan niya ako baril-barilan tsaka esapada-espadahan!"

"Mas magaling ang Ninong ko! Nung birthday ko, binigyan niya ako ng mga books na may mga dinosaurs na malalaki. Tsaka mga colors na malalaki din!"

"Mas magaling ang Ninong ko! Nung birthday ko rin, binigyan niya ako ng red na sobre na may pera! Sabi ng Mama ko, puwede ko na daw bilhin ang SM nun!"

"Anong SM?"

"Ewan ko. Baka espa-espadahan din."

"Mas magaling sa lahat ang Ninong ko!" singit ng isa pang batang lalaki. Excited ipagmalaki ang sariling ninong. "Kasi nakikita siya lagi sa tv!"

Napatingin sa huling nagsalita ang mga kagrupo nito. "Ano naman ang magaling dun?"

Oo nga naman.

"Basta magaling siya! Kasi...kasi...ang mga ninong nyo wala sa tv!"

Tuluyan na itong pinagtulungang tuksuhin ng mga kalaro nito.

"E, ano nga ang magaling dun? Wala naman siyang binigay sa iyo, ah."

"Oo nga. Hindi magaling ang ninong mo. Mas magaling ang mga ninong namin."

"Magaling ang Ninong Waki ko!" buong giting pa ring pagtatanggol ng bata kahit mangiyak-ngiyak na ito dahil pinagtulungan na ito ng mga kalaro nito. "Guwapo pa ang Ninong ko!"

"Guwapo rin naman ang ninong namin, 'no? Lalo na ang Ninong ko. Magaling pa siyang doktor!"

"Pinakamagaling ang Ninong ko! Gusto nyo sampulan ko pa kayo ng itinuro niya sa akin na karate, eh." Bigla na lang nitong binigyan ng karate chop sa ulo ang katabi nito. "Hiiiyaaa!"

Ngumawa ang bata. Agad namang nag-sorry ang may kasalanan. Ngunit maingay ng nagpalahaw ang sinampulan nito. Nagkanya-kanya na ng sisihan ang mga bata.

"Mas magaling ang Ninong ko!" hindi pa rin tumitigil ang batang walang maipagmalaki sa ninong kundi ang pagiging sikat niyon sa telebisyon. Naiyak na rin ito dahil walang pumapansin. "Isusumbong ko kayo sa Nanay ko! Lagot kayo sa Ninong ko!"

Napailing na lang siya. "Maiiyak nito si Jose Rizal kapag nakita niya kung ano na ang nangyayari sa mga 'kabatang pag-asa ng bayan' niya."

Lumabas na siya at tinungo ang umpukan ng mga bata para maawat na ang mga ito bago pa magkasakitan. "Kids, tama na iyan. Magsiuwi na kayo at baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo."

"Isusumbong ko kayo sa Ninong ko!" Iyon lang at tumakbo na palayo ang isa sa mga ito na umiiyak.

Naiiling na lang niyang binalingan ang mga natitirang bata. "O, kayo? Ano pa ng hinihintay ninyo rito? Umuwi na rin kayo."

"Maglalaro pa po kami," wika ng nakasalaming batang babae. "At wala naman po kaming pasok ngayon sa school."

"Pakalat-kalat lang naman kayo sa kalsada. Sa ibang lugar kayo maglaro at baka masagasaan pa kayo rito ng mga sasakyan."

CALLE POGI #3: WAKI (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon