Kabanata 32

12 0 0
                                    

"Papa... be... strong... our son... will be needing...... you" pagkasabi non naramdaman niyang humigpit ang hawak ng asawa sa kanyang kamay ilang segundo ang lumipas wala na itong pulso. 

Hindi na nagpadala sa hospital ang ginang. Mas gusto niyang pumanaw sa kanyang silid. "Kung matulog pa lang nga sa ibang bahay ehh hindi na ako komportable, ano pa kaya ang mamatay sa ibang lugar." Pagbibiro ng ginang sa asawa isang araw bago ito lagutan ng hininga. 

Pipiliting tumawa ng asawang lalaki ayaw niyang ipakita kung gaano siya kahina. Gusto ng asawa niyang maging malakas siya.

"Kaya kita minahal dahil alam kong matibay ka, may prinsipyo at handang ilaban kung ano sa tingin mo ang tama" naalala ni Jethro ang sinabi na iyon ng asawa. 'Marahil ay tama siya. 

Pero hindi sa lahat ng panahon kaya kong maging matibay.' Nakaupo ang ginoo nakatingin siya sa anak niyang nakayakap sa malamig na bangkay ng ina. Gustuhin man niyang palakasin ang loob nito pero hindi niya alam kung sa anong lupalop ng kalawakan niya kukunin ang lakas na iyon dahil siya mismo ay gusto na ring sumukong mabuhay.

"Ph D in Political Economy? Yan lang hindi kayang gawin?" Naririnig niya sa isip niya ang paboritong motivating words ng asawa sa kanya.

Bumalik nanaman ang isip ni Jethro sa kasalukuyan. Umiiyak pa rin ang kanyang anak habang mahigpit parin ang pagkakayakap nito sa ina.

Matapos mailagay ang asawa sa ataul at masigurong ayos na ang kanyang anak na sa ngayon kasama si Kate, nakiupo siya mga kaibigang nakikiramay. Nakipag kwentuhan sa mga ito, tumawa na nagpapakitang tao at naglabas ng nararamdaman. Tapik sa balikat at likod, may magjojoke na mabuti pa siya malaya na sa sumpa. Pwede na siyang makipag date na hindi nag aalalang mahuli ng asawa.

Lumipas ang mga Araw. Lumipas ang maiingay na mga gabi, matapos ang panahon na dinadagsa sila ng mga nakikiramay at nagsasabing napakabuting tao ng ginang, dumating na ang oras na kailangan na nila siyang ibaon sa lupa literally. 

Kasabay ng pagbaba ng kabaong, ang pagtangis ng mga nagmamahal kay Atty. Maricar De Juan. Limang oras matapos ang libing ng kanyang ina. Muli nang tumahimik ang bahay ng mga De Juan. Nagpaiwan muna si Kate dahil may misyon pa siyang dapat gawin. 

Ang misyon na ito ay ipinangako niyang tutuparin. Ipinangako niya ito kay Tita M sampung minuto bago ito mawala. "Kate promise me that you will never leave this house unless my son makes his first step in moving on." 

Kay kate binigay ang assignment na iyon dahil alam ni Maricar na alam ni Kate ang lahat ng dahilan kung bakit kailangang tulungan si Juanito, o kung hindi man niya alam ang lahat siya ang may pinaka maraming nalalaman. 

"Opo tita" tumutulo ang luha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Kasabay non ibinigay ni Maricar ang journal na sinimulan niyang gawin noong nalaman niyang bilang na ang araw niya.

"The moment we are concieved, we should start counting down our days.What if death is not an ugly thing after all?" Naalala ni Jethro ang sinabi ng asawa para makumbinsi ang doktor na sabihin sa kanya ang totoong kalagayan niya.

Linggo ng hapon noong ilibing ang kanyang ina. Mula noon alam niyang dalawa na lamang sila ng ama ang titira sa bahay. 

Buti na lang hindi pa umaalis si Kate mababawasan ang malungkot na ambience ng bahay dahil kahit papano eh halos pareho mag isip si Kate at ang ina. Minsan nga naiisip ni Juanito na tunay niyang ate ito. 

Mula kasi noong mawala ang kuya niya ito na ang itinuring niya na nakatatandang kapatid. Nakaupo si Juanito sa loob ng kwarto ng kuya niya. Siyempre naging paboritong hobby niya nanaman ang pag iyak. 

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon