Kabanata 22

31 2 0
                                    

Maganda ang sikat ng araw. Kasing ganda ng mood ng principal kapag walang magulang na maaga pang pumupunta upang mag reklamo tungkol sa mga bagay bagay. Maaga pa itong naghari sa alapaap kasama ng malamig na ihip ng hangin. Naglalakad si Juanito sa hallway ng paaralan.

"Good moring maam"

"Are you sure that your morning is good Mr. De Juan?" Si maam guidance counsellor yun nahalata niya kasi na hindi angkop ang bati ni Juanito sa ipinapakita ng mukha niya.

"Medyo antok lang po maam" nakangiting sagot ni Juanito. Ngumiti rin sa kanya ang guidance counsellor at nagpatuloy siya sa paglalakad papuntang silid aralan niya. Nasa second floor iyon kaya medyo mahabang lakaran yong halos araw-araw niyang ginagawa. Ilang liko pa at umakyat na siya sa hagdan at matapos ang ilang minuto nakarating na rin siya.

Nakaupo na si Kat sa upuan niya na katabi na ulit ng upuan ni Juanito. Bagama't alam ng dalaga na dumating na si Juanito, hindi man lamang ito kumibo. 

Parang wala lang siyang nakita. Mula doon, confirmed. Markado. Totoo nga! Galit nga sa kanya ang dalaga. Hindi man lamang siya kinibo. 

Gusto niya na itong kausapin ngunit hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin. Kung may gusto man siyang sabihin hindi niya rin naman alam kung paano ito sasabihin. Mas matindi niyang problema... hindi niya rin alam kung paano sisimulan ang pag uusap.

Bakit nga ba takot si Juanito makipag usap? Ehh kasi naman walang kasiguraduhan kung kakausapin rin siya nito. Siyempre masakit rin naman sa damdamin na mapahiya diba? Pero teka. Sino ba ang mas maraming rejection na ibinigay? Maiisip nanaman ni Juanito iyon at muli nanamang mag iisip.

Ito namang si Katrin hinihintay lang ring gumawa ng unang move si Juanito. Siyempre handa rin naman niya itong patawarin ang totoo hindi niya rin kasi ito kayang tiisin pero may malaking problema. 

Paano nya ba ipapaalam sa isang tao na pinatawad na niya ito kung ito mismo hindi humihingi ng kapatawaran? Siyempre may kasalanan si Juanito.

"Kat?"

"Ohhh" Sagot ni Kat may konting pagtataray siyempre paepek lang rin naman consistent naman iyon sa halos lahat ng mga babae ehh. 

Ang totoo alam na rin naman niya ang sasabihin ni Juanito. Bakit niya binigyan ng isang mataray na tono ng pananalita? 

Wala lang naman gusto lang niyang lambingin siya nito. Na hindi na maiintindihan ni Juanito kaya hindi na siya magsasalita. Matatapos ang buong araw na walang nasabi si Juanito. Kung sa salita pa ng mga bata, "HINDI PA SILA BATI".

Kung sinabi lang sana ni Juanito ang dapat niyang sabihin ayos na sana ulit ang lahat pero syempre pa epek din itong sa Katrin dahil gusto niyang magpasuyo ayon walang nangyari.

Ito ang unang beses ni Juanito makasagupa ang ganitong klaseng problema kaya't nagpatulong siya sa mga kinauukulan kahit ito ay hindi bukal sa kanyang loob at hindi niya sigurado kung dapat niya nga bang pagtiwalaan. 

Gayunpaman, nagtiwala pa rin siya. Wala naman siyang naiisip na ibang paraan ehh. Sila lang naman kasi ang close sa kanya. Para sa binatilyo ang ibang tao ay katulad ng mga bituin. Marami pero walang direktang kaugnayan sa kanya.

Nagtext siya sa buong tropa ng basketball team. At napagkasunduan nilang mag usap matapos ang practice. May naisip na raw si Jiro para maayos ang problema nila ni Kat. Bahala na si Batman ihahanda niya na lang ang sarili sa malagim na mangyayari.

Pinaka maagang dumating si Juanito sa gym. Sumunod naman si Gabriel, Jiro at hindi nagtagal kumpleto na sila. Wala pa si Katrin noon dahil dumaan muna siya at nakipag kwentuhan sa Guidance counsellor. Pagkakataon naman ito para sa mga barako upang makapag isip ng magandag plano.

Noong Bata pa si JuanitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon