"O, ANONG nangyari?"
Nagkibit balikat lang si Waki saka ibinalik sa cradle ang cordless phone ni Bucho. Gaya niya ay nakasalampak sa carpeted floor sina Buwi, Haru, Ryu, Matt, Sage, Makisig, Lian at Drei.
Napakunot ang kanyang noo nang makita ang siyam na canned beer sa gitna ng mga ito at isang shotglass. "Bakit nga pala nandito kayo? Anong meron?"
"Nagpatawag ng meeting si Bucho," sagot ni Sage. "Emergency daw."
"E, bakit dito kayo sa bahay niya? Doon kayo dapat sa barangay hall. Istorbo lang kayo sa pag-uusapan namin ni Bucho. At bakit may mga beer pa kung emergency ang pag-uusapan?"
"Gusto namin dito mag-meeting at gusto naming magsama ng beer. Wala ka ng pakialam dun."
Kanya-kanya ng dampot ang mga ito ng canned beer pagkatapos. Si Haru ang kumuha sa shot glass at doon isinalin ang inumin nito.
Nanggigigil na lang niyang kinamot ang ulo. "Pambihira naman kayo! Importante rin ang araw na ito sa akin. This is a matter of life and death!"
"Tamang-tama," singit ni Haru pagkatapos lagukin ang laman ng shotglass. "Tutal nandito na rin kami, tutulungan ka na namin kay Jazzy." Ibinagsak nito sa harap niya ang ilang piraso ng papel. "Iyan ang mga impormasyon tungkol kay Jazzy na pinaghirapan naming i-compile ni Bucho. Ingatan mo iyan."
Tinitigan niya ang mga papel pagkatapos ay ang mga kaibigan slash kumpadre slas kapitbahay naman niya ang kanyang binalingan. Napapangiti lang ang mga ito bago nagkanya-kanya ng lagok sa kanilang inumin. Kung ganon, hindi totoong may meeting na ipinatawag ang kanilang barangay captain. Inipon ang mga ito roon ni Bucho para tulungan siya. Napangiti na lang din siya.
"Salama—"
"Patingin nga." Naunahan siya ni Lian na madampot ang mga iyon. Adjusting his eyeglasses, tumatango-tango pa ito habang binabasa ang mga nakasulat doon. "Hmm...uh-huh...hmm...yes..."
"Anong sabi?"
"You're not her type." Gusto na niyang suntukin si Lian kung nagkataong wala lang aawat sa kanya. "And she hates showbiz. In short, basted ka na, kumpadre."
"Katayin kaya kita riyan?"
"Hey, I was just telling you the truth. Hayan, basahin mo."
Binasa niya. Parang mas lalo pang nangati ang kamao niya na masuntok si Lian dahil totoo ang mga sinabi nito. Mahina siyang napamura. Pinagpasa-pasahan ng mga kaibigan niya ang mga papel na iyon at pareho lang lahat ang reaskyon ng mga ito.
"Condolence, pare."
"Kung depressed ka, Waki, marami akong kilalang magagaling na psychiatrist. Anong gusto mo, lalaki o babae? Matanda o bata?"
"Akong bahala sa pagpapalibing sa puso mo," wika ng bankerong si Ryu. "Pero dun ka lang dapat sa apartment-type tutal maliit lang naman iyang puso mo. Tsaka kailangan mong mapagka-low profile para hindi ka pag-interesan ng mga magnanakaw sa sementeryo."
"Hoy, Mr. Low Profile, baka gusto mong ikaw ang ipalibing ko ng buhay?" asar na talaga siya. Lalo na nang magtawanan pa ang mga ito. "Wala naman kayong mga kwenta. Magsiuwi na nga lang kayo. Wala naman kayong maitutulong sa pakikibaka ko."
"Sige, makiki-kambing na lang kami sa iyo," nakangising biro ni Sage. "Anong gusto mong flavor? Vanilla o strawberry?"
"Shut up!"
"Shut up it is." He motioned to strangle the man beside her. Inilabas nitong bigla ang maliit na notebook sa bulsa ng pantalon nito. "Hep! Hindi mo pa ako puwedeng patayin. May isang buwan ka pang bill sa Sweet Sage na hindi mo pa nababayaran."
BINABASA MO ANG
CALLE POGI #3: WAKI (completed)
RomanceLumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya...