Epilogo

274 4 3
                                    

Paubos na ang oras. Hawak ni Juanito ang bola. Parang hihimatayin ang regional director sa nakikita. Kalaban nila ang National Capital Region noon. 

Talagang ginulat nila ang buong Pilipinas sa ipinakita nila. Lamang ang NCR ng tatlumpung puntos bago pumasok ang 4rth quarter pero inunti-unti silang habulin nitong number 15. 

 Halos hindi sunod sunod na pumasok ang mga three point shot nito. Magaling syang mag dribble at mabilis kumilos. Kung hindi siya umiiskor siya naman ang gumagawa ng pagkakataon para maka score ang mga kasama niya. 

Hindi siya nilabas ng coach pero walang bahid ng pagkapagod sa batang ito. Nabansagan na nga siyang Motolite boy ng mga commentator ehh. Ang makadikit sa NCR ay isa nang accomplishment pero higit pa doon ang gusto nilang makuha. Marami ang humanga sa puso na taglay ng kuponan nila na iyon.

Isang puntos na lamang ang lamang ng kalaban at ang mabuting balita, hawak ni Juanito ang bola meron pang 13 segundo na natitira sa game clock nakita ni Juanito na libre si Jiro kaya bigla niyang ipinasa dito ang bola. 

Nasalo naman ito ni Jiro. Parang huminto ang oras sa Mall of Asia arena noong panahong yon. Ang tira na gagawin ni Jiro ang magde-decide kung sino ang mananalo. Naubos ang oras. Isang malakas na sigawan ang naghari sa pinaglalaruan nila. Niyakap ng mga taga NCR ang nakalaban nila. Nagpasalamat ito sa ibinigay na magandang laban. 

Hindi man sila nanalo masaya si Angelo dahil alam niyang ibinigay ng mga bata ang lahat ng kaya nilang ilabas. "Wala pang ga-graduate sa atin ngayon. Next year we'll be back with vengeance" "hahah si sir pag inspired tuloy tuloy ang english."

Magkahalo ang naramdaman ni Juanito. Muling bumalik ang mga alaala ng ina. Nakita ni Juanito ang ina. Alam niya na hindi totoo ang nakikita niya pero alam niyang nakita niya ang ina na nakangiti sa kanya.

Inakbayan ni Juanito sina Angelo at Katrin lumuluha nanaman ito ngayon hindi siya malungkot. Lumuluha siya dahil hindi na niya kayang maitago ang kaligayan at pasasalamat sa mga tao na muling bumuo ng kanyang pagkatao. Pumasok ang ama ni Juanito. Niyakap niya ito. Nakangiti ang lahat ng tao sa dug out.

Matapos ang pitong taon...

Nakaupo si Juanito kasama ang mga nangangarap na makapaglaro ng basketball sa antas ng pagiging professional. Isang pangarap na malapit na niyang makamit kung papalarin. Kung hindi man siya makuha sa PBA draft na ito handa na rin naman siyang gamitin ang mga napag aralan. Gusto niyang magturo sa isang high school. Magcocoach siya at gagamitin niya ang basketball para makatulong sa mga kabataan. "Hindi pa muna dapat pag isipan ang mga alternative. Be positive" sinabi ni Juanito sa sarili.

"For our second round third pick. Purefoods Star Hotdog picked..." katahimikan ang bumalot sa paligid "John Eric M. De Juan." Narinig ni Juanito ang matagal na niyang pinapanalangin at pinapangarap. Umakyat siya sa stage kasama ang unang mga natawag at ayon nagpa picture sa mga makakasama niya sa team. 

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na maglalagi sa larangan pero nagpapasalamat siya sa pagkakataon. Pagbaba sa stage sinalubong siya ng dating mga kasama sa LEIAS basketball at syempre kasama doon si Katrin. Karga ni Rizzalene ang anak nila ni Angelo. Tatlong taong gulang na ito at isa si Juanito sa mga ninong nito. Niyakap ni Juanito si Katrin kikiligin si Ronnel at babatukan nanaman ni Jiro.

May kanya-kanya nang buhay ang dating mga nakasama ni Juanito sa LEIAS basketball program. Si Ronnel, Jeffrey, Henry at Peter ay teacher na. Noong una hindi makapaniwala ang lahat noong nag enrol ng BS Education major in English si Ronnel sadyang maraming twist ang talaga ang pwedeng mangyari sa buhay ng tao. 

Hindi man sila makapaniwala pero ito na si Ronnel nagpapatuloy at nagpaplano nanamang kumuha ng Masters degree in literature. Si Gabriel naman ay nagbabalak sumunod sa ama Nag aaral na siya ng medicine sa UP Manila. Si Jiro naman may kinalaman sa pag gawa ng website ang business. Sina Larry, Rio at Alex ay naglalaro sa ngayon sa PBA D-league.

May kanya-kanya na silang mga buhay pero minsan kapag may time nagkikita rin sila katulad nito. Talagang nag file ng leave ang mga doon pa rin nakatira sa palawan para lamang suportahan ang kaibigan syempre naghihintay na rin ng blow out. Kumain sila sa labas at nagkwentuhan at sinariwa ang mga pinagsamahan.

Dalawang taon...

Nasa harap ng altar sina Juanito at Katrin. Full support ang mga kaibigan, kabarkada, kaklase at mga extra. Naiiyak si Katrin habang hinahatid siya ng ama. Nakangiting naghihintay si Juanito tumutulo na rin ang luha nito. "Naalala niya ang sinabi ng ina "Gusto ko si Katrin para sa iyo."

Yong totoo hindi naman talaga naging official na mag jowa ang dalawa. Una dahil hindi naman nanligaw si Juanito at pangalawa, paano nga naman sasagutin ni Katrin si Juanito ehh hindi naman ito nanligaw. Sadyang may nabuo lang talagang tapat na commitment sa pagitan ng dalawa. Hindi importante kung official ba na sila na. Naalala ni Katrin yong minsang nag uusap sila ni Juanito.

"Pssst John?"

"Mahal mo ba ako?"

"Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Ehhh bakit hindi mo ako nililigawan?"

"Kailangan pa ba?" Sumimangot si Katrin sa narinig. Sa aminin niya man o hindi maraming gabing iniyakan ng dalaga ang pananawa ng lalaki. Pakiramdam niya kasi wala itong pakialam sa kanya.

Minsan isang umaga na text si Juanito sa kanya. Nagyaya itong kumain ang akala ni Katrin normal na breakfast lang ang hindi niya alam may pinaplano na pala ang binata sa kanya. Dinala siya nito sa isang burol at doon sila tumambay buong maghapon. Saktong takip silim noong ilabas ni Juanito ang isa sing sing. Kinilig si Katrin at halos himatayin noong sinabi ng binata ang mga katagang

"It is true that I don't want to be your boyfriend but the only thing I want from you is to be my wife. I want you to be the mother of our children and the the only woman that I will offer my life... will you marry me?" Kasabay ng paglubog ng araw, kasabay ng himig na nabubuo ng mga ibon habang ang mga ito ay humahapon sa kanilang mga pugad, kasabay ng napaka gandang tanawin sa kanluran ang isang pangako ng pag ibig. Isang pangako na pipiliting tuparin at hindi patitinag sa anumang unos na darating

"May dalawang babae lang akong mamahalin. Iyon ay si Mama at ang magiging mama ng mga anak ko."

-Juanito

"May nakapagsabi sa akin na masarap magmahal yong mga malapit sa mama. I tried and so far kahit minsan parang bipolar siya hindi ako nagsisisi."

-Katrin

Bandang huli... namatay rin sila... WALA pa ring FOREVER!!

The End

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon