"TAMA NA iyan, Jazzy. Lasing ka na."
"Pabayaan mo ako. Gusto kong makalimot sa kahihiyang inabot ko kanina sa harap ng mga taong iyon." Tinungga niya ang laman ng kanyang baso saka muling nagsalin. "Hindi mo alam kung gaano kalaking kahihiyan ang nangyari sa akin. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas nito. Pakiramdam ko, wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao."
"Huwag mo na lang intindihin ang sasabihin nila. Lahat naman ng tao may kanya-kanyang nakakahiyang karanasan sa buhay."
"Hindi ako." Isang beses pa niyang nilagok ang kanyang alak. Nararamdaman na niya ang epekto iniinom niya pero wala pa siyang balak na tigilan iyon. "Dahil kahit kailan, siguradong hindi mangyayari kay Kuya Bucho ang nangyari sa akin kanina. Ano na lang ang sasabihin ng kuya ko kapag nalaman niya ito?"
"Ano ba sa tingin mo ang sasabihin niya?"
Umiling siya upang kahit paano ay maalis ang agiw sa kanyang isipan. Gandang-ganda kasi siya sa mukha ni Waki at pinipigilan niya ang sariling haplusin ang mukhang iyon.
"Walang sasabihin si Kuya, siyempre," wika niya. "Pero alam kong madi-disappoint siya sa akin. Dapat talaga, hindi na lang ako umalis sa opisina. Dapat hindi ko na lang siya sinundan sa Calle Pogi gaya ng inutos niya. Para hindi na nangyari sa akin ito."
"Kung hindi mo siya sinuway...hindi rin tayo magkakakilala."
"Kunsabagay." Uminom pa uli siya. "Buong buhay ko, wala na akong gusto kundi ang maging katulad ni Kuya Bucho. Naging malakas ako at matalino dahil sa kanya. Sabi kasi ng mga magulang namin, dapat lagi ko siyang gayahin. Dapat lagi kong tinitingnan ang mga ginagawa niya dahil iyon ang tama at makakabuti para sa akin. Sinunod ko ang lahat ng iyon. Tama naman kasi sina Mama. Kaya lang, my brother disappointed me. Iniwan niya ako. Iniwan niya ang lahat ng bagay na iningatan ko para sa kanya. Ang agency, ang pagiging FBI niya, ang kasikatan. Lahat ng iyon, binalewala niya para lang mamuhay ng simple sa isang simpleng komunidad sa probinsya pa. Alam mo ba, nang mawala siya sa paningin ko, parang nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil lahat ng plano ko sa buhay, lahat ng gusto kong gawin, nakasalalay sa kanya. Ngayon, wala na. I don't know where I am, I don't know where to start again."
Ngayon lang niya napagtutuunan ng pansin ang lahat ng iyon kung kailan lubog sa kahihiyan ang pagkatao niya at lango sa alak ang isip niya. Ibang klase rin naman talaga ang mga tao kung minsan.
"You don't have to start again, Jazzy. All you have to do was move on. At kung hindi mo naman alam kung nasaan ka na ngayon, balikan mo lang 'yung pinanggalingan mo at malalaman mo na uli kung saan ka pupunta."
Ipinatong niya sa bar counter ang kanyang braso. "Hindi ko naintindihan ang sinabi mo."
"You have your own road to take. You've been living under the shadow of your brother for far too long now. Don't you think its about time you start living on your own? Malaki ang mundo, Jazzy. Maraming bagay ka pang matutuklasan kung lalayo ka sa anino ng kuya mo."
"Start taking my own road?" Tinitigan niya ang laman ng kanyang baso. "Hindi ko alam kung paano iyan."
"Leave the agency. Find a new job. Make your own life."
"Easy for you to say."
"It is easy if you're willing to do it."
Napabuntunghininga na lang siya. "Ewan ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang gagawin ko. siguro...magpapakalasing na muna ako para makalimutan ang nangyari kanina. One at a time kumbaga."
"Don't mind them. Makakalimutan din nila iyon."
Nilingon niya ito. "Ganyan ka ba talaga, Waki? Kung magsalita ka, parang napakadali sa iyo ng lahat."
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...