"MATT, SIGURADONG ayos lang ba si Spike? Hindi ba magiging delikado sa kalusugan niya ang pagkuha ng tae kwon do lessons? Paano kung bigla siyang atakihin ng hika? Naku, maloloka na talaga ako sa batang iyon. He just turned five for Pete's sake! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya."
"Yeah," nangingiting sagot lang ng butihing doktor sa natatarantang babae.
Ang mga ito ang nakasabay ni Jazzy patungong covered court ng Calle Pogi. Doon siya pinapapunta ng kanyang Kuya Bucho dahil may ibibigay daw ito sa kanya. Ayaw na nga sana niyang magpunta roon dahil alam niyang magkikita lang sila uli ni Waki. E masama pa ang loob niya pagkatapos ng mga nangyari kagabi.
They just kissed and he had left her! Sino ang hindi mabuburyong niyon? Kaya nang umagang iyon, she was in a really bad mood.
"Habang lumalaki ay nagiging matigas na ang ulo niya," patuloy ng babae. "I mean, tae kwon do is a dangerous sport! Bakit kailangang iyon pa ang kunin niyang sport samantalang meron namang swimming at basketball lessons na itinuturo sa gym tuwing Linggo."
"Yeah..."
"He's five years old! Ni hindi pa nga niya maisipa ng ilang inches ang paa niya tapos magta-tae kwon do na siya! Nakakainis talaga minsan ang mga batang iyon. Hindi na masaway sa sobrang tigas ng mga ulo!"
"Yeah..."
"Matt, namumutla ka, ah. Are you okay?"
"Yeah..." Nang sasalatin na ng babae ang noo nito ay bigla na lang itong tila nataranta. "I've forgotten to brush my teeth!"
"Ha?"
"Kaya ako namumutla kasi nakalimutan kong magkutsilyo—I mean, maggantsilyo."
"Matt...?"
"I have to go back to my house. Mangmamatsing pa ako."
Nagmamadali ng umalis ang lalaki bago pa man makasagot ang babaeng iniwan nito. "Pero dito ang daan pabalik ng bahay mo...and won't you mean, magsesepilyo?"
Nilapitan niya ito. "Ganito na yata talaga ang kapalaran nating mga babae. Ang iwan ng mga lalaki sa gitna ng ewan."
"Oo nga, eh. Ang weird talaga minsan ni Matt." Kakamot-kamot na lang ito ng ulo nang balingan siya. "Uy, hindi ba't ikaw 'yung girlfriend ni Waki?"
"Naku, ha? Huwag na huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng lalaking iyon at pinagpapawisan ang kilikili ko."
"Break na kayo?"
"Ni hindi pa nga nagiging kami."
"Ha? Ang gulo naman yata. Ang sabi sa diyaryo..." Narinig ang malakas na ingay na nagmumula sa direksyon ng gym. "Oh, no! Spike!"
Mabilis itong tumakbo. Nadagdagan na naman ang sama ng loob niya nang magpatuloy sa paglalakad. She took her time walking towards the gym. At muling nagpaikot-ikot sa isip niya ang mga pangyayari sa premier night noong nakaraang gabi.
"Ang sabi pa ng ungas, I'll call you later." Kumibot-kibot ang kanyang mga labi. "Hmp! Hindi naman pala! Buwisit! Naku, pag nakita lang kita ngayon, Waki, wawakwakin ko na iyang kaguwapuhan mo talaga!"
Dalawang babae naman ang naabutan niyang nagkukuwentuhan. Balak sana niyang lagpasan ang mga ito nang marinig niya ang pangalan ni Waki.
"Napanood mo ba kagabi ang balita? May girlfriend na si Waki baby ko! I want to dead na!"
"Oh, sure. Go ahead and make my day."
"Jean April, hindi mo man lang ba ako dadamayan sa kasawian ko?" Iniladlad pa nito ang pamaymay na may mukha ng binata. Mukhang promotional material iyon para sa bottled water na in-indorse ni Waki. "Waki broke my heart. but I still love him. Kahit anong mangyari, ako pa rin ang magiging loyalest fan niya hanggang sa ma-realize niyang ako ang babaeng nararapat para sa kanya."
"Asaness."
"Jean April, ano ka ba?"
"E, kasi naman, Magdallaine, ang OA mo na, ang korni mo pa. Pinakyaw mo na ang kapraningan ng buong Pilipinas, eh. Magtino ka nga. Naturingan ka pa namang teacher." Inagaw nito sa kaibigan ang hawak nitong pamaymay saka iyon basta na lang itinapon sa isang bakurang nadaanan nila. "Magpaalam ka na sa iyong minumutya. Mag-aasawa na iyon."
"Hindi! Waki beyb—"
"Hoy! Sino ang walang modong nagtapon ng basura sa bakuran ko? Kung kayo kaya ang tambakan ko ng kaso para magtino kayo?"
Si Makisig ang lumabas mula sa gate. Napatingin ito sa kanya. "Jazzy, what are you still doing here?"
"Bakit?"
"Kanina pa nagbubugbugan sa gym ang kuya mo at si Waki."
"What?!"
"Si Waki baby ko? Syet!" Nagmamadali ng tumakbo si Magdallaine patungong gym kung saan patuloy din ang pag-iingay na iyon.
Bago siya makalayo ay narinig pa niya ang pagtili ng babaeng iniwan ng kaibigan nito.
"Macmac?!"
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...