Kabanata 24

26 1 0
                                    

Maagang gumising si Juanito noong umagang yon. Siyempre naghanda naman siya agad ng kakainin nila sa almusal. Inihanda niya na rin yong babaunin niya. Una niyang nilagay sa bag yong Jersey na susuotin niya. 

Bagong jersey ito sadyang ginawa para sa Municipal meet. Dumarami na kasi ang sponsor nila. Natutuwa siguro sa paraan nila ng paglalaro na parang ayaw magbigay ng kahit isang panalo sa kalaban. No mercy attitude raw. 

Kaya nga parang hindi sila excited noong kinuha nila ang Championship trophy nila sa Mayor's cup ehh. Sa hindi naman inaasahang pagkakataon maaga ring nakagising ang ina. Nakikipagkwentuhan ito at nang-aasar sa anak. Mukha kasing hashtag inspired ang anak (#inspired).

Siyempre si Juanito halos matunaw sa pang aasar ng ina. Wala na siyang choice. Hindi na niya tinuloy ang pagkain umakyat siya sa kwarto niya at pumasok sa banyo at doon na naligo. Walang siyang warm shower kaya tiniis na lang niya ang lamig ng tubig.

Alam ni Juanito na umiintro pa lamang ang ina sa pang aasar. Kumbaga sa makina, hindi pa umiinit at kung ikukumpara naman sa isang athlete hindi pa nakaka warm up. 

Mas matitindi pang pang aasar ang gagawin ng ina sa kanya. Hindi mahahalata ng sino man na may sakit si Mrs. De Juan noong umagang iyon. 

Medyo tumagal siya sa paliligo at pagbibihis. Umaasa kasi siyang pag baba niya ay nasa kwarto nang muli ang kanyang ina. Lahat na siguro ng pagpapatay oras na naisip ng tarantang itik niyang utak ay nagawa na.

Kung bakit ba naman kasi ang lakas ng pakiramdam ng mama niya. At kung bakit ba alam na alam nito kung nagsisinungaling siya o natatakot, o naiinis.

Sa bawat hakbang niya pababa, natawag na niya yata ang lahat ng anghel na kilala niya. Pati nga siguro fallen angels ay kasama na doon. Bawat hakbang ay nakakabuo siya ng plano kung paano makakatakas sa makulit na pang aasar ng ina. Unang problema inaabangan siya nito. Nasa mood ito para tumawa nang tumawa. 

Wala siguro siyang masamang nararamdaman. Ayaw naman niyang sirain ang magandang mood ng nanay dahil mas gugustuhin niya naman itong makitang ganon kaysa naman naghihirap na nakahiga ito sa kama mula sa kanyang karamdaman. 

Kahit na mangangahulugan ito ng walang habas na panunukso. Kahit na lalong lalakas ang ebidensiya na magmumula sa kulay ng kanyang mga pisngi.

Noong makababa si Juanito, nalaman niyang may mas matinding problema pa siyang haharapin. Halos matunaw ang lahat ng balat ng binatiyo nang makita niya kung sino ang kausap ng ina sa sala habang hinihintay ang kanyang pagbaba.

"Kat!? Anong ginagawa mo dito!?"

"Picking you up?" Sagot ni Katrin na may halong pagpapa-cute

"How hospitable of you John. That's how you treat your guest hindi mo pa nga binabati sinusupladuhan mo na agad?"

"Maaaa!?" nasabi na lamang ni Juanito at napansin niyang may mas masama pang nangyayari.

"Ang tagal mong maligo kaya pinakita ko muna kay Kat yong mga pictures mo. As in lahat." At isang nakakatakot na ngiti ang makikita sa mukha ng ina.

Magkasamang nagtawanan ang dalawang babae. Buti na lang ay nasa likod ni Juanito ang ama at may sinabi na nagpalakas ng loob niya.

"Alam ko ang nararamdaman mo nak. Ginawa rin yan ng nanay ko sa akin. At tuwang tuwa sila ng mama mo habang ginagawa iyon." Sabay na lamang na umiling-iling ang dalawang lalaki habang pinapanood ang lahat.Humalik sa pisngi ng mga magulang si Juanito at pumasok na sa sasakyan ni Katrin.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon