Part 7

7.1K 200 1
                                    


NAKAMASID LANG si Jazzy mula sa malayo habang nasa kasagsagan ng pagsu-shooting para sa isang commercial ng men's cologne si Waki. Simpleng white shirt at faded jeans ang suot nito kanina. Napaka-laid back nitong tingnan kaya parang ang dali nitong lapitan. Pero ngayon, sa harap ng mga camera at liwanag ng iba't ibang kulay ng ilaw, tila biglang nagkaroon ng ibang pagkatao si Waki. He was now THE Waki Antonio the people of the Philippines adored and the women population lust after.

Napataas ang isa niyang kilay. Lust after, huh. Sa ginawa kasi niyang pag-iimbestiga sa mga tao ng Calle Pogi, ang profile ni Waki ang madalas makapagpataas ng kanyang mga kilay. Sa lahat kasi ng mga residente ng naturalng lugar, ang buhay ni Waki ang pinaka-open. From his lovelife to his personal life. Parang wala na itong itinatago pa. And he seems fine with it. He loves the limelight that's for sure. Pero naisip din niya, totoo nga kaya na ayos lang dito na alam ng buong Pilipinas ang buhay nito? O kung wala na itong sikretong itinatago?

Habang patuloy niya itong pinagmamasdan nang mga sandaling iyon na pinagkakaguluhan ng mga naggagandahan at nagseseksihan nitong mga kapwa modelo ayon sa script, parang mas nagiging curious siya sa pagkatao nito.

Hay naku, Jazzy, iyan ang iwasan mo. Didn't you know the saying, 'curiosity kills the cat'?

But then, it was her mind that would stop thinking about him. Because there was just something in him that was really making her want to know what was beneath all that fame and handsome face.

"Cut!" sigaw ng direktor. "Okay, that's a wrap, people!"

Tapos na ang shooting. Ngunit tila hindi pa tapos ang panggigigil kay Waki ng mga kasamahan nitong modelong babae.

"Waki, may gagawin ka ba mamaya? Labas naman tayo."

"Oo nga. Let's have a party. Matagal-tagal ka na ring hindi nakakasama sa amin, ah."

"Lagi mo na lang kaming ipinagpapalit sa ibang babae. Nagtatampo na kami."

"Come on, girls. Hindi ko kayo ipinagpapalit sa kahit na sinong babae. Medyo busy lang ako sa mga shooting ng pelikula kaya hindi na ako nakakasama sa inyo."

"Hmp! Dapat talaga naging modelo ka na lang imbes na artista. Ang cheap kaya ng mga artista. Walang mga tastes."

Kanya-kanya ng reklamo ang mga babae habang ngiti lang ang isinasagot ni Waki. Nang mapadako ang tingin nito sa direksyon niya.

"Excuse me, girls." Lumapit ito sa kanya. "Kanina ka pa nakatayo rito, ah. Bakit hindi ka kaya muna umupo?"

"I'm on duty. Hindi ako puwedeng magpabaya."

"Ako ang napapagod sa ginagawa mo."

"Sanay na ako."

Napakamot na lang ito ng ulo. "Ano ba ang ipinakain sa iyo ni Bucho at naging ganyan ka? Daig mo pa ang robot."

"That's hardly your business. Sinabi ko na sa iyo—"

"I know, I know. Kliyente ako, bodyguard kita at hanggang doon lang dapat ang pinag-usapan natin." Naupo ito sa isang silya roon at kinuha ang bottled water sa loob ng backpack nito. Ubos na ang tubig nito.

"Ikukuha kita ng maiinom."

"Iiwan mo ako rito? Akala ko ba bodyguard kita?"

"Ikukuha nga lang kita ng tubig. Kung ayaw mo e di huwag."

Tumayo na ito at naglakad palabas ng studio. "May vending machine sa hallway doon sa kabilang wing nitong building."

Sumunod siya. "Bakit hindi ka kumuha ng personal assistant? Para may mauutusan ka kung may kailangan ka."

"I don't need to. Kaya ko namang kunin ang mga gusto ko ng mag-isa. Anyway, dahil doon ay nagkakaroon ako ng excuse na makawala sa mga tagahanga ko at makagala. Plus, it keeps my body fit."

Ibang klase rin ang celebrity na ito. Walang PA, walang bodyguard. "Ngayon ka lang ba nagka-bodyguard?"

"Oo. Hindi ko gusto ang laging may nakabuntot sa lahat ng kilos ko."

"Kung ganon bakit mo ako kinuhang bodyguard?"

"Well, besides the fact na gusto kong makaganti sa mga ginawa mo sa akin..." Sinulyapan siya nito habang patuloy silang naglalakad. "Gusto ko lang din na sinusundan-sundan mo ako. Masarap pala ang feeling."

Kung hindi lang siya nagagandahan sa mga mata nito, dinukot na niya iyon sa sobrang iritasyon. Naistorbo na kasi siya sa totoo niyang trabaho, pinagti-trip-an lang pa siya nito. Tama pala siya ng hinala noong una pa lang. Wala itong balak na pagbayarin siya sa mga naging kasalanan niya rito. Gusto lang nitong makaganti. Napa-tiim bagang lang siya. She could do this. Matitiis niya ito tutal naman, isang buwan lang ang usapan nila. Kailangan lang niya ng mahabang pasensiya.

"What do you want to have?" tanong nito nang makarating sila sa vending machine. "Diet Coke?"

"I'm fine," tinatamad niyang sagot. "Ikaw na lang."

"Okay."

She sighed and surveyed the place. May mangilan-ngilang tao roon, especially mga babae, ang napapalingon sa direksyon nila. Hindi maikakaila sa itsura ng mga ito na mga tagahanga rin ni Waki.

"Here." Isang canned drinks at nakabalot sa plastic na sandwich ang iniaabot nito nang maupo ito sa isang bench sa tabi ng vending machine. "Alam kong gutom ka na rin dahil hindi kita nakitang umalis sa puwesto mo kanina para kumain."

"Paano mong nalaman..."

"Tinitingnan kita." Binuksan nito ang canned drinks. Tatanggi pa sana siya nang muli itong magsalita. "Kumain ka. Kapag nahilo ka sa gutom, paano mong magagawa ng maayos ang pagiging bodyguard ko? Marami pa naman akong stalker. Maaatim ba ng—"

She took the sandwich and the canned drinks from him. Napilitan na rin siyang maupo sa tabi nito. "Masarap ba ito?"

"Siyempre naman. Ako yata ang gumawa niyan." Natigil siya sa pagsubo ng tinapay at tiningnan na lang iyon. "Walang lason iyan. Kung iniisip mo namang nilagyan ko iyan ng gayuma, huwag kang mag-alala. You're not my type so you're safe."

"Wala ka ring aalalahanin sa akin kung ganon." Kumagat na rin siya ng sandwich. "You're not my type either."

"Hindi ako naniniwala. Sabi ko naman sa iyo, kanina pa kita tinitingnan habang nagsu-shooting kami." He gave her his famous mouth-watering smile. "You never took your eyes off me."

Nginitian din niya ito. Ngiting aso nga lang. "That was my job. Kaya kung ako sa iyo, gumising ka sa kahibangan mo. Hindi lahat ng babae, ipinanganak para sambahin ka. I said it before and I'll say it again. You're not my type."

Ngunit imbes na mainsulto ay tila natuwa pa ito sa kanya. Dahil buong giting pa nitong kinagat ang sarili nitong sandwich sa harap niya. With their faces only a few inches away from each other. And she thought she felt her heart beat unusually faster as she continued to watch his handsome face watching her.

What?!

CALLE POGI #3: WAKI (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon