Kabanata 11

65 1 0
                                    

"Announcement: the filing for candidacy for the Student Government starts July 21, 2014 – July 24,2014. The campaign period will start July 24, 2014. Please submit the following requirements to the COMSELEC office before the alloted time expires.

*Photocopy of recent report card

*Application form

*Certificate of good moral character

*Platform of government

*Proposals

-Ruil Villero (COMSELEC ADVISER)"

Maaga pang sumikat ang araw. May ngiti sa labi ng mga mag-aaral. May mga nilalang na hindi maitagong pagkasabik sa kung ano mang mangyayari sa araw na iyon at sa mga susunod pa. Ito rin ang panahon kung kailan ang mga susunod na henerasyon ng mga kurakot este... politiko ay hinuhubog.

Nagsisimula nang magpakita ng motibo si Noeh Morilla sa pamamagitan ng kanyang pamatay na ngiti. Siyempre ito namang mga babae na nangitian ay parang hinahabol ng isang batalyong bubuyog kung makatili.

Ito namang si Reuben Ceralbo, pasimple na ring iniisa-isa ang lahat ng mga sikat na mag-aaral upang sumama sa kanyang line-up.

Kung tatanungin ang lahat ng tumakbo, malamang ang sasabihin nila ay "upang makapaglingkod sa kapwa ko mag-aaral" (Weh....!!!). Isang sagot na parang nakapanlulumo marinig lalo pa't galing sa isang grade 10 student na hindi nga marunong maglaba ng sariling damit at magluto ng sariling pagkain.

Bakit nga ba sila pumapasok sa "Student Government"? Mataas kasi ang point non sa extra curricular. "Ohh diba two birds in one stone" ika nga. Sumikat ka na, may pagkakataon ka pang mag siga-sigaan, may dagdag pa na point para sa ranking. Pag nangyari yon may picture ka na sinasabitan ng parents mo ng medal na nabili sa halagang singkwenta pesos.

Nakaupo si Katrin sa kanyang upuan habang hinihintay si Binibining Abad. Normal na sana kung hindi lang lumapit si Ronnel at nakipag usap sa kanya.

Alam na ni Katrin ag pakay nito kaya't bago pa magsimulang magsalita ang binatilyo ay inunahan na niya ito.

"Hindi ako tatakbo kuya"

"Bakit naman? Sayang yong opportunity. Minsan ka lang magiging high school".

"Hindi ko feel ehh tsaka busy talaga."

"Sige na. Pag isipan mo iyan kailangan ka ng school..." Ganti naman ni Noeh habang patuloy ang pambobola at pangungumbinsi. Naiirita na rin si Katrin handa na sana niyang bulyawan ito at itaboy. Akma na siyang magsasalita at maglabas ng walang kapantay na pagmamaldita nang dumating ang hinihintay nilang guro.

Wala nang nagawa si Noeh kundi umalis na lamang.

Lumipas ang maghapon. Mahaba ang pila ng mga may balak kumandidato sa labas ng COMSELEC office. Ito ang pinaka abalang panahon ng taon para kay Ruil. Apat na taon na niyang hawak ang COMSELEC. Nasanay na siya sa mga proseso kaya't, hindi na naging mahirap ang pag-papasa ng mga requirements.

Maiging niyang sinusuri kung kumpleto ang mga dokumentong ibinibgay ng mga aplikante. Iniisa-isa bawat detalye. Natapos ang maghapon. May tatlong partidong nakapag-patala at limang independent candidates para sa mga senador. Natapos ang araw kasabay ng trabaho ng mga COMSELEC officials at volunteers. Ngunit simula pa lamang iyon ng kalbaryo hindi pa sila nangangalahati sa mga dapat nilang gawin.

Magbabantay pa sila kung sakali mang may mangyaring bilihan ng boto kung sakali man pero madalas wala naman silang nahuhuli. Hindi nga lang alam kung walang nahuhuli o sadya lang talagang hindi nagpapahuli.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon