Kabanata 4

84 2 0
                                    

Biyernes... Normal na araw. Pinakamasaya para sa mga estudyanteng ang tingin sa paaralan ay isang lugar kung saan ang langit at lupa ay nagtatagpo. 

Ang lugar kung saan ang init at lamig ay naglalaban. Ang lugar kung saan ang balat at tinalupan ay naghihiwalay.

Masaya dahil ito ang huling araw ng bawat linggo na igugugol nila sa paaralan. Iyon ang unang rason. Ang ikalawa naman ay freeday ang biyernes kaya ito ang panahon kung kailan nagpapayabangan ang mga estudyante sa kanilang magagarang kasuotan.

 Kanya kanya silang porma. May mga pormang nakakatuwa meronn ring nakakatawa meron ok lang at merong hindi na dapat husgahan.

10:00 AM. Physical Education. Ang lahat ay pinapunta ng kanilang guro sa gymnasium. Excited ang lahat dahil pangalawa sa recess, P.E ang paborito nilang asignatura. 

Dalawang minutong paglalakad ang gugugulin upang makaabot sa gymnasium  mula sa room ng Grade 8 wisdom. Naabutan nila ang kanilang guro na inilabas ang dalawang basket ng bola ng basketball.

"Goooooood moooooooring siiiir!!" Syempre excited ang mga bata.

"Goood moorning class!! I see that you are all excited"

Matapos ang limang minutong lecture sa origin ng laro tungkol sa isang YMCA student na kumuha ng basket at ipinako ito sa itaas, hanggang sa ito ay dinala ng mga Amerikano sa Pilipinas upang magturo umano ng teamwork sa mga Pilipino. 

Mula sa isang laro na nagsimula sa dalawang basket hanggang sa isang sikat na event ngayon sa Olympic games at may sarili na ring world cup.

Matapos ang limang minuto, pinag bihis na ang lahat at itinuro an mga "basic movement and skills" sa basketball.

Ipinakita ng guro kung paano tumira ng jump shot at lay up, mag dribble at pumasa. Matapos ng demonstration ay pinakuha na sila ng kanya kanyang bola. 

Matapos ang mahigit sampung minutong pag papractice sa mga itinuro ay bumalik ang guro upang subukin kung natutunan ng mga bata ang tinuro.

"Ok guys its practicum time. The first to shoot 20 lay ups, 10 free throws and 5 three point can go home early. You will be given 30 attempts on lay up, 15 on free throw and 10 on three points".

"Sir?paano kung di namin ma meet yong pinapagawa mo??"

"Ok, those losers will remain in this place and make "50" successful perimeter shots or "30" three point shots if they want to have a score in this practicum and wise enough in thinking that he or she does not want any problem when the signing of clearance comes."

"Ohhhhh!

Ang kaninang pagkasabik ay napalitan ng kaba.

"Who wants to try first?"

"Sir!"

"Ok then Mr. de Juan" Pinili ni Juanito na mauna para maka uwi siya nang maaga.

Kinuha ni Juanito ang bola. Tumakbo mula sa itaas ng Free throw line at sa loob ng limang minuto ay natapos niya ang lahat ng lay-up na pinapagawa ng guro.

Naisablay niya ang unang dalawang tira sa freethrow at tatlo matapos ang kanyang ika sampung tira. Natapos niya ang free throw shot makalipas ang tatlong minuto. Hindi niya naipasok ang unang tatlong tira sa three points ngunit sa susunod na lima ay hindi na siya nagmintis.

Nagulat ang guro at ang mga kaklase sa ipinakita ni Juanito. Bago pa lamang ang guro sa paaralan kaya't hindi niya alam ang kakayanan ng bata sa nasabing laro pero unang tingin pa lamang sa katawan nito ay nasabi na niyang malakas ito. Hindi tulad ng ibang mga kaklase niya, alam ng guro na marunong itong maglaro. 

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon