Kabanata 13

70 0 0
                                    

Ika 7:00 ng umaga. Nararamdaman niya na habang dumaraan ang mga araw ay unti-unti na siyang iniiwan ng kanyang lakas. Ang katawan niya ay mahina na kumpara sa kanyang edad ngunit ang kanyang isip at puso ay katulad ng isang agila. 

Isa siyang agila na nakapagkamit na ng kapayapaan at pagkakuntento sa kung ano mang meron siya ngayon. Isang agila na naabot na ang pinakamataas na maaring liparin. Isa siyang agila na nagawa nang malagpasan ang pinaka-malalakas na bagyo at delubyo na maaring maranasan ng isang tulad niya. 

Naranasan niya ang saya ng makamit ang pangarap, makatagpo ng pagmamahal, makahanap ng kaibigan, magluwal ng anak at magpalaki nito. Natikman niya ang pait ng mawalan ng anak, magkasakit ng malubha, tumigil sa trabahong natutunan na niyang mahalin, iwanan ng kaibigan at marami pang iba.

Isa siyang babae na pinanday ng panahon, gamit ang apoy ng kalungkutan at tubig ng kaligayan. Natuto siyang maging matibay para sa iba. Natutunan niyang kalimutan na siya ang mas nangangailangan. 

Natutunan niyang tumulong samantalang siya ay nangangailangan din ng tulong. Natutunan niyang maging maging isang balikat na masasandalan gayong siya ay anumang oras maari na ring tumumba.

Nakahiga siya sa kanyang higaan. Naroon sa kusina ang kanyang asawa. Napagpasyahan nitong hindi muna pumasok sa kanyang trabaho. Naging masaya ang kanilang pagsasama. Minsan man ay hindi siya nagawang pagtaklisan nito o maaring hindi niya lang talaga nahuli. 

Dalawampung taon na silang kasal. Nagkaroon na sila ng dalawang anak. Gayunpaman hindi naging madali ang simula ng kanilang pagsasama. Dahil nga pareho silang matalino, ultimo dahilan yata ng pagsikat ng bawat araw ay napagtatalunan.

Sa kabila ng mga bagay na hindi nila napagkakasunduan, katulad ng kung ang kulay nga ba na asul ay pambabae o panlalaki, kung ang pangalan nga bang "Angel" ay pwedeng ipangalan sa lalaki, kung ano nga ba ang nauna sa manok at itlog, kung saan nga ba nakatira si Juan Dela Cruz, kung ang lason ba ay nakalalason pa rin kapag ito ay nag expire o kung totoo nga bang may "Atlantis", Kontinenteng "Pangea", kung totoo nga ba ang 'Theory of Evolution', 'Big Bang Theory', kung mas maganda ba ang 'Federal' kaysa 'Unitary' government, Capitalismo o komunismo, 'presidential' o parliamentary government, kung ano ang dahilan ng kahirapan sa Pilipas at napakarami pang iba. Kung sasabihin ko lahat baka kulang pa ang isang milyong page ng librong ito.

Ilang taon na rin naman mula nang huminto sila sa pagtatalo sa mga bagay. Sadyang hinanap na lamang nila ang mga bagay na pagkakasunduan. Ang mga sumusod ay halimbawa ng mga napagkasunduan nila "marami sa mga bagay na natutunan nila sa college ay mahirap sundin sa totoong buhay". 

 Nagkasundo rin sila na ang pag aartista ang isa sa pinakamagandang move kung gusto mong maging matagumpay na politiko. Napaka talino kasi ng mga botante ng Pilipinas ang pinipili ng isang below average intelligence na botante ay ang mga sikat na kandidato. Meron namang mas matalinong klase ng botante, sila naman ang pipili sa kung sino ang magbibigay ng mas malaking halaga. 

Sa kasamaang palad ang dalawang uri ng botante na iyon ay napaka kapaki-pakinabang dahil sila ang isa sa pinaka mabigat na dahilan ng paghihirap ng ating bansa. Maliban sa mga iyon, napagkasunduan nila na hindi magandang combination ang barong tagalog at rubber shoes. 

Napagkasunduan rin nila na hindi compatible ang demokrasya sa isang bansa na binubuo ng below average intelligence na mamamayan. Ayaw nilang magbigay ng halimbawa. Masakit kasi tanggapin ang katotohanan.

"Kamusta naman si Juanito?"

"Ayon mukhang nagiging maganda ang tinatakbo ng mga pangyayari"

"Buti na nga lang at natututunan na niyang mabuhay ulit"

"Bakit namatay ba siya?"

"Sige magsimula ka nanaman sa bisyo mo"

"Hehehe joke lang ba ma. So far maganda naman ang tinatakbo ng buhay nya. Lately ginagabi siya ng uwi napapasama daw sa mga teamate niya maglakad-lakad."

"Alam mo ba kung saan sila napupunta?"

"Doon raw sa bahay nina Dr. Roberts"

"Ahh ok. Mukha ngang nabubuhay na siya. Matagal ko nang kinatatakot na hindi siya makapag move on sa mga nakaraang nangyari sa atin."

"Ako matagal ko nang kinatatakot na tuluyan kang agawin sa akin ng sakit mo."

"Dr. Juan de Juan. University President, University of Palawan. Kala mo ba kahit may sakit na ako hindi na ako kinikilig? Hehe oo na pero alam kong kaya mo naman ehh. Ayaw mo pa yun? Di mo na kailangang gumastos ng 200 thousand acceptance fee para sa annulment."

"Ikaw mamatay ka nalang ang dami mo pang alam. Hindi ko kailangan ng annulment at ayaw ko non. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang mag asawa pag nawala ka ehh."

Mahigpit na niyakap ng propesor ang asawa. Muli nilang binalikan ang masasayang mga sandali ng kanilang pagsasama. 

Mula sa mga panahon na una silang magkita hanggang sa mga lugar na madalas nilang puntahan, tulad ng library, bookstore, music shop, art exibits, ilalim ng dagat, ibabaw ng bundok tabi ng sapa, at marami pang iba.

Sa panahong iyon pinaghalo ang pait ng paglalaro ng tadhana at ang matamis na regalo ng nakaraan, at asim ng papalapit na hinaharap.

Nakahiga si Mrs. De Juan sa kanyang kama. Hawak ng asawa ang kanyang kamay habang ninanamnam ang mga sandaling imposible nang maulit habang tumatakbo ang orasan- nang biglang magsalita si Mr. De Juan.

"Mama"

"Bakit Pa?"

"May pinagsisihan ka ba sa buhay mo?"

"Oo naman pero ayaw ko nang isipin. Masakit mamatay nang hindi nakaka move on"

"Ano yun?"

"Mas matagal akong oras na ginugol sa trabaho ko. Napakarami kong utang sa inyo ni John. Yung mga Family day niya nila ni Jeff na sila lang ang magkasama dahil pareho tayong abala. Yung hindi ako nakakasabay sa inyo kumain, yung mga pahanon na tulog pa kayo ay aalis na ako at pag balik ko tulog na kayo."

"Pareho naman tayong guilty jan ehh"

"Oo nga gusto kong bumawi pero mukhang huli na ang lahat."

"Huwag ka na ngang mag isip ng negatibo diyan pumapangit ka."

"Papa naman ehh nagdadrama ako binasag mo naman."

"Ayaw ko nang umiyak mahal ehh"

"Ako nga ang may taning ikaw ang umiiyak ano ka ba?"

"Ako naman ang iiwan mo bakit ka malulungkot kung nasa magandang kalagayan ka na non. Sana magabayan ko ng tama si John. Oo nga pala, may ipapakita ako sa iyo."

Pagkasabi noon ay inabot niya ang isang papel.

"Nag resign ka sa pagka-presidente? Bakit?"

"Mas kailangan mo ako ngayon. Hindi ko rin naman magagampanan ng tama ang mga responsibilidad ko sa sitwasyon natin ngayon ehh."

"Oo na tama na alam kong may kasunod na pambobola yan. Pero sana mag practice ka nang mabuhay nang wala ako."

"Teka ang hirap non!"

"Kaya mo yan"

"Aber sino na mag huhgas ng plato, magluluto maglalaba?"

"At katulong naman pala an hanap mo eh, di sana hindi na ako nag aral ng pagkatagal tagal kung yun ang hanap mo."

"Hahaha joke lang naman.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon