Part 5

7.2K 206 0
                                    

NAGISING SI Jazzy sa usapang iyon. Subalit hindi siya kumilos o nagmulat ng mga mata habang hinihintay na tuluyang magising ang utak niya. Gusto muna niyang malaman kung ano mga nangyayari sa paligid niya. Lalo na ngayon na meydo hilo pa siya.

"Grabe naman pala iyang kapatid mo, Bucho. Kriminal yata iyan, eh. Dalawang beses na akong nadadala sa ospital nang dahil sa kanya."

"Ikaw naman kasi, Waki, lapit ka ng lapit kay Jazzy. Sinabihan ka na pala ni Bucho dati na layuan mo siya. Iyan tuloy ang inabot mo ngayon."

"Anong magagawa ko kung babe-magnate talaga ako? Siya ang lumalapit sa akiin."

"Lumalayo ka ba? Mukhang hindi naman."

"Bucho, type yata ni Waki boy ang kapatid mo."

"Kung okay lang ba sa kanya na maya't mayang nadadala sa ospital, wala na rin akong tutol."

"O, hayan, Waki. May basbas ka na ng kuya. Ang lakas ng backer mo, ha?"

"Tumahimik nga kayo at baka saksakin ko kayo nitong seringhilya."

Nagtawanan lamang ang grupo ng mga lalaking naririnig niya. Base sa naririnig niya, nasa ospital siya ngayon at kasama sa iisang kuwarto si Waki at ang mga kaibigan nito pati na ang kanyang kuya.

"Pero ang galing ng kapatid mong iyan, Bucho, ha? Napatumba niya ng ganon-ganon na lang si Waki? Hanep!"

"Hindi lang si Waki ang kaya niyang patumbahin."

Napasipol ang mga ito. Lihim naman siyang napapangiti. Ang papuri ng kanyang kuya ang tanging bagay na nakakapagpalubag sa loob niya.

"Nakatalikod lang ako kaya ako nawalan ng malay nang batuhin niya ako ng bato," boses uli iyon ni Waki. "Pero kung nakaharap lang ako—"

"Meron ka ng tatak ng pagkakasuri ngayon sa noo."

Nagtawanan uli ang mga lalaki. Narinig naman niyang malakas na napasinghap si Waki.

"Damn it! Ang sama talaga ng tama ko." Dinugtungan pa nito iyon ng mahinang pagmumura. "Bucho, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, gaganti ako sa kapatid mo."

"Malaki ka na kaya alam kong alam mo na kung ano ang gagawin mo."

"Huwag ganyan, Bucho. Baka gahasain ni Waki ang kapatid mo, sige ka."

"Okay lang. Kung kaya niyang lumapit kay Kim Jaze—ah, wait, nakalapit na nga pala sa siya nung halikan niya ang kapatid ko."

Napuno na ng tuksuhan ang buong silid. Siya naman ay nagrerebeld na talaga ang kalooban. Hindi kasi niya maiwasang bumalik sa kanyang alaala ang araw na nawala siya sa sarili kaya siya nahalikan ni Waki. And the moment that scene flashed through her mind, so does the warm feeling with having his soft lips touched hers. Almost touched her own lips. Nag-init ang kanyang mga pisngi kaya napabalikwas siya ng bangon sa kama. Doon lang niya nakita bukod sa kanyang kuya, naroon din ang dalawang lalaking unang lumapit kay Waki nang mawalan ito ng malay kanina. Ang isa pa ay nakatayo at nakasandal sa haligi ng silid na iyon habang nakahalukipkip habang nagbubuklat naman ng mga magazine ang lalaking nakasalamin sa tabi ng kuya niya. Subalit mas natuon ang atensyon niya kay Waki. Nakaupo na ito at nakasandal sa headboard ng kama. May pasal ng isang buong mansanas ang bibig nito at may benda sa ulo.

The guy could still look sexier even with all that bandage? Argh! The world is so unfair sometimes.

Tinanggal nito ang kagat-kagat na prutas. "Mabuti naman at gising ka na. Siya nga pala, these are my friends and kumpadres. Drei, Ryu, Lian and Makisig, who will be my lawyer."

"I am?" tanong ng lalaking nakasandal sa pader. "What do you need a lawyer for?"

"Bucho, pasensiya na pero kailangan kong gawin ito." Tumango lang ang kuya niya. "I'll sue her. And then since magaling ka naman, Makisig, you can send her to jail as well. If you don't mind."

Ano raw? He'll sue her? Kahit halos alam na niya ang patutunguhan ng usapang iyon, nagawa pa rin niyang magtanong.

"Bakit mo ako ipapakulong? Anong kasalanan ko sa iyio?"

"Hindi pa ba obvious? Kaya nga nandito ako ngayon sa ospital, for the second time, ay dahil sa iyo. Dalawang beses mo na akong ipinapahamak at kailangan ko ng gumawa ng mga hakbang laban sa iyo. Umaabuso ka na por que alam mong hindi ako pumapatol sa mga babae."

"What the heck are you talking about? you can't send me to jail—"

"I can. Makisig here is the best damn lawyer in the country. Hinding-hindi ako matatalo sa korte. Kaya kung ako sa iyo, maghanda-handa ka na ng mga damit mo dahil matatagalan ka sigurado sa pagkakabakasyon mo sa loob ng selda."

Hindi na siya makapag-react. Sa binata nga naman ang lahat ng ebidensya ng naging kasalanan niya rito. Idagdag pa na may witness na rin ito ngayon.

"Waki, masyado ka yatang malupit ngayon," wika ni Lian. "Come on, that's just a mere scratch."

"Mere scatch? My skull was almost shattered because of that freakin' stone she threw at me!"

"Okay, wala na akong sinabi."

"Para ka namang hindi lalaki," wika niya. "Kaunting sugat lang, umiiyak ka na."

Matalim na ang ibinigay na tingin nito sa kanya. Pero wala pa rin siyang pakialam. Kung may abogado itong magaling, meron din siyang makukuhang magaling na abogado. Marami kasi silang naging kliyente sa Agency at lahat ng iyon ay siguradong tutulungan siya sa pipitsuging kaso na isasampa ni Waki. Ngunit hindi pala ganon kadali ang lahat. Lalo na nang magsalita na ang nakatatanda niyang kapatid.

"Kim Jaze, pinagbabawalan kitang gamitin ang mga lawyers natin sa agency."

Napatingin lang siya rito. "Pero, Kuya, bakit...?"

"You have to take full responsibility of what happened to Waki. Kahit tama pa ang dahilan mo, mali pa rin na mananakit ka ng tao para lang makaganti. Waki, don't sue. Pag-usapan na lang ninyo ni Kim Jaze kung paano ninyo mareresolba ang problemang ito."

Gusto niyang tumutol. Gusto niyang magsalita at ipagtanggol ang kanyang sarili. At tila iyon din ang inaabangan ng mga lalaki dahil nakamasid lang ang mga ito sa kanya. Pero walang anomang narinig ang mga ito. Dahil nagsalita na ang kuya niya.

"I'm sorry," paumanhin niyang nakakuyom ang kanyang mga palad. "Hindi na uli ito mauulit."

"Nag-expire na ang pagkakataon mong mag-sorry," sagot ni Waki habang ngumunguya ng mansanas. "Ngayon ang gusto ko na lang ay maturuan ka ng leksyon."

"Okay."

Katahimikan. Marahil ay hindi inaasahan ng mga ito ang naging kasagutan niya. Nagpatuloy si Waki. Mukhang ito lang ang manhid sa grupo ng mga ito.

"Ang sabi ni Bucho magaling ka raw, lalo na sa pagiging bodyguard. Ngayon, gusto kong ikaw ang maging bodyguard ko. Sa loob lang naman ng isang buwan. After that...hmm, pag-iisipan ko kung patatawarin na kita."

"You're too conceited, Joaquin," naiiling na wika ni Ryu.

"Hey, ako ang naagrabyado rito. Kaya dapat lang na sa akin pumanig ang batas."

"Sira ulo ka kamo."

"Alam mo, Ryu, huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ako magkakagusto kay Jazzy. She's just not my type."

"Joaquin," nagbabanta na ang boses ng kanyang kuya. "Kung pumapanig man ako sa plano, hindi pa rin iyon sapat para magkaroon ka ng karapatang magsalita ng ganyan sa harap ko patungkol sa kapatid ko."

"Okay. Sorry, Bucho." Doon lang siya nilingon ni Waki. He had a satisfied smile on his face. "I'll see you on Monday, Miss.  

CALLE POGI #3: WAKI (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon