Part 3

8.6K 218 2
                                    


NAKATAYO LANG si Jazzy ilang metro sa hospital bed na kinauupuan ni Waki habang inaasikaso ito ng doktor. Nahilo lang ito kanina matapos niya itong ibalibag at ngayon ay naka-recover na rin ito. Pero mukhang hindi na makaka-recover pa ang mood nito. He had been in a very bad mood since came to his senses a few minutes ago. Ilang beses itong napalingon sa direksyon niya upang bigyan siya ng masamang tingin. On her part, ipinakita rin niya ritong malaki rin ang naging kasalanan nito sa kanya.

Dahil ninakawan siya nito ng halik! Kung hindi lang ito kakilala ng kuya niya, baka sa morgue na ito dinampot at hindi sa emergency room.

"Wala ka namang malalang pinsala maliban sa mga galos mo sa braso at likod, Mr. Antonio," wika ng doktor. "Your wounds will heal in a few days or so. Basta ingatan mo lang na hindi masangga o mabasa habang sariwa pa iyan."

Tumango lang ito at walang imik na isa-isang isinara ang butones ng polo nito. Nang matigilan ito. When he turned to her, he motioned that she came to him with his forefinger.

Lumapit naman siya. "Bakit?"

"Buttoned it for me." He leaned back, showing her his exposed chest. Tumikhim ang doktor at tahimik na nagpaalam. "Masakit pa ang mga sugat ko kaya hindi pa ako makakilos ng maayos."

"Wala kang sugat sa kamay."

"But my wounds are still killing me. Since it was your fault that I had to suffer like this, buttoned my shirt for me."

Batid niyang gumaganti lang ito. Para sa isang gaya nitong punung-puno ng kayabangan ang katawan, isang malaking dagok sa ego nito ang ginawa niya rito kanina. Gusto niyang mangatwiran. Ngunit inaalala pa rin niya ang sasabihin ng kuya niya kapag sinabi ng ugok na ito na hindi niya ito inasikaso gaya ng ibinilin nito sa kanya. Kaya sa kabila ng pagtutol ng sarili niyang kunsensiya, napilitan siyang gawin ang ipinapagawa nito. Isa-isa niyang isinara ang butones ng damit nito.

"Hindi ko pa nakukuha ang pangalan mo," wika nito.

"Kim Jaze," walang emosyon niyang sagot.

"Wala ka bang nickname?"

"Jazzy."

"Jazzy. That's too girlish for someone so tough. Hindi ka ba naiilang na ganon ang nickname mo?"

"I don't mind."

"Dapat ang itawag sa iyo, kung hindi Totoy Siga e Boy Praning. Parang mas bagay kasi sa image mo ang ganong pangalan."

Hindi na niya ito pinansin. Batid niyang sinusubukan lang nitong painitin ang ulo niya sa mga patutsada nito. Pero tama na ang isang beses siyang nawala sa kanyang composure. Ang hindi lang niya matagalan ay ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya nang mga sandaling iyon. Hindi pa nito inalis sa kanya ang atensyon nito mula nang umpisahan niyang ibutones ang damit nito. Pakiramdam niya, sinusubukan nitong malaman ang iniisip niya at iyon ang ayaw niya. She was the second best private detective in the country. Kung malalaman ng sinoman ang iniisip niya o nararamdaman sa isang pagkakataon, siguradong hindi magtatagumpay ang misyon niya.

Pero wala naman siyang misyon nang mga sandaling iyon at hindi isang kliyente ang lalaking ito. Ngunit bakit sobra ang ginagawa niyang pag-iingat sa harap nito? Kumilos ito at umayos ng upo. At dahil hindi pa tapos ang pagbubutones siya sa polo nito, naging napakalapit ng pagitan nilang dalawa. Sa ikalawang pagkakataon ng araw na iyon, hindi niya nagawang makakilos agad nang iyakap nito sa kanyang beywang ang mga braso nito at nakangiting tumingala sa kanya.

"You've messed with the wrong man, Jazzy. Mabait akong tao pero hindi ko mapapalampas ang ginawa mo sa akin kanina sa Calle Pogi. Mapapatawad pa sana kita kung sa tagong lugar mo ako ibinalibag. Pero sa gitna ng kalyeng iyon?" Napalatak ito habng umiiling. "You almost ruined my reputation. Mabuti na lang at walang naliligaw na reporter sa Calle Pogi dahil kung hindi...hmmm, mag-iisip pa ako ng puwede kong gawin sa iyo."

CALLE POGI #3: WAKI (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon